Chapter Eleven

9.2K 289 6
                                    

"Soledad, nandiyan na ang nobyo mong si Carlos!" Sambit ng mga kaklase sa harapan ng bintana. Pumunta ito doon para dumungaw at nakita nga niya ito.

Kumaway ito pabalik sa nobyo at nagmadaling bumaba para masalubong ito. Ang tagal din nilang hindi nagkita, naging abala daw ito sa sakahan kaya hindi agad sila nakapagkita.

"Kumusta ang klase mo?" Tanong nito at kinuha ang ilang gamit ni Sol para bitbitin, "Hindi ka ba napagod?"

"Ayos lang ako," anito, "Ikaw? Kumusta ka doon sa sakahan?"

"Mabuti din. Halika na para hindi tayo gabihin, baka pagalitan tayo ng Papa mo."

Matagal na silang magkakilala dahil tuwing nagpupunta sina Carlos sa Casa Gregorio ay nagkikita sila. Hanggang sa iisa sila ng pinagaralan ng high school.

Hindi naman tutol ang pamilya ni Sol sa relasyon nila. Ngunit, wala naman talaga yatang Ama na pabor sa kahit sinong lalaki kung nobyo pa lamang ng anak.

"Magandang gabi po, hinatid ko lamang po si Sol galing sa klase."

Tumango lang ang ama ni Sol at nagbasa na ulit ng dyaryo. Hinarap nito si Carlos at nagpaalam na rin rito.

"Pa," nagmano siya sa Ama bago pumasok sa sariling silid. Ngunit tinawag siya nito bago pa tuluyang makaalis. "Po?"

"Tumawag sa akin ang Tiyo Ceto mo. Handa na ang tutuluyan mo sa Maynila para sa internship, magsabi ka lamang ng araw at maari ka ng magsimula,"

Nursing ang kursong kinukuha ni Soledad. Ito kasi ang sabi ng magulang nito. Tutal wala naman din itong ibang hilig, kaya pinili na rin nito iyon kunin.

Si Carlos, hindi na tumuloy ng kolehiyo. Wala daw sapat na pera para doon kaya puro vocational na kurso na lang ang kinuha at mas pinagtuunan ng pansin ang sariling sakahan ng pamilya.

"Pupunta ka ng Maynila?" Tanong ni Carlos na parang hindi nito narinig.

Natanggap na nga si Sol sa isang ospital sa Maynila para mag-internship. Handa na rin ang tutuluyan niya kung sakali, "Sandali lang naman iyon. Huwag kang magalala,"

Hinawakan nito ang kamay ng huli at ngumiti, "Hindi naman ako nagaalala." Anito, "Palagi lang kitang maalala, pero alam kong kailangan mo iyon."

"Hindi ka magagalit?"

"Ako?" Napatanong pa ito, "Bakit naman ako magagalit. Kung ako ang nasa posisyon mo, panigurado ay mauunawan mo rin ako."

"Hindi mo naman ako ipagpapalit?"

Tumawa si Carlos nang malakas, "Ano ako, tanga?" Niyakap nito ang nobya, "Tapusin mo ang sinimulan mo, Sol. Huwag ka magalala, kaunti na lang at mahihingi ko na rin sa magulang mo ang mga kamay mo,"

Hindi naman na nagulat si Sol doon pero iba pa rin pala kapag narinig. Napatingin siya rito nang diretso, "Pakakasalan mo ako?"

"Iyon lang naman ang pangarap ko."

Napahagikhik ang batang si Abby nang marinig na naman ang kwento ng magulang. Sana paglaki niya, magkaroon din siya ng ganitong klaseng pagmamahal.

Hindi makasarili, hindi mainipin at higit sa lahat, handang maghintay. Katulad ng Tatay niya sa Nanay niya.

"Hinintay ka po talaga si Tatay, Nay?" Malapad na ngiti niya sa ina, "and you lived happily ever after!"

"Aba ang anak ko, ang galing mag-English!" Niyakap siya nito nang mahigpit at pinugpog ng halik, "Ang galing galing talaga ng anak ko."

"Syempre po! Magaling kayo ni Tatay na tutor, Nay."  Aniya. Hindi namalayan ni Abby ang makahulugang tinginan ng magulang.

Hanggang sa narinig niya ang dalawa isang gabi. Nagising siya mula sa pagtulog. Mukhang malalim at seryoso ang pinaguusapan nila.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon