Today is the day.
Last day na nila sa kitchen ngayon at bukas ay balik housekeeping na sila. Abby didn't know how she managed to make it past this week without actually seeing him or her.
Iwas na iwas si Abby na makita ang mga ito, dahil ang totoo? Hindi pa siya handa. Kung pwede lang i-google iyon ay ginawa na niya.
"Attention, everyone." Tawag ni Chef Daisy sa lahat, "We will be catering the Annual Meeting with the major investors of this hotel."
Annual Meeting na pala ulit. Ang bilis naman ng taon. It's not a big conference, halos sampung tao lang ang nasa loob ng kwarto na iyon.
Managers and investors lang naman ang umaattend doon. It's more of planning and update with regards to the hotel sales.
Dati ay nandoon palagi si Ma'am Maricar pero last year ay hindi na ito ang umattend dahil may hinire na itong manager on her behalf.
Sinunod niya nang maayos ang utos ng Chef. They prepared a French Cuisine as per requested of the new Marketing Manager.
Wow, may bago pa lang marketing manager. Though, nalimutan niya ang pangalan ng huli dahil hindi naman sila sakop ng department na iyon. Sino kaya ang bago?
She asked some various questions. Ganoon naman si Abby, kapag may hindi naiintindihan, tinatanong kaagad. Mas maganda kasing sigurado kaysa nagmamarunong.
Although it is her last day. Knowledge is still knowledge.
"I could see that you're curious. Gusto mo bang maging chef?" Tanong ni Chef Daisy sa kanya.
She smiled, "Gusto ko pong magkaroon ng sariling hotel pero mukhang malabo." She chuckled, "Mabuti nga po ay nakuha ako rito kahit na hindi pa rin ako nakapagtapos..."
"I saw your application, isang semester na lang, bakit hindi mo pa tinapos?" She curiously asked, "Aside from that, you're a top performer in school. So, what happened?"
"Madami, Chef." Tipid niyang sagot pagkuwa'y iniisip na ang susunod na sasabihin, "Mas gusto ko na rin po na ganitong buhay, minsan kasi kapag mataas ang pangarap ng isang tao, mas maraming hihila sa kanya pababa. Kaya mas masaya na akong ganito, tahimik at simple lang ang buhay."
Nakatingin lang sa kanya si Chef Daisy, tila naintindihan ang kwento niya.
"You know what, Abby? I totally understand you. Katulad mo, pangarap lang ang mayroon ako." She said, "But, you know what? You're right. Mas okay naman talaga yung buhay na simple at payapa..."
Hinawakan nito ang balikat niya, "But that would be a problem in the future. Lagi mong itatanong sa sarili mo, bakit ka natakot? Bakit hindi mo sinubukan?" She genuinely smiled, "You have the potential, Abby. Don't waste it."
They went back to work, tila naging isang malaking palaisipan kay Abby ang sinabi ni Chef Daisy. Hanggang sa natapos na nila ang lahat ng kailangan para sa annual meeting.
They are on their locker room, taking their short break. "Huy, ayos ka lang?" Tanong ni Daniella sa kanya, "Lately you've been zoning off. Palagi kang nakatulala, hindi pwede iyan. Last day na natin sa kitchen, ayoko na sa kitchen!"
"Okay lang ako, Ella." She said, "Pagod lang..."
"Huwag mo na kasing isipin si Raven," Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito at agad niyang tinakpan ang bibig nito.
"Ella!" Saway niya, "May makarinig sa 'yo!"
Saktong pumasok si Chef Daisy at tinawag sila, "Abby, Ella. Come with me, assist me in the conference room."
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
Narrativa generaleKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?