Chapter Twenty-Six

8.6K 283 7
                                    

Nagkatitigan sila ni Raven, gusto na niyang magpakain sa lupa ngayon kung pwede lang. Wrong timing naman! Mukha tuloy niyang itinanggi ang nobyo.

"Aling Linda, teleserye po kasi ang lovestory ng dalawa. Mamaya po ikukuwento ko!" Putol katahimikan ni Daniella.

Bumaling siya kay Raven na nakakunot ang noo, "M-may dalawang kwarto rito. Doon na kayo ni Gryffin sa silid ni Tatay, kami ni Ella dito sa silid ko" aniya, "Iyon ang banyo at doon ang kusina, mamaya na lang tayo mamili ng makakain natin. Magpahinga muna kayo."

"Can I go in? I wanted to rest my eyes." Gryffin said.  Tumango siya rito pagkuwa'y dumiretso na, samantalang si Raven ay nakatitig pa rin.

"Raven..."

"So, hindi mo ako boyfriend." Ngumisi ito.

"Hindi naman iyon ang tinatanong ni Aling Linda, Raven..." Dahilan niya. "Hindi naman tayo magpapakasal."

Hindi nakapagsalita si Raven doon. Halatadong nakuha ang punto niya. Ang bilis naman kasi ng mga pangyayari.

Hindi na nga sila dumaan sa ligawan. Diretso kama este aminan. Pati ba naman kasal, ganoon din? Mabilisan?

"Abby!"

"Toto?" Mabilis itong lumapit sa kanya at yumakap, "Kumusta ka na?"

"Ayos naman, ikaw ba? Mabuti naman at napasyal ka na!"

"Abby!" Si Nene. "Nako! Miss na miss na kita!!"

"Nene!" Niyakap niya rin ito kaya lang napatingin kay Raven.

"Ay, si Raven nga pala.." aniya, "Raven, mga kababata ko. Si Toto at Nene"

"Hi.." Ani Nene, "Nelly na lang," may pagpungay pa ng mata!

Tumango lang si Toto at binalik na ang atensyon sa kanya, "Kumusta ang biyahe papunta rito?"

"Ayos naman."

"Nako, Abby! Magpasalamat ka diyan kay Toto, sobrang alaga niyan sa bahay niyo at sa mga halaman sa labas, masyadong pinangatawanan ang pangako niya kay Tatay Carlos," sabat ni Nene pero nakatingin pa rin kay Raven. Sino ba kasi ang hindi mahuhumaling rito?

"Magpahinga muna kayo," Toto said. Hinawakan nito ang balikat niya at nagbigay ng marahan na tapik doon. "Umikot tayo mamaya sa Casa kapag nakapagpahinga na kayo. Marami ng magagandang lugar rito,"

"Sige," sambit niya, "Salamat ulit, Toto at Nene."

Nauna na siyang pumasok sa silid. Hindi naman siya masyadong pagod, lalo na nakatulog naman siya sa biyahe kanina.

Iniisip niya lang si Raven. Mukhang nagtatampo pa sa kanya ang nobyo. Nakita niya ang litrato nila ng Tatay niya sa dingding, she smiled. "Hi, Tay. May bisita tayo, ha?"

Nagbihis lang si Abby ng damit pagkuwa'y pinuntahan na si Aling Linda. Hahayaan na muna niya magpahinga sina Ella.

Isa sa rason kung bakit siya pumunta dito ay para makausap ang matanda. Gusto niya lang mas maging handa kung sakaling mapunta sila sa demandahan nila Pierre.

Inilapag ni Aling Linda ang kape na tinimpla nito para sa kanya at umupo sa harapan niya, "Hindi papayag si Sol na umabot kayo sa ganyan, anak."

"May mga papel na, Aling Linda." At paano nasabi nitong hindi papayag? Madami ng pinalagpas si Mrs. De Leon na ginawa ng mga anak nito sa kanya. Ano ba naman iyong pagbintangan siya na pinerahan ang sariling ina?

It's so absurd. Iba talaga kapag may pera. Kahit walang saysay, iwawaldas lang.

"Clara, anak ka ni Sol." She said, as if she needed to be reminded, "Alam kong may mga pagkakamali ang nanay mo pero kilala ko siya."

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon