Lilienne's POV
Nagbihis ako ng croptop na kulay pale pink na may ribbon atsaka nakasuot ako ng high-waist faded jeans. Pinusod ko rin ang aking buhok dahil naiirita ako sa buhok kong kay haba-haba plano ko nga sana ay paiksian ko ito.Meanwhile, nakaupo ako sa couch ng living ng kanyang condo. Akala ko nga ay nasa penthouse ako. Sobrang lawak ng kanyang condo unit.
Nagscro-scroll down ako sa facebook habang naka-de-kuwatro naman ang upo ko. Natigilan lang ako ng tabihan niya ako. Lumingon naman ako sa kanya.
Naglalaro ang kapilyuhan sa kanyang mata. Ang ngiti niyang nakaka-asar. Umirap nalang ako atsaka ay pinower-off ko na yung aking cellphone saka nilagay sa aking black purse na may disenyo na rosas.
"Ano tara na?" Nakataas ang isa kong kilay. God damn this man!. Tumango ito atsaka ay dumikit pa ng husto saakin hanggang sa wala ng pagitan saamin.
Ang dugo na dumadaloy sa mga parte ng aking katawan ay pansamantalang umakyat sa aking malulusog na pisngi.
"Ano ba? Aalis na ba tayo o maglalandian lang tayong dalawa?" Pinipigilan kong ngumiti at ang nakaguhit sa aking mukha ay bakas ng pagsimangot.
Tumayo na ako nang mahuli niya ang kanan kong palapulsuhan. Mariin ang paghawak niya rito. At pakiramdam ko ay namanhid ang aking katawan. Ramdam na ramdam ko ang init at pinaghalong pawis ng kanyang palad.
Pumiglas ako at hindi naman siya nagmatigas. Nakangising-aso parin ito habang ako ay mukhang haggard na haggard ang itsura ng aking mukha.
"Ang sungit mo talaga" Nagpout pa ang mokong at nagpabebe pa ito saakin.
"Hindi ako masungit...wala lang talaga ako sa mood makipagusap sayo. Uhh...engage na pala yung si Jehoven sabi ni Kaitlin..."
"Yup" tipid nitong sagot sa aking. Malagkit ang titig nito saakin at ramdam na ramdam ko ang paninitig niya sa aking damit.
"Mabuti kung ganoon ay naituwid na pala ang baluktot na pag-uugali ng malibog mong kaibigan..Good for him.."
"Yeah...engage na sila...ikaw? Tayo? Kailan tayo magbabalak magpakasal? Hmm?" Nakahalumbaba ito at nakatukod ang kanan niyang siko sa kanyang kanang hita with matching ngusong labi.
"Ewan..Universe at si God lang ang makakapagsabi kung kailan tayo magpapakasal. Tsaka, wala pa iyon sa plano ko ngayong taon..Ang nakalista lang sa planner ko ngayong taon ay...Magsaya, Magpaka-busy sa work at ayun lang..."
Kinuha ko sa aking black purse ang aking silver-backed brush atsaka ay sinuklay ang aking buhok. At pagkatapos ay ipinasok ko na iyon sa aking black purse. Nabalot ng katahimikan ang buong unit niya.
I was the once who break the silence.
Tumikhim ako."Tara na..." pagyayaya nito atsaka ay tumayo na. Hindi ko na siya hinintay naglakad na ako patungo sa pintuan ng kanyang unit.
Natigilan lang ako nang nasa harap ko na yung likod ng pinto. Mag-e-enter pa siya ng passcode bago kami makalabas.
Nilingon ko ito at sandaling umihip ng malakas na hangin sa kanya. Nagsiliparan ang buhok niya na parang gustong lumipad.
Pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok na classic messy long hair with thick beard. He looks really mature.
Hindi ko alam na kahit ay nagkabalbas na ito ay mas lalong gumwapo pa ito. For sure the girls were chasing after him. Hindi malabong mangyari iyon.
Pinadaan ko muna siya upang mag enter ng passcode sa astig niyang pintuan. At pagkatapos niyang maglagay ng passcode ay awtomatikong biglang bumukas ang pinto.
BINABASA MO ANG
I'M DESTINED TO BE YOURS [COMPLETED]
General FictionSi Lilienne at Joseff Martinus ay magkapatid. Mas matanda si Joseff kay Lilienne ng isang taon. Noong mga bata pa sila lagi silang naglalaro. At bata palang sila napagtanto na ni Joseff sa kanyang sarili na mahal niya si Lilienne hindi bilang kapati...