Joseff's POV
Binuksan ko ang aking bunganga dahil ipapasok ang cotton buds ng doktor upang i-examine. At pagkatapos ay si Mrs. Vilda naman ang sumunod na nagpa-examine at nasa labas naman ng silid sina Mr. Vilda at ang anak nilang nag-iisang babae nakaupo sa may three- seater waiting area visitor reception chair.Hindi ko na hinintay si Mrs. Vilda lumabas na ako ng silid upang maupo. At nang makita naman ako ni Mr. Vilda ay ngumiti ito saakin ngunit hindi ko siya sinuklian ng ngiti. Naalala ko parin lahat. Umupo ako at nilagay ko nalang ang earphone ko sa aking tainga at binuksan ang cellphone para magpatugtog.
Pinalakas ko ang volume para kung sakali kapag tinanong nila ako o kinausap nila ay hindi ko sila maririnig o kaya hindi ko sila maintindihan.
Tinapik nung anak nina Mr at Mrs Vilda ang aking balikat dahilan ng pagtingin ko sa kanya."I hope the result will be positive. Masaya ako kapag nangyari iyon dahil may kuya na ako. Puwede ba kitang tawaging kuya?" Kahit galit ako kina Mrs Vilda dahil sa ginawa niya saakin ay napangiti ako sa anak nila at dahan dahan tumango ako.
Inosente siya. At hawig na hawig niya ang nanay niya.
"I'm Sunshine Elisson" nag lahad ito ng kamay saakin at agad ko naman itong tinanggap. We shook our hands for a minute at pagkatapos kumalas rin ang mga kamay namin.
Sunshine. Sunshine Elisson. Ang ganda ng pangalan parang anghel na pangalan ang Sunshine. Ang ganda ng ipinangalan ni Mrs. Vilda sa kanyang anak na babae.
"Joseff, if ever na positive ang resulta ng DNA TEST niyo ni Suzita ay magpapa DNA TEST rin tayong dalawa. At kapag positive ang resulta ng dalawang DNA TEST na inexamine ay titira ka na saaming bahay. At since tutal, grade 12 kana at last year mo na sa senior highschool ay papayagan ka namin na tapusin ang grade 12 mo roon at pag graduate ka na ng senior highschool ay magaaral ka sa sikat ng unibersidad sa maynila. Hindi mo na kailangan mag-dorm pa may condo kana. At kung gusto mong umuwi dito ay tawagin mo lang ako at agad akong magpapadala ng driver. Understand?" Bahagyang nakataas ang kanyang kilay at tumango naman ako.
Mabait si Mr. Vilda. At talaga ngang mutimillionaire na siya. Kaya kahit humiga man siya ay may hindi parin siya mauubusan ng pera. Wise man be like.
Agad lumabas na si Mrs. Vilda sa silid. Nakapinta sa kanyang mukha ang ngiti.
Pinasadahan niya ako ng tingin. At matipid naman akong ngumiti rito. Lumipad naman ang tingin niya sa mag-ama niya at yinakap si Mr. Vilda at pati rin yung anak nila na babae.Makakasama ko parin si Lilienne sa natitirang buwan ko sa school. Makakasama ko pa siya. Yes! May pagkakataon pa akong makasama ang kaibigan ko at lalo na si lily.
"What did the doctor said to you honey?" Tanong naman ni Mr. Vilda sa kanyang asawa.
" well, after two weeks raw ay makukuha na nating ang resulta ng DNA TEST" aniya
" So, tara na" yaya ni Mr. Vilda at tumango naman ang kanyang asawa. Tumayo na kami at pinauna ko silang lumakad nasa likuran nila ako. Nilagay ko ulit ang earphone ko sa aking tainga at binuksan ko ang aking cellphone para magpatugtog.
At sumakay kami ng elevator pababa ang elevator papuntang hospital parking. At ng bumukas na ito ay pinauna ko muna sila at sunod ako. At may pinindot si Mr.Vilda sa car remote control key ng kanyang kotse na Mercedes Benz S- Class S350. At tumunog naman ito. Binuksan niya ang pinto sa may passenger seat at pati ang pinto sa may back seat. Umupo nalang ako sa may passenger seat dahil kung sa likod ako umupo ay hindi magkakasiya ang mag-ina sa passenger seat. At umikot naman si Mr. Vilda para pumuntang driver's seat.
Isinarado na ni Mrs. Vilda ang pinto sa may back seat at ganun rin kami ni Mr. Vilda sabay pa naming isinarado ang pinto.
"Joseff, use seatbelt" maawtoridad niyang sinabi at tumango naman ako. At ikinabit ko na ang seatbelt.
Nagsimula na ang engine. Ang ang tayog ng kanilang pader ng kanilang bahay. Nang makita kami ng security guard ay agad niya kaming pinagbuksan ng gate. At binuksan naman ni Mr. Vilda ang bintana sa may driver's seat kumaway siya sa may security guard at ganoon rin ang ginawa ng security guard pagkatapos ay isinarado rin ang bintana.
Nakikita ko sa labas ng bintana ang malaking garden at ang matatayog ng pine trees at ngayon nakita na ng mga mata ko ang malaki nilang mansyon.
Modern style ang kanilang mansyon. Binuksan ni Mr. Vilda ang pintuan ng driver's seat at lumabas ito. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto at agad ko namang kinalas ang seatbelt. Pinagbuksan niya rin ng pinto ang mag-ina niya.
Bumaba na ako ng kotse at ginala ko ang aking tingin sa kanilang mansyon. Nagsilabasan na ang mga katulong na tingin ko ay may kaedaran na. Binuksan ng isang katulong ang dalawang pinto ng bahay.
At inakbayan naman ako ni Mr. Vilda. Napatingin naman ako sa kanya.
"Huwag ka ng mahiya Joseff. You are welcome to my mansion. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin okay lang saakin. Sinisigurado ko sa sarili ko na anak talaga kita. Tignan mo oh hawig na hawig mo ako" i fake a smile.
" pero hindi pa po lumalabas ang resulta ng DNA TEST. Tsaka nakakahiya po sainyo"
"Don't be shy it's okay. At hanga nga ako sayo dahil gusto mo pala maging engineer. Well, kung ano ang gusto mong course sa college ay susundin ko. I want to spoil you"
"Ayaw ko pong iniispoiled ako.."
"Bawi ko nalang ito sa iyo joseff" at nasa harap na namin ang pintuan.
Tumikhim ako.
"Mga manang, this is my son. His name is joseff. I want all of you serve him like a king. At kung anumang iutos niya ay all of you should follow" sabi ni Mr. Vilda sa mga maids.
"Opo, masusunod po" sabay na sabi ng mga maids sa kay Mr. Vilda.
"Tara na" at yinaya ako ni Mr. Vilda na pumasok na sa kanilang mansyon at tumango naman ako ang mag ina naman niya ay kanina pa nakapasok sa mansyon kami lang yung natagalan dahil ipinakilala niya pa ako sa mga katulong niya.
Mabait si Mr. Vilda. Sobra. Hindi na siya magaabala na mag-aksaya ng oras para ipabisita ako sa kanyang manyson kung ayaw niya ako. Sobrang bait niya saakin. At kahit labag man sa kalooban ko ang ginawa saakin ni Mrs. Vilda noong sanggol ako ay ginagalang ko parin siya.
Hindi ko parin makakalimutan ang kumupkop saakin. Si mommy at si daddy.
BINABASA MO ANG
I'M DESTINED TO BE YOURS [COMPLETED]
General FictionSi Lilienne at Joseff Martinus ay magkapatid. Mas matanda si Joseff kay Lilienne ng isang taon. Noong mga bata pa sila lagi silang naglalaro. At bata palang sila napagtanto na ni Joseff sa kanyang sarili na mahal niya si Lilienne hindi bilang kapati...