Chapter Fourty- Two

981 19 0
                                    

Lilienne's POV
Dahan dahan kong minulat ang aking mata. At pagkatapos ay umupo ako sa kama at isinandal ang likod ko sa headboard ng kama. Pagkatapos ay inunat ko ang aking braso.

"Hey! Goodmorning! Gising kana pala?. Breakfast in bed?" Ang dalawang kamay niya ay may hawak na isang tray at ang laman nung dala-dala niya ay paniguradong pang almusal.

Nakaguhit sa kanyang mukha ang ngiti na hindi mapawi-pawi. Napangiti rin ako. Pakiramdam ko ay sa sobrang kakisigan ng kanyang katawan ay mapupunit na ang kanyang gray v-neck t-shirt.

Nakapantalon ito at inilagay niya ang tray sa ibabaw ng sidetable ng kama. Inilagay niya ang bed food table sa ibabaw ng kama. Atsaka ay dahan dahan nilagay ang tray sa may bed food table.

Nagpakawala ako ng ngisi na abot-tainga. Hindi mapigilan ng puso ko ang pagtibok ng mabilis. Kasing bilis ng kotse na humaharurot sa daan o sa kalsada. Nahuhuremantado ang aking puso.

Bumaba ang tingin ko sa katawan. Wala pala akong suot na damit kundi ay nakabalot lang saakin ang isang puting mahabang manipis na kumot.

Tinakpan ko ang aking dibdib atsaka nagangat ng tingin. Nagsalubong ang aming mata. Naglalaro ang kapilyuhan sa kanyang dalawang mata na animo'y karagatan na kulay asul ang kulay.

He let out a chuckle. The way his smiles widen so bright as the star his dimple on his left cheek have been appeared.
My hands shaking so bad and my heart racing.

"G-good morning" Nautal kong sabi at nagiwas ng tingin ako sa kanya.

"Kumain kana..okay. May pupuntahan pa tayo" sabi nito at umupo siya sa paahan ng kanyang kama. Hindi niya inaalis ang tingin saakin.

Umayos ako ng upo para makakain ako ng maayos. Kinuha ko na ang spoon at fork sa tray na nakabalot pa ng tissue. Tinanggal ko ang tissue na nakabalot sa kutsara at tinidor at pagkatapos ay nilagay ito sa may tray.

Ang bango ng pagkain na inihanda niya saakin. Sa amoy palang ng pagkain ay nakakatakam na at lalong masarap ito kapag nilantakan ko na.

Nagangat ako ng tingin at nagkatitigan kami. Ang gilid ng kanyang labi ay umangat. Ngumiti rin ako ng pabalik. At agad ko ring binalingan ng tingin ang pagkain.

Nilagyan ko ng kanin ang aking kutsara atsaka isinubo sa aking bibig at tinusok ko naman ang hotdog sa aking tinidor.

"Ang ganda mo talaga,baby. Mamaya pagkatapos mong magbihis at pagkatapos mong mag-ayos sa iyong sarili ay pupunta tayo sa site siguro saglitaan lang. But it depends at pagkatapos ay pupunta tayo sa amin. Gusto kang makita ng magulang ko at lalo na yung kapatid ko"

"K-kilala ako ng pamilya m-mo?" Tumango naman siya na may kasamang matipid na ngiti.

"Lalo na yung kapatid ko. Lagi kasi kitang kinukuwento sa kanya at lalo na kay Mom and Dad. Botong-boto sila sayo. Mabuti nga ay hindi ako kailanman nirecomenda ni Dad sa mga Business Partners and Friends niya na may mga anak na walang boyfriend"

"So kinuwento mo rin y-yung nangyari saatin?" Nakakahiya kung pati iyong bagay na iyon ay isinabi niya rin sa Mommy at Daddy niya at sa kanyang nakakabatang kapatid. Sana hindi niya sinabi.

Inhale....

Exhale....

Hingang malalim. Diyos ko, panginoon. Sana ay hindi niya isinabi iyon dahil nakakahiya po iyon. Gosh!.

"No, I didnt tell them I swear. Pero nakalimutan ko na. Maybe...sana hindi..pero ewan ko. I don't know..." At igting ang panga ko at at kumuha ako ng malambot na unan sa aking likod at binato sa kanya.

"Bwiset ka! Ano hindi ka sigurado kung sinabi mo o hindi?. O baka hindi mo sinabi sa iyong Mommy at Daddy at sa nakakabata mong kapatid iyon isinabi?" Tumama ang unan sa kanyang katawan ngunit nakangising-aso parin ito.

I'M DESTINED TO BE YOURS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon