Chapter Twenty-One

9.5K 348 21
                                    

Sa totoo lang, hindi na mahalaga kay Abby kung mawalan siya ng karapatan bilang anak ni Soledad De Leon.

When was the last time she felt being her child? She couldn't remember anymore.

Papel lang naman iyon, at wala siyang interest sa mga iiwanan nitong ari-arian kung sakali na mawala ito sa mundo. Pinalaki siya ni Tatay Carlos na puno ng pagmamahal kaya kahit kailan, hindi niya naramdaman ang kulang.

Kaya lang, ibang usapan ang pinapalabas ngayon ng mga abugado nito. Sa restaurant malapit sa hotel niya ito kinita, doon ang address na binigay nito sa kanya.

"Hindi ko maintindihan, Attorney." She said, "Wala akong sustento na tinatanggap o natatanggap kay Mrs. De Leon. Paano ako magkakautang sa kanila?"

The lawyer just shrugged, walang pakialam sa sinasabi niya, "Nakuha ko ito sa ospital kung saan nakaconfine si Mr.Carlos Madrid Sinfuego, nakalagay rito na malaking halaga ang binabayaran mo para matustusan ang hospital fees niya ---"

"Hindi ibig sabihin na nababayaran ko ay galing na sa kanila ang pera!" Nagtangis ang bagang ni Abby at nakakuyom na ang palad.

"Maari ko bang malaman kung saan mo ito kinukuha?"

Nagkatinginan sila sa mata ng abugado, now he's manipulating her. Alam ni Abby na may ganitong talent ang mga abugado, kunwaring nagtatanong pero strategy na pala nila para manalo.

She can't answer that question.

"Attorney, wala akong dapat bayaran sa kanila dahil wala akong utang. Kahit utang na loob ay wala!" Hindi niya na napigilan ang sarili na tumaas ang boses, wala siyang pakialam kung marinig siya ng mga tao sa loob ng coffee shop.

"Kaya ko ng tanggapin na wala akong makukuha sa nanay ko, pero hindi nila pwede sabihin sa akin na umutang ako ng pera! If they insist on that, then they have to show me a proof that I did, any written statement."

She walked out and just go back to her work. Kailangan niyang abalahin ang sarili, kung hindi ay matatalo na naman siya ng sariling nararamdaman.

"Abby, hindi ka pa ba uuwi? Overtime ka na naman. Hindi naman bayad!" Bulong ng isang katrabaho nila. Wala si Daniella ngayon, nasa Pampanga pa rin ang kaibigan.

Ngumiti lang siya, "Hindi ako nakapagfile for overtime. At isa pa, okay lang at magisa lang din kasi ako ngayon... Nakakalungkot na wala si Daniella."

"Mauuna na ako." Paalam nito, "Si Jay yata hinihintay ka. Yiee! Sagutin mo na kasi."

"Sige na umuwi ka na," Hindi na niya pinansin iyon. Alam naman ni Jay na wala siyang panahon sa panliligaw o relasyon lalo na matagal na niyang inamin sa sarili na may nagmamayari na nito. Tinapos niya lang ang pagliligpit ng ibang gamit bago umalis.

"Abby!" Nakita niya si Jay, "Uuwi ka na? Hatid na kita."

Umiling siya, "Ah, hindi pa..." Tanggi niya. Hindi naman ito ang unang beses na nagalok ito na ihatid siya pero may dalawang beses yata na sinundan siya nito hanggang pauwi.

Kaya mahirap kapag wala si Daniella. Walang kinatatakutan si Jay. "Dadaan pa ako ng supermarket..." Naglakad na siya papalabas. "Sige, una na ako. Baka masaraduhan ako."

"Samahan kita?"

"Hindi na, Jay..."

"Sure? Baka madami kang bibilihin." He insisted, "Kaya ko magbitbit--"

"Abigail," Nakahinga nang maluwag si Abby nang makita si Raven, he just got out of his car, "Let's go."

"Sir..." Napayuko si Jay, "Good evening po."

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon