Chapter Thirty- Four

837 18 0
                                    

Lilienne's POV
Napatalon ako dahil sa alarm kong napakaingay na parang babasagin ang eardrums ko. Napatingin ako sa alarm clock ko. Putangina! 9'o clock na pala ng umaga!. Lintek na iyan natanghalian ako ng gising.

No! No! No! Hindi puwede kasi may reporting kami ngayon sa isang subject namin! At ako pa naman ang mag eexplain ng irereport namin ng kagrupo ko! No! Way!. Sayang kung miyembro lang ng grupo ko si Kaitlin ay puwede ko sa kanya ipasa ang gagawin ko.

Lintek!. Hindi puwede! Kaso hindi na nagpapapasok yung guard kapag ganito na ang oras!. Niligpit ko muna ang hinigaan ko at pagkatapos dumiretso ako sa restroom ng aking kuwarto upang mag sepilyo, maghilamos.

Pagkatapos lumabas narin ako para maglinis. Maglilinis nalang ako tutal hindi naman ako nakapasok eh para naman may magawa ako nakakabagot kasing walang ginagawa. So, mabuti nalang talaga hindi ko na kailangan bumaba at kumuha ng walis at dustpan mabuti nalang mayroon ako sa aking kuwarto.

Agad kong dinampot ang walis at heto ako ngayon nagwawalis ng sahig. Natigilan lang ako ng may puting sobre akong nakita ang buong atensyon ko ay nakuha ng isang puting sobre na nakahandusay sa sahig. Binitawan ko ang walis at nag- squat ako para damputin iyon.

Bago ko ito buksan ay tiningnan ko muna ang likod ng sobre. 'To: Lily' nagkunot noo ako. Binuksan ko ang sobre at pagkatapos kong makuha ang bondpaper ay ibinagsak ko na yung sobre. Nakatupi ang bondpaper at binuksan ko naman ito.

At ibinasa ko iyong nakasulat.

Mahal kong Lilienne,
Unang-una magandang umaga sa iyo mahal ko. Lily, patawad dahil hindi ko na matutupad yung pangako ko sa iyo. Magpapa-DNA TEST ako kina Mrs. Vilda at Mr. Vilda kung totoo ko ba silang mga magulang. At may kasunduan kami kung positibo raw ang DNA TEST ay baka kunin na nila ako at kapag naman naging negatibo ang resulta dito parin ako mananatili. Sinasabi ko ito sa iyo para malaman mo. Pasensya na lily. Pag pasensyahan mo na ako. Basta lagi mong tatandaan mahal kita ikaw lang. Sa iyo lang umiikot ang mundo ko. Para kang araw saiyo umiikot ang mga planeta. Ikaw ang mundo ko lily at kapag wala ka natitiyak akong wala na akong silbi sa buhay ko. Kung maging positibo man ang resulta ng DNA TEST pangako ko sayo lagi lagi akong susulat para sa iyo.
Hindi ako magsasawa na mahalin ka. Pangako hinding-hindi ako magsasawa. Kaya lily pansinin mo na ako oh.
Nagmamahal,
JOSEFF

At pagkatapos kong basahin ang bondpaper. Inilukot ko ito at ibinagsak sa sahig. Umuusok ang ilong ko. At nagsisimula ng manginig ang balikat ko. Hayop siya! Pagkatapos ng ginawa siya saakin iiwanan nalang niya ako sa ere! Ano akala niya saakin laruan na kapag sawa na bigla nalang iiwan at magpapalit ng iba!. Gago siya!. At ang gaga ko!. Ang gaga ko!.

Ang tanga tanga ko!. Eto na yung ayaw kong mangyari eh!. Nangyayari na!. Walang hiya siya!. Putang ina niya!. Pagbabayarin niya ang ginawa niya saakin!. Sinira niya ako! Winasak niya ang pagkababae ko!. Tangina niya! Dapat pala pinigilan ko nalang ang sarili ko na mahulog sa kanya. Kaso nangyari na!.

At sakit sakit!. Tagos sa puso ang sakit!. May gana pa siyang magsulat?. Saan niya nakukuha ang lakas ng loob niya?. Ang hilig hilig niya pa magsabi ng pangako sa bawat sasabihin niya tapos babawiin lang din niya!. Ayoko na! Sawa na ako sa puro pangako niya!.

Lahat ng pangako niya ay napapako!. Lahat ng mga sinasabi niya saakin maglalaho lang na parang bula. Pero ang pagkababae ko? Hinding hindi na babalik sa dati! Hinding hindi na ibabalik ang pagkababae ko dahil wasak na!. Lalo na ang aking puso na winasak niya ng husto. Hindi niya na maibubuo ang puso kong pira-piraso nalang.

Umagos na ang luha ko. At napaupo ako sa sahig. Ang lakas ng hikbi ko. Punyeta! Ayoko nang umiyak pero putangina! hindi ko magawa. I would but i couldn't!. Sa susunod na pagkakataon hindi na ako magtitiwala ng basta-basta lang. Hindi na ako magpapa- easy to get. At balang ataw magiging masaya ulit ako.

Iniyakap ko ang binti ko. Walang tigil ang pag agos ng mga luha ko na parang ilog. Ang hapdi hapdi na ng mata ko dahil sa kaiiyak.

Pagkatapos ng dalawang oras kong kaiiyak ay napagpasiyahan ko nang maligo.

Kahit ipikit ko ang aking mata habang naliligo ay naaalala ko lang ang gagong sumira saaking pagkababae hindi lang ang aking pagkababae ang sinira niya kundi ang aking puso.

Kahit damhin ko ang tubig na umaagos sa aking katawan ay siya parin ang naiisip ko. Kahit anong galaw ang gawin ko parati siyang nakatatak sa isip ko. Kahit anong pilit kong tumawa ay nagmumukha lang akong buang.

Ganito naba ang epekto saakin nang walang hiyang joseff na iyan?. Kahit hindi niya ako sinasaktan physically tinotorture niya naman ang utak, isip at ang aking puso. Naging miserable ang buhay ko magmula nung maging mag close kami sa isa't isa.

Sa kanya ko isisisi lahat dahil siya ang may pakana kung bakit nawarak ang pagkababae ko.

Joseff's POV
Nasa may bench kami nila Zeus at si Jehoven. Doon namin napagisipan na mag recess. Nauna na akong umalis kaganinang umaga papunta dito sa school dahil may irereport kami ng kagrupo ko at ipapasa ko kasi yung project ko sa first sub teacher namin.

Tulala parin ako habang isinusubo sa bunganga ko ang rebisco crackers.

"Dude...Sabi saakin ni Kaitlin hindi raw pumasok si lily. Atsaka nakaligtaan ng kapatid mo na may reporting sila ngayong araw na ito. Naguusap parin ba kayo ni lily or still walang kibuan" wika ni Jehoven.

Siguradong natanghalian ng gising si lily. Nabasa niya kaya yung sulat ko?. Sana naman mabasa niya. Dapat bukas ang schedule ng DNA TEST namin ni Mrs. Vilda ngunit hindi natuloy dahil may appointment ito sa kliyente niya. Kaya inireschedule ang date ng DNA TEST sa biyernes. Kailangang mabasa ni lily ang sulat ko.

" She's still snobbing me. Kahit na anong gawin ko ganoon parin. I love her so much. At hindi ko kayang magmahal ng ibang babae dahil siya lang... Siya lang yung iniibig ko. Bata pa lang ako alam ko na..Alam ko na sa sarili ko na siya lang at wala ng iba. At marami akong kasalanan sa kanya..marami...Hindi ko alam kung matutupad ko ba sa kanya ang mga ipinangako ko. I really love her so much..so bad...at kapag naging positibo ang resulta ng DNA TEST ay kukunin na ako ng mga Vilda at dadalhin sa mansyon. Pero alam kong masasaktan ko si lily dahil nangako ako sa kanya kahit maging positibo man ang resulta ay mananatili parin ako sa tabi niya..Mahal ko siya pero sinasaktan ko siya. Mahal ko siya pero pinapaasa ko siya. Mahal ko siya pero winawasak ko ang puso niya. At alam ko hinding hindi na ako pagkakatiwalaan ni Lily dahil marami akong naidulot na sakit sa kanya.." Emosyonal na sabi ko iyon sa dalawa kong kaibigan.

" Akala ko manhid ka dude. Pero i was wrong.. marunong ka palang magmahal. May damdamin ka pala. Hindi kasi halata bro. Ganyan talaga kapag nagmamahal lahat naman tayo dumadaan sa ganyang proseso. Ang mali naman kasi sayo eh! Ang hilig hilig mong mangako! Pwede ba! Tigilan mo na ang kakapangako mo! Naiirita na ako! Hoy ikaw joseff! Hindi mo ba alam na 'promises are meant to be broken'? Hindi lang puso ang nababasag kundi pangako at tiwala rin!. Kumilos kana Joseff! At tigilan mo na ang pagiging gago mo!. Magpakatino ka nga!" ani Jehoven.

Pero kahit ganyan siya ay may pake siya saakin.

" dude baka kapag pinalitan na yang apelyido mo ay hindi mo na kami kilala?" singit ni Zeus sa usapan.

Inakbayan naman ako ni Jehoven.

"Hindi ako ganun noh.. i still remember you. At hindi ko kaya makakalimutan"

"Sana nga hindi kayo magkadugo ni lily para maging asawa mo siya" wika ni Jehoven at natawa naman ako.

"Oo nga..sana talaga para alam mo yun walang anumang diperensiya ang inyong magiging baby balang araw" wika ni Zeus at natawa kaming tatlo.

"Mamimiss kita dude" sabi ni Zeus.

"Grabe ka Zeus para namang mamatay na itong si Joseff?. Hahaha well anyways, goodluck bro sa DNA TEST mo" sabi ni Jehoven.

At kung maging positibo man ang DNA TEST namin ni Mrs Vilda ay magpapa DNA TEST uli ako sa kay Mr Vilda para maniguradong kadugo ko ba si Mr Vilda.

At isinabi pala ni Jehoven kay Eliana ang nangyayari sa buhay ko lahat lahat isinabi niya sa kay Eliana. At binigyan naman ako ng advice ni Eliana.

Blessed ako dahil kahit naghiwalay kami ay lagi parin kaming naguusap bilang magkaibigan. At kahit mga gago ang mga kaibigan ko ay nakatulong naman sila upang palakasin ang loob ko.

I'M DESTINED TO BE YOURS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon