Chapter 26

1.6K 23 2
                                    

Akira POV

Nandito kami ngayon ni Suho sa garden nakaupo habang iniintay ko yung sasabihin nya saakin. ewan ko ba dito sa lalaking to para kasi ang weird ng kinikilos nya.

"Akira may gusto sana akong sabihin sayo." saad ni Suho habang nakatingin sa fountain.

"Ano ba yung sasabihin mo saakin?" saad ko nakatingin sa fountain sabay baling ng tingin ko sa kanya.

"Hindi na muna ako makakatagal dito sa japan." saad niya.

"Bakit naman, meron bang nanyari na di maganda?" tanong ko sa kanya na may pag aalala sa tono ng bosses ko.

"Wala namang nanyari na masama, gusto ko lang kasing tulungan si Dad na hanapin si Kuya." saad nya na nakatingin parin sya sa fountain.

"Ahhh, so kelan ka aalis?" tanong ko na may kasamang lungkot.

"This Week." saad niya saakin.

"Sige, kung yun yung decision mo Di naman kita pipigilang umalis. dahil na iintindihan kita." saad ko sabay hawak ko sa kamay nya.

Mga ilang saglit lang inaya ko na syang mag breakfast dahil sakto kaming dalawa lang naman ang hindi pa nakakakain. Ewan ko lang sa ibang kaibigan ni Jimin kung kumain na sila. Si luna naman kumain siya kasama si Jungkook ngayon morning date daw. Kasi first time daw nila pumunta dito. kaya pinabayaan ko muna syang mag bonding kay jungkook.

-------- 

nandito kami sa may resturant ako na yung nag prisinta na mag hanap ng vacant seat. habang nag hahanap ako ng vacant seat nakita ko si jungkook na may kausap na ibang babae, kaya ang laki ng gulat ko ng matandaan ko ay mag kasama sila jungkook at si Luna. 

pero bakit ibang babae ang kasama ni Jungkook? sino yung babae na kausap niya? lalapit na sana ako pero nag balak pa akong picturan yung babae pati si jungkook. hindi ako papayag na sasaktan ni jungkook si Luna dahil parang ngayon lang nag simula si Luna na mapapamahal kay jungkook. tapos ito ang gagawin nya.  

nang matapos kung kuhanan ng picture si Jungkook at yung kasama nyang babae pumunta na ako kaagad kay suho at inaya ko siya na sa iba nalang na resturant kami kakain nag dahilan ako na ayoko yung lasa ng resturant na yun. 

nang makarating kami sa otakishio resturant pag pasok namin pinagmasdan ko lang yung paligid, hindi masyadong madami ang tao dito kaya umupo nalang ako doon sa pinakasulok na may katabing glass wall halos makikita mo doon yung magandang garden at my mga isda sa tabi. gusto ko din mag relax baka kasi kaibigan yun ni Jungkook mahirap kasi manghinala na mali yung sasabihin mo sa iba right?

hindi ko namalayan na parating na pala si Suho papunta sa dereksyon ko. gusto ko munang ibigay yung oras ko sa kanya. nang maibigay nya saakin yung inorder nya saakin  nag dasal muna ako then we eat.  

di nag tagal nagyaya sya na mamasyal na muna kami, kaya hinayaan ko muna syang mag desesyon ng gusto nyang puntahan. mga ilang saglit lang  nag paalam muna ako kay Suho na pupunta lang Ako sa CR kasi parang iba pakiramdam ko ngayon. 

papunta sana ako sa CR kaso may bigla akong narinig ng ng bosses ng lalake. 

"Luna Makinig ka naman saakin wala akong kasamang babae sa resturant." saad ng lalake.

kaya napalingon ako sa kabilang dereksyon kung saan yung nag sisigawan.

"So maling lalake pala yung nakita ko. yung lalakeng kaparehas mo na damit yung lalake na kaparehas yung phone case na dala mo. So lahat coincidence?" saad nung babae na pamilyar saakin yung bosses.

nang malingon ko to nakita ko si Luna na bigla nalang pumatak yung mga luha nya sa mata habang kausap nya si Jungkook. hindi na ako nag patumpik tumpik pa wala na akong alinglangan na lumapat sa kanila dahil ayaw kong nakikita si Luna na umiiyak sa harap ko. dahil ngayon ko lang sya na kitang umiyak ng tuloy tuloy ang pag agos ng luha nya.

I'm in love with my stepbrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon