Lilienne's POV
Pumasok kami sa isang pang mayaman na subdivision. At nandito na kami sa site. Kitang-kita ng dalawa kong mata ang bahay na under - construction.
"We're here" sabi niya atsaka ay bumuntong hininga bago ako nilingon.
Ang ganda talaga ng perfect jaw line niya hindi nakakasawang titigan.Tatanggalin ko na sana ang seatbelt ng makisali siya sa pag tatanggal ko ng seatbelt sa aking sarili.
Naririnig ko ang hininga niya. At ang bango ng kanyang perfume. Tumingala siya at nagkasalubong ang aming mga mata.
I was the first one who look away. At nahuli niya ang aking pisngi. Napatingin naman ako sa ginawa niya.
"Shall we get out now in this car?" Tumango naman ako at matipid na ngumiti. Dinampian naman niya ng halik ang aking noo.
Ramdam na ramdam ko ang pag tibok ng puso ko na sobrang bilis na akala mo ay hinahabol ng kung sino. At pakiramdam ko ay kinukuryente ang aking mga ugat. Feeling ko ay namamanhid ang tuhod ko sa ginawa niya. Nanghihina ako.
"Don't worry..tinted 'tong salamin ng kotse ko kaya wala kung sinumang trabahador ko na makita tayong naghahalikan o kung anuman ang gawin natin dito sa loob ng kotse ko" ang tono ng pananalita niya ay may pagkamahinahon.
"Baliw ka talaga! Oh sige na nga bumaba na tayo!"
"Okay..sabi mo eh so, susundin ko" Kumindak pa siya at naiirita ako sa pilyo niyang pag-ngisi. Taas-baba ang kanyang kilay habang nakangisi.
Tinarayan ko ito atsaka ay binuksan ko na ang pintuan ng front seat ng kanyang kotse. May pinuputak pa siya ngunit hindi ko na ito marinig at padabog kong sinarado yung pinto.
Iginala ko ang paningin ko sa mga matatayog at pangmayaman na disenyo ng mga bahay dito sa subdivision na ito. Feeling ko ay mayayaman ang nakatira rito.
Siguro ay new project niya ito?. Ang lawak rito at unti pa lamang ang nagpapatayo ng mga bahay. Mayroon naman ilan pero unti parin.
Ang ibang mga lote ay puro damo at may mga puno.
Natigilan lang ako ng tumunog ang aking cellphone sa loob ng black purse ko.
Binuksan ko ang aking purse at in-unzipper ko ang purse ko para makuha ko ang aking cellphone na patuloy na nagriring. Hindi ako nag-atubiling kinun ito at pagkatapos kong kunin ang cellphone ko ay zinipper ko na ulit ang aking purse tsaka ay sinarado.
Binuksan ko ang aking cellphone atsaka nag enter ako ng passcode para mabuksan ito. Tumigil na ang tumatawag saakin.
Agad agad na nag pop up ang mga sandamakmak na notifications nagmula sa aking gmail at sa aking messenger pati narin sa aking viber.
Tinignan ko muna yung sa gmail. At nagulantang ako sa mga text na nagmula doon isa-isa kong pinindot ang mga text.
'Hi goodmorning Ma'am Zapata, i just want to inform you that Mr. Aliverez decline his offer to your company due to they have find another company. Mr. Aliverez's secretary come over to your office yesterday to inform you this Ma'am'
-your secretary.
'Anak? What the fucking hell? Bakit hinayaan mong bawiin yung offer sayo ng mga Aliverez?. Alam mo bang malaking kawalan sila sa ating kumpanya?. Are you out of your mind?'
ani Dad nang napadaan ako sa aking messenger.
Chineck ko yung facebook ko kung may notifs rin ba roon?. Hindi ako makapaniwala na isang daan taong nag friend request saakin at sa ganoon rin sa notification ko. Sabog na sabog ang aking account.
![](https://img.wattpad.com/cover/135865816-288-k496491.jpg)
BINABASA MO ANG
I'M DESTINED TO BE YOURS [COMPLETED]
Ficción GeneralSi Lilienne at Joseff Martinus ay magkapatid. Mas matanda si Joseff kay Lilienne ng isang taon. Noong mga bata pa sila lagi silang naglalaro. At bata palang sila napagtanto na ni Joseff sa kanyang sarili na mahal niya si Lilienne hindi bilang kapati...