Chapter Thirty- Six

861 20 0
                                    

Lilienne's POV
Hinaharangan ni Kaitlin ang paningin ko gamit ang isa niyang kamay na umaalog. Ibinaba ko naman ang kamay niya. Panira. Tss...

"Hoy! Inday! Tapos na ang halloween ganyan parin ang peslak mo! Inday! Huy! Tulala ka nanaman! Alam mo kapag ipinagpatuloy mo pa ang pagiging ganyan mo naku! Panigurado yung grades mo na kataas-taas ay bigla nalang babagsak ng mabilis! Umayos ka nga!" Inirapan niya ako at umupo sa tabi ko.

"Bes, mag move on ka na nga! Alam mo ganyan talaga yung mga lalaki! Tsaka! Wag ka namang sellfish! Duh! Hindi lang ikaw yung nasaktan noh! Ako rin kaya! Sinaktan ako ni Dandreb!. Pero kahit ganoon ay mahal na mahal ko parin yung sarili ko! Kaya ikaw! Lily ano ba! Bakit hindi ka nalang maghanap ng iba! Or ibang mapagdidiskitahan. Aha! Eto nalang! Para gumaan yung loob mo sa Friday sumama ka saamin nila Quera!. At alam mo ba yung thing dati between your baby loves and the alcoholic na si Quera?. Naging sila kaya for almost two weeks then boom nag-break din sila. Hindi mo ba alam na first boyfriend ni Quera ang baby loves mo? Or shall i say first love niya. Broken hearted uli si Quera sa second boyfriend niya. Tapos si Liza! Oh my god! Hindi parin talaga siya natatauhan sa boyfriend niya na si Froger!. Gosh! huy! Pst! Hello may kausap ba ako?" Bahala ka jan hindi kita kakausapin. Napakadaldal talaga nitong lukaret nakakainis. Imbis na makakapagrelax ako ginugulo ako.

Sinisiko siko niya ang braso ko. Nakakairita. Well, wala naman akong mahanap na lugar na puwedeng mag-relax dito lang. Maganda kasi rito kasi fresh tapos mahangin pa sa soccerfield naman atsaka sa gymnasium parating may mga tao.

Eto na nga lang yung pinaka-tahimik na lugar sa aming paaralan ipagkakait pa sa akin ng walang hiya kong lukaret na kaibigan na hindi matikom tikom ang bibig kahit sandali.

"Look who's here" tumingala ako at tiningnan ko kung sino ang paparating. Sina Zeus at Jehoven at yung isang gago. Anong ginagawa nila rito?. I just look away.

Nakakainis sila pang gulo sila. Ang ingay ng halakhak ni Jehoven habang hinohokage itong lukaret kong kaibigan kasabay pa nito ang pang strum ni Zeus sa kanyang gitara habang itong mokong gago naman ito kinakantahan ako.

"Puwede ba! Umalis na nga kayo! Pang gulo kayo! Tsaka ikaw! Puwede bang tumigil ka na sa pagkakanta hindi maganda boses mo! Tsaka sayang lang yung effort mo! Gago ka! Tsaka para saan yung pagsulat mo? Ha? Nagsayang kalang ng pera pambili ng sobre at bondpaper! Ayoko sayo! Pinandidirian kita! Gusto mo bang sabihin ko sa mga kaibigan mo ang tinatago mong baho sa makati mong katawan? Ha!" hinilot ko ang aking sentido at pinagkrus ko ang aking braso samantala naka de-kuwatro naman ang aking upo.

"Lily...baka eto na yung huli nating pagsasama. Lumabas na kasi ang resulta ng DNA TEST. Hindi paba nasabi sa iyo ni Mommy?" mababa at mahinahon ang tono ng kanyang pananalita.

"So? Ang kapal mong tawaging Mommy ang mommy ko? Alam ko huli ka na sa balita! Nakita ko na! Ipinakita saakin ni mommy!. Diba lumabas na ang resulta ng DNA TEST oh bakit hindi kapa lumalayas sa bahay namin? Hindi ka naman namin kadugo kaya umalis kana! Bumalik kana sa totoo mong mga magulang! Huwag mo nang patagalin ang paglalayas mo!" Sumikip ang dibdib ko habang nakatingin ng diretso sa mata niya. Nangingilid ang luha ko at nagbabandang tumulo.

Pero kailangan kong pigilan ang kakaiyak ko. Kailangan kong maging matapang. Kailangang ipakita ko sa kanya na kahit mawala man siya sa puder namin ay may determinasyon parin akong lumaban. Ililibing ko na ang mga paru-paro sa labas ng aking katawan kung saan sa lupa. Tutal, pansamantala lang naman ang ipinakita niya saakin na pagmamahal.

"Why are you so mad at me? Why are you so damn mad at me baby? Can you please just fucking tell me. I will fix it baby. Please tell me..don't hide it to me." Tinarayan ko lang ito. Kami nalang yung nagpuputakan ang tatlo ay nakatikom na ang bibig.

I'M DESTINED TO BE YOURS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon