Joseff's POV
Nakakainis si lily. Naiinis ako kasi tinakasan niya ako. Nakakainis siya naiirita ako sa kanya.Bahala siya hindi ko siya papansinin magdamag. Nasa classroom na ako nakaupo na ako sa upuan ko at patagong nag cecellphone.
Nagulat ako ng tawagin ako ni Jehoven sa may pintuan ng aming silid. Muntik ko na tuloy mahulog yung cellphone ko. Nilapitan ko ito.
Kasama niya si Zeus. Tiningnan ko si Jehoven na parang nay gusto sabihin saakin. At si Zeus naman nakasandal sa dingding habang nakahalukipkip.
"May kailangan kang makita sa soccerfield" sabi ni Jehoven at tumango naman ako at nagsimula na kaming magmartsa patungo sa may soccerfield.
"Dude...ayon si troy atsaka kanina pagkakita namin ni Zeus naghahalikan pa sila nung babae ngayon nagkuwekuwentuhan nalang" pag report saakin ni Jehoven at sabay turo sa bleacher ng soccerfield.
Gusto ko ng pumunta doon at paulanan ng suntukin si troy kaso pinipigilan ako ni Zeus at ni Jehoven.
"Dude..huwag ka munang magpadalos dalos mahirap na..." wika ni Zeus. tumango parin ako kahit ang mata ko ay nakatingin kina troy atsaka yung kasama niyang babae.
" i wanna punch his face. I wanna break his face!" sabi ko sa mga kaibigan ko.
" At balita ko gumagamit raw si troy ng shabu i dont know kung totoo or it was just a fake news..." wika ni Jehoven saakin.
"Kung may ebidensiya lang tayo pwede na natin iyan ipakulong!. Ipatokhang natin yang gagong yan!...sana talaga may ebidensiya tayo.." ani Zeus.
Hayop talagang troy ito!. Siya yung pinaka makating lalaki sa campus na nakilala ko!.
"W-w-wait palabas na sila ng soccerfield" sinundan ko nang tingin ang pagalis nila sa loob ng soccerfield. Nakapulupot ang braso ni Troy sa baywang nong babae!.
I swear he'll go to hell!. Napakababaero!.
Lilienne's POV
Nagsimula na ang discussion ng aming teacher. Habang patago kaming naguusap ni Kaitlin. nagpalit sila ng puwesto ni Cleven na katabi ko. Umupo si Cleven sa aking likuran kung saan doon talaga nakaupo si Kaitlin at si Kaitlin naman nakaupo sa upuan ni Cleven."Friend is it true na may bago nanaman yung ex mong manloloko?" pabulong niya isinabi.
"I dont know..it doesnt matter to me anyway kung mayroon na siyang iba or yung pampalit saakin. hindi ko na siya mahal.. tsaka lately i have found out na infatuation lang talaga yung nararamdaman ko sa kanya. gusto ko lang siya kasi hinahangaan ko siya hindi sa paraan may nararamdaman ako sa kanya..tsaka wala rin akong pake kung maganda man o panget yung ipalit niya saakin... and may bago na akong mahal yung mahal na mahal talaga..pero hindi ko sasabihin sayo" pangaasar na tono ng boses ko. Tiningnan ko siya nagsasalubong ang kanyang kilay.
"Alam mo bang nakakainis ka! Agad agad? Hooh-WOW! kung ganoon ang bilis mo naman makakuha?. Eh ang tanong kung mahal mo nga yung tao mahal ka ba rin niya?." Para akong natamaan sa sinabi niya nung huli.
Parang tinutusok ng karayom ang aking puso. Nanahimik ako ng ilang segundo at humarap nalang ako sa pisara.
Nagulantang ako nang tapakan niya yung kaliwa kong paa.
"Aray! Kaitlin ano ba" pabulong kong sinabi.
"Pag hindi mo sinabi saakin lagot ka saakin" pagbabanta nito saakin.
BINABASA MO ANG
I'M DESTINED TO BE YOURS [COMPLETED]
Ficción GeneralSi Lilienne at Joseff Martinus ay magkapatid. Mas matanda si Joseff kay Lilienne ng isang taon. Noong mga bata pa sila lagi silang naglalaro. At bata palang sila napagtanto na ni Joseff sa kanyang sarili na mahal niya si Lilienne hindi bilang kapati...