Lilienne's POV
Bumili ako nang Pregnancy Test upang malaman kung buntis nga ba talaga ako o hindi?. Sinubukan ko ito sa washroom sa may first floor ng aming kompanya. At pagkatapos ay nawindang ako at hindi ako makapaniwala na dalawang line iyon!. Kaya pala!. Teka?. Darating mamaya sina Kaitlin at si Liza at pati si Quera mamaya sa may office ko.Well, successfull naman ang presentation ko sa aking client na-aprubahan niya na tsaka ay may kontrata kami na mahigit dalawang taon. At biro pa nga nitong client ko n nakapag-natapos na raw ang mahigit two-years na contract ay mag-re-re-new pa siya sa aming kompanya.
Medyo matagal tagal pa naman. Hopefully i'm looking forward. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kaliwa kong kamay at gulat na gulat ako sa pangyayari. Namimilog ang aking mata. Nag-ha-hallucinate lang ba ako?. Totoo ba?. Or baka mas lalong tumaas ang grado ng aking mata kaya napagkamalan ko na dalawang linya iyon ngunit isang linya lang?. Itinago ko ang Pregnancy Test sa loob ng aking palad sa may kanang kamay at lakas loob na lumabas sa may cubicle.
Saglit na tumingin muna ako sa wall mirror upang tingnan ang aking sarili na gulat na gulat sa pangyayari. Bago muna ako pumanhik patungo sa taas kung saan sa may third floor ay sinilip ko muna ang wall clock sa may dingding. Quarter to twelve na. Shit!.
Kumaripas ako ng takbo habang mahigpit ang hawak ko sa Pregnancy Test sa aking kanang kamay. At mabilis akong umakyat. Halos hingal ba hingal ako at pakiramdam ko ay nagbuhis-buhay ako. Ang pawis ko ay kung saan-saan tumatagaktak sa aking parte ng katawan. At pinihit ko na yung door-knob ng pintuan ng aking office. At halos nerbyosohin ako dahil nandodoon na pala ang kaibigan kong sina Liza at Kaitlin. At feel at home lang silang dalawa ah?. Feeling welcome na welcome sila kay Mayor?.
Si Kaitlin naman ay nasa kaliwang bandang bahagi na nakaupo at si Liza naman nakaupo sa kanang bahagi kung saan ay ang pagitan nila ang table ko at magkaharap silang nag-chi-chikahan. At saglit silang natigil dahil nakita nila ako sa may pintuan. Agad silang tumayo at sinalubong ako gamuntik ko na ngang mahulog ang Pregnancy Test. Dahil hinahanawakan nila yung palapulsuhan ko. Si Liza naman ay nakahawak sa kanang palapulsuhan ko samantala, si Kaitlin nakahawak sa aking kaliwang palapulsuhan. At nagpapabebe pa sila saakin. Ni-lay down panila yung ulo nila sa aking balikat. At kung ano-anong pinagpuputak ng buchi nila.
"Uy! I miss you! Beshie! Alam mo bang miss na miss na miss na kita!. Grabe! Ang laki ng pinagbago mo!. Miss na kita!. Mabuti nalang in-invite mo kami rito!. Ang laki pala ng building niyo at ang taas pa!. My gowd!!! Parang gusto ko nang mag-apply rito! Jusko! Sana malaki ang sahod ko rito" Hirit ni Kaitlin saakin at tinampal-tampal niya yung braso dahil sa sobrang saya. At tumalon-talon pa ito na parang isang batang paslit na parang nakawala sa hawla. Imbes na kumurba ang labi ko dahil nandito sila ay hindi nangyari dahil sobrang OA nilang dalawa.
At natigilan nalang silang dalawa nang may bumagsak sa floor. At pumukaw ang atensyon nila sa anumang bagay ang nahulog sa floor. At mabuti nalang dahil kumalas na sila sa paghahawak sa aking palapulsuhan. At ngayon ko lang na-realise na nahulog ko pala yung Pregnancy Test dahil dumulas ito sa aking kamay. Dinampot naman iyon ni Liza. At namilog ang mga mata at napakunot noo siya. At mabilis naman hinablot ni Kaitlin yun. At pati siya napakunot-noo.
Napatingin sila saakin na nakataas ang dalawa nilang kilay. At pinagkrus ang kanilang mga braso. "Holy shit! B-buntis k-ka?. Sino?. Sino yung father?. Kailan pa?" Tanong saakin ni Kaitlin na may kuryoso ang tono ng kanyang pananalita mabuti nalang ay mahinahon ang kanyang pananalita.
"B-buntis ka Lilienne? Paano?. Sino ang ama ng anak mo?" Tanong rin ni Liza saakin. At bumuntong hininga muna bago ako nagsalita."Kay Joseff, Sinubukan ko na mag-test kasi dalawa ay mali tatlong linggo na kasi ako hindi dinadatnan. So, pumasok sa isip ko na bumili ng Pregnancy Test. Nanigurado ako. Kasi before, Hindi naman irregular pag ako ay dinadatnan. As in never, pa akong hindi dinadatnan. Sa kasawiang palad, akala ko ay normal lang yun pero buntis nga talaga ako" Diniinan ko ang tawag ko sa "BUNTIS" matapang ko silang tinitigan. Tinakpan nila ang kanilang bibig gamit ang kanilang kamay. At gulat na gulat sa ipinagtapat ko. Ilang segundo silang ganuon at pagkatapos ay tumalon nalang na tawa ng tawa na aakalain mong mga baliw. Napatawa nalang ako at nag-apir apir pa silang dalawa.
BINABASA MO ANG
I'M DESTINED TO BE YOURS [COMPLETED]
General FictionSi Lilienne at Joseff Martinus ay magkapatid. Mas matanda si Joseff kay Lilienne ng isang taon. Noong mga bata pa sila lagi silang naglalaro. At bata palang sila napagtanto na ni Joseff sa kanyang sarili na mahal niya si Lilienne hindi bilang kapati...