"Attention, everyone!"
Nakatulala pa rin si Abby nang makabalik sila sa locker room. Kung hindi pa nagsalita si Ms. Evelyn ay hindi siya kukurap.
After what happened earlier, gusto na lang umalis ni Abby agad. But her legs couldn't move. Si Ella pa ang umalalay sa kanya kanina.
Peter and Pierre are the sons of Soledad and Gener De Leon. The family she has been hiding from ever since...
"Abby, tawag tayo ni Ms. Evelyn." Ella handed her hand, "Tara..."
She sighed and accepted her hand. Kung wala si Ella, hindi niya yata alam paano makakatayo. Puno lang ng pagod at takot ang katawan niya.
"Tomorrow, there will be some temporary changes." Panimula ni Ms. Evelyn, "Abigail and Daniella, both of you will be assigned in the restaurant. According to the HR, you have an experience working in a restaurant, Abby."
Nagulat siya doon pero agad na napatango, "Bakit po pala, Ma'am?"
"They were short staffed. The HR thought of a swift solution. Don't worry, you'll be compensated according to the salary of the staff there, and it will be temporary. So, you'll both be in the kitchen."
Tumango siya, "Thank you, Ma'am."
"You will report to Mr. Diaz starting tomorrow. He is the restaurant manager," Sambit nito, "Alright?"
"Yes, Ma'am." Ang iba naman ay inassign din sa iba't ibang department. Mukhang may nangyayari sa taas na nakakaapekto sa kanila ngayon.
Nang makauwi sila sa apartment ay agad siyang nagsabi kay Daniella na gusto na niyang magpahinga. Kaya naman pumasok na siya sa sariling kwarto at humiga sa kama.
She closed her eyes. Malaking bagay na malilipat siya ng department. Hindi na siya maglilinis ng mga kwarto at malaki ang tsansang hindi siya makikita ni Peter.
Hindi niya napansin na may luha na palang natulo mula sa mata niya. Bakit ba ang liit liit ng mundo?
Kinabukasan ay maaga silang magkaibigan sa trabaho. They reported to their temporary head, Mr.Diaz.
"Both of you will be working here as their assistant. The job isn't easy, it requires strength, endurance and speed." Paliwanag nito, "Walang lugar ang palpak dito, naiintindihan ba?"
Tumango silang dalawa, "Yes, Sir."
"I'll introduce you to our head chef." Sumunod silang dalawa papasok ng kitchen, "Chef Daisy, let me introduce you to your new assistants."
"Good morning, Chef!" Bati nila rito.
Umalis na si Mr. Diaz at iniwan na silang dalawa doon.
"Good morning." She replied with a smile on her face, "Let me get this straight okay? My kitchen, my rules. There's only one rule here. Don't be stupid."
"Yes, Chef..." Sagot nilang dalawa at inabutan sila ng panibagong uniform. Iba kasi ang uniform ng mga nasa kitchen.
They were ushered on their new lockers para makapagpalit na rin. They need to wear hairnet always, for hygiene purposes.
"Hindi ko matanggap na yung beauty ko sa kusina ilalagay." ani Daniella, "Jusko! Masyadong mausok at kakapit ang amoy sa buhok ko."
"Ano ka ba, Ella? Marinig ka ni Chef at mabembang ka sa unang araw natin dito!" Saway niya sa kaibigan at nagtali na ng buhok.
"Abby?" Napalingon silang magkaibigan. "Abby!"
"Uh-oh, nandiyan na ang frustrated manliligaw mo." ani Daniella, "Excuse me, magbibihis na ako!"

BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
Fiction généraleKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?