"Good morning, Daddy... Wake up ka na, gutom kami ni Mommy..." Tinapik-tapik niya ang pisngi nito at hinalik-halikan. This is what she loves to do these past few days, nakakagigil!
Raven smiled at opened his eye, "What time is it?"
"It's 7 AM..."
Napadilat ito lalo at napabangon nang kaunti, "You're up too early, Baby. Hindi ka nakatulog kanina?"
"I did... Nagising lang ako kasi nagutom kami ng anak mo." She said, "We're okay, Daddy. Don't worry..." She chuckled.
He still looked so worried, "Are you sure you don't feel anything bad?"
"Hala, ang Daddy sobrang worried." She said, "Bagay pala sa 'yong tawaging Daddy..."
Napangiti naman si Raven, "It's great but.."
"But?"
"Parang mas gusto ko kung Tatay ang itatawag niya sa akin," He said, "What do you think?"
Tila may humaplos sa puso niya. She didn't think that. It's crazy to hear that Raven, a businessman, wanted to be called as Tatay.
Bigla niya tuloy naalala si Tatay Carlos.
"All right, Tatay." She lovingly smiled at him and kissed him on his lips. Mukhang nabigla si Raven sa simula pero agad naman itong bumawi.
Being married to Raven for almost two weeks felt beautiful. Matagal naman na silang nagsasama pero iba pala talaga kapag kasal. As if for the first time, she knew that there's something she can call hers. She has a family. Hindi na lang sila ni Tatay Carlos.
Speaking of her father, parang gusto niyang puntahan ang puntod nito ngayon. That's why she requested Raven to drive her in the cemetery where his grave is in. Ang tagal na rin nang hindi niya iyon nabisita.
Hindi naman mahirap puntahan ang pinaglibingan ng Tatay niya. Hindi lang talaga niya magawang puntahan ito lalo na pinangako niya sa sarili na aapak lang doon kapag natupad na niya ang mga pangarap nito para sa kanya.
Somehow, it did. Tatay Carlos wanted her to be happy, and she is. Napabaliktanaw si Abby sa nakaraan kung saan huli niyang kasama si Tatay Carlos.
Dinala pa siya nito sa isang park. Nagdate silang dalawa na katulad ng dati. Walang iniisip na problema, puro tawanan lang.
"Abby," nagulat siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon, "Anak..."
Napalingon siya at nakita ang ama na nasa harapan. Mapagmahal na nakangiti sa kanya, "Tay..."
"Hi, anak." Hindi nakagalaw si Abby kaya naman ito na ang lumapit sa kanya't kinabig siya ng yakap. "Miss na miss na kita,"
Napasinghap si Abby. She didn't expect to feel that embrace, and she knew it is really him. Napaganti siya ng yakap, "Tay!"
"Oh, bakit ka naman umiiyak?" Tanong nito, "Masaya ka, hindi ba? Masaya na tayo..."
"Miss na miss kita, Tay..." Naluha siya roon. Pinunasan nito ang luha sa mata niya, "Ang daya mo pa rin. Hindi ka man lang nagbilin... Wala ka man lang pa-suspense. Bigla ka na lang nangiwan..."
Hindi agad nakasagot ang ama bagkus hinaplos lang ang buhok niya, "Kung magpapaalam kasi ako sa 'yo, alam kong hindi mo ako papayagan. At alam ko kapag ginawa mo iyon, hindi ko rin matitiis na iwan ka..."
"I'm sorry, Tay... I'm sorry, kung magisa kang umalis. Sana man lang hawak ko ang kamay mo sa mga oras na iyon."
"Hindi mo kailangan magalala, anak. Hindi lang kamay ko ang hinawakan Niya nang umuwi ako sa Kanya." Ngumiti ito, "Pati puso mo't kaluluwa. Pinanalangin kong huwag Niyang bitawan."
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
Ficción GeneralKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?