Raven Clifford Martinez Delaverde.
Napataas ang kilay ni Abby habang tinitignan ang pictures nito sa cellphone ni Cynthia. His eyes were expressive. Madalang sa lalaki ang may makapal na pilikmata at magandang tubo ng kilay. His jaws were also emphasized. Iba din ang mukha nito, he'll break a lot of hearts!
"Are you listening to what I'm saying?" ani Cynthia, "You have to master the story or else Dominic would catch us. That should never happen."
Napakamot siya sa ulo, "Sorry po, ang gwapo lang kasi nitong Raven,"
"Abby, you can't fantasize about him. He's your brother!" Saway ni Ate Cynthia.
Right. 'Anak' nga pala siya nito, at kapatid niya sina Raven, Gryffin, Slyther at Huffle. Napangiti siya sa mga pangalan dahil pinanood niya ang Harry Potter noon. Ito daw ang mga anak ni Dominic sa unang asawa.Siguro reader or fan ng HP ang magulang nila.
"Ate, paano pala si Tatay?" Tanong niya rito. Bumalik na agad sa focus ang isip niya.
Ate Cynthia offered her help with regards to her father's medical bills in exchange that she would help her, too.
Hindi niya lang inaasahan na ganito pala ang kailangan nitong tulong. Kailangan niyang magpanggap na anak nito.
The reason was her husband just lost his memories, and he can't remember her. She wanted to do everything to make him stay. At sa laki ng halaga na inoffer nito, sino ba siya para tumanggi pa?
Kailangan lang pala niya magpanggap kapalit ng kaligtasan ng ama. Lulunukin na muna niya ang pride. Mas maganda ng ito kaysa unahan pa siya ng pagkadesperada at pasukin na lahat ng pwedeng pasukin.
"Hindi ko pababayaan ang Tatay mo, he'll get the proper medications while you can continue your studies, Abby. Just do this at ako ang bahala sa 'yo."
Nagkalapit sila ng loob ni Ate Cynthia, para siyang nagkaroon ng nakakatandang kapatid dito. Sa totoo lang, matalino din naman itong babae at madiskarte. She speaks her mind and full of confidence. Hindi niya maiwasan na humanga.
"Stop calling me, Ate. Dapat sinasanay mong Mama ang tawag sa akin," Bilin nito habang kumakain sila sa restaurant dahil ngayon gabi din siya sasabak sa pinakamalaking pelikula ng buhay niya. "Lilipat ka rin ng school. I want you to study sa school na pinapasukan ng anak nila so you'll be updated, too. Kaibiganin mo sila, kilalanin." Tumango siya.
Ate Cynthia or Mama enrolled her at the same school her so-called half-siblings are studying. Sa kalagintaan ng quarter siya pumasok, kung tutuusin ay alanganin pero marami talagang nagagawa ang pera.
Her last two quarters as a third year student, ginugol niya para obserbahan ang mga anak ni Dominic.
Huffle was the easiest to see since she belongs to the lower class. Slyther usually spends his time with friends, habang si Gryffin madaming kasama dahil part ito ng Student Council. While Raven, madalas magisa sa canteen man o library. He is already on his first year in college.
"Abby, anong ginagawa mo diyan?" Tanong ng kaklase, "Nagprapractice na kami. Kailangan ng puno, ikaw na lang gumanap. Kumuha ka ng mga dahon para kunwari iyon ang mga dahon mo."
Napailing siya. Nagpunta siya sa may circle para pumulot ng mga dahon, at pumunta sa mga ka-grupo na nagrerehearse. All she has to do is to stand on the background and hold the leaves then pretend to be a tree.
Iniikot niya ang mata nang mahagip ng tingin si Raven! Nagulat siya dahil nakatingin ito sa gawi nila. She felt her cheeks burned. Ano ba naman iyan, nakakahiya!
"Grabe, ang gwapo talaga ni Delaverde!" Rinig niyang sambit ng isang kaklase, "Ang galing mo talaga pumili ng pwesto!"
"Syempre, alam ko dito nagpupunta iyan kapag vacant. Inaabangan yata iyong bunso niyang kapatid para may kasabay sa recess."
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
Ficción GeneralKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?
