Kung ang face to face class ay mahirap na. Mahirap din pala ang online class. Lalo na kung ang internet connection ay halos kasing kupad ng pagong.
Nagsimula na ang klase. Halos isang linggo na rin ang nakalipas. Isang linggo na rin niyang housemate si Raven.
Yep, that's what she calls him. Housemate.
Sumasakit na ang ulo ni Abby. Para siyang naliliyo, kailangan yatang ayusin ang internet na kinabit o pupunta muna siya sa Casa Fuego para maki-internet?
"Abby, kumusta ang connection mo?" Si Ella.
"Mabagal pa rin."
"Raven, mabagal pa daw! Ayusin mo pa."
Napakunot ang noo niya at lumabas ng bahay. Nakita niyang nasa bubong si Raven! "Huy, anong ginagawa mo? Baka mahulog ka diyan!"
"Matagal na siyang hulog sa 'yo, girl." Marahang siko ni Ella, "Bumalik ka na doon. Inaayos niya iyong internet mo para maka-attend ka ng class nang maayos."
After 5 minutes, naayos nga iyon. Hindi naman sobrang bilis pero at least naiintindihan na niya ang sinasabi ng teacher.
"Hoy, Abigail." Sambit ni Ella, "Ako uuwi na sa Manila. Baka naman pagbalik ko, buntis ka na?"
"Loka-loka!"
"Sinasabi ko lang." Sambit nito, "Babalik ako agad, ha? May need lang akong tapusin sa school." Kagaya niya, nagsisikap rin makatapos itong si Ella ng pagaaral.
"Good morning," sabay silang napatingin ng kaibigan, "Ikaw ba si Ms. Clara Abigail Sinfuego?"
"Ako nga po, bakit?"
"Ipinapaabot po ni Attorney," Inabot nito sa kanya ang sobre. Napakunot ang noo niya, "Salamat po."
Binuksan iyon ni Abby. It's a written resignation letter by her lawyer. Gusto niyang lukutin ang papel. Napakahayop.
Napasapo si Abby sa ulo. Parang nandilim ang paningin niya bigla. Agad siyang dinaluhan ni Ella, "Abby, anong mayroon?" Kinuha nito ang sulat.
"What happened?" Tanong ni Raven na kapapasok lang, "Who's he?"
Napakamot sa pisngi si Daniella at napakuyom ang palad, "Tauhan ng abugado ni Abby..." Anito, "He resigned..."
"Abugado saan?" Naguguluhang tanong nito, "Slyther is your lawyer. Your case about the inside trading is already closed —"
"No, it wasn't about that..." She murmured.
Sandaling nagkaroon ng katahimikan hanggang si Ella na ang nagkwento dito.
"Kinukuha ng mga kapatid ni Abby itong lupa. Inaangkin nila ito." Sagot ni Daniella, "Pinapalabas nila na may utang si Abby sa kanila at ito ang kabayaran."
"Nagkautang si Abby?"
Umiling si Daniella, "Naniniwala iyang Pierre De Leon na pera nila ang ginamit ni Abby para maipagamot si Tatay Carlos. Akala nila kasi ay nagsusustento pa ang Nanay nila sa kanila pero matagal nang hindi. Noong una ay ipon ni Abby ang ginagamit niya hanggang sa iyong pagpapaaral na binibigay mo..."
Nakita niyang nagtangis ang bagang ni Raven. He sighed heavily and looked at her.
"May mga kopya sila ng hospital bills kung saan nababayaran ni Abby ang bill. Natural, saan nga naman ba makakakuha si Abby ng ganoon kalaking halaga? Hindi ka naman nila kilala, hindi nila alam kung ano ang pinasok ng kaibigan ko para kay Tatay..."
Kitang kita sa mga mata ni Raven na parang gusto siya nitong lapitan at ikulong sa loob ng bisig nito. Why does it seem that he know how hard it is for her?
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
Narrativa generaleKung walang babaeng pinangarap ang maging kabit, wala ring anak na pinangarap na maging bunga ng kasalanan. Ngunit, may magagawa ba siya sa bagay na iyon?
