Chapter Forty-Two

10K 298 14
                                        

Hindi sila umuwi sa Casa Sinfuego nang gabing iyon. Doon sila dumiretso sa condo ni Raven.

Nagpaalam si Daniella na may pupuntahan kaya silang dalawa lang ni Raven ang magkasama ngayon.

"Magpahinga ka muna, sabi ng doctor hindi ka dapat masyadong —"

"Salamat..." Putol niya rito, "Okay na ako, pangako."

Huminga ito nang malalim. Bigla itong mas naging maingat sa kanya, "Sige na, hihiga na..." Para din hindi na ito masyado magalala. Inihiga siya nito sa kama at kinumutan.

"Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako."

Tumango siya, "Okay..."

Nakahiga lang si Abby nang lumabas ito ng kwarto. She just stared at the ceiling, thinking a lot of things lalo na ang mga rebelasyon ni Peter.

Sumasakit ang ulo niya. Saan ba nagmula itong problema? Pakiramdam tuloy ni Abby, nadamay lang siya sa lahat. Kung sana hindi na lang sila umalis sa Casa noon, sana hindi ganito kakumplikado ang lahat.

Napabangon si Abby at napahilot sa sentido. Gusto niyang magalit. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang lumayo. Halo-halo pero wala naman siyang lakas.

Nang lumabas naman siya ng silid ay nakita niyang nakaupo si Raven sa may terrace. Malayo ang tingin at malalim ang iniisip.

Naalala niya na naman ang sinabi ni Daniella. Doon lang napagtanto ni Abby ang katotohanan. Na sa kabila ng galit na nais niyang maramdaman, mas nananaig ang pagibig.

Hindi niya magawang sisihin ito sa lahat ng pinagdaanan niya dahil katulad niya, biktima lang din ito. Biktima nang maling desisyon ng magulang, biktima ng inggit, biktima ng bulag na pagibig.

"Tea?"

Marahan itong nagulat, "Bakit gising ka pa?"

"Hindi ako makatulog." Inabot niya rito ang tasa na hawak, "Chamomile iyan, para makatulog ka."

"Salamat..." Sumimsim ito, "Ang sarap..."

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. No, it wasn't a heavy nor awkward silence. It's just silent, surprisingly peaceful.

Hindi niya man masabi, alam ni Abby na sa presensya lang ni Raven siya nakakaramdam nang ganito. Kapayapaan.

"Tungkol kanina..."

"Wala kang kasalanan doon, Raven." Agad niyang sambit, "Pantay ang pagkamuhi sa atin ni Pierre."

"But what Bella did to you..." Hindi na nito matapos ang sinabi. Kumirot ang dibdib ni Abby, doon nagkaroon ng pagkakaiba sa kanila.

Pero sino ba ang nagbibilang? No one, not even her. Wala sila sa contest para mag kumpara kung sino ang mas agrabyado o nasaktan.

Nagkaroon muli ng katahimikan sa pagitan nila. Parehong naga-hihintayan kung sino ang unang magsasalita, maging sa pagtingin ay naguunahan pa sila.

"Hindi ka ba natatakot?" Basag katahimikan niya, "Ang gulo ng buhay ko, sa sobrang gulo ay hindi ko na makita kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit umabot pa sa ganito ang lahat..."

"I-I do." He sighed heavily, " pero mas nakakatakot kapag wala ka..."

She sighed, "Hindi ka ba napapagod?" Kasi siya, pagod na pagod na.

"Napapagod" pagamin nito, "pero ayokong sumuko, Abby. Hindi bale ng mahirapan ako, hindi bale ng maghintay ako pero hindi ako susuko. I'd rather wait in vain than regret losing you forever..."

Raven and his words...

"Hindi ko naman sinasabi na patawarin mo ako ngayon, pero hayaan mo sana akong samahan ka, hayaan mo akong bumawi..." Ibinaba nito ang tasa at kinabig ang magkabila niyang bewang, "Hayaan mo akong ipaglaban ka, hayaan mo akong ipagtanggol ka."

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon