Chapter Fourty- Five

885 23 2
                                    

Lilienne's POV
Dumaan kami sa Drive Thru ngayon para bumili nang makakain naming dalawa. Well, tapos na akong magpaload kaso nga lang hindi naman saaking pera yung pinambayad ko sa pagpapaload ko kung hindi sa kanya. I'm so thankful and blessed coz he saves me.

Nasa may Jollibee Drive - Thru kami ngayon. Binuksan ni Joseff ang bintana ng Driver's Seat atsaka ay nilingon ang kahera sa Jollibee.

"Yes Ma'am and Sir what can i do for you?" Maligayang tanong ng kahera ng Jollibee saamin. Nakadisplay sa labas ang Jollibe Drive - Thru Food Menu.

Nilingon ako ni Joseff at tiningnan ko rin siya pabalik.

"Baby what's your order?" Malambing na tanong niya saakin. Well, tiningnan ko ang Food Menu na nakadisplay sa labas para pumili kung ano ang oorderin ko.

"Isang Yum Cheeseburger lang" tipid kong sagot sa kanya. Tumango naman siya atsaka ay bumaling nasa kahera na naghihintay kung ano ang oorderin namin para mai-serve na.

"Isang Yum Cheeseburger please" sabi niya sa kahera at tumango naman ang kahera.

"Well, sir yung Yum Cheeseburger ay may kasama ng drinks and french fries" pag-iinform ng kahera.

"Ahh ganun ba, uhhh..miss puwede bang tatluhin mo na baka kasi magutom yung girlfriend ko malayo pa kasi bya-byahiin naming dalawa. And miss...take-out-in mo..." What the f?.

"Okay sir" matipid na sagot ng kahera na may kasamang matipid na ngiti. Feeling ko ay ang lagkit lagkit ng titig niya sa kay Joseff?. Ewan. Parang. Atsaka ay nagtawag na ng crew yung kahera para gawin yung utos niya at agad namang kumilos ang crew.

Kitang-kita ng dalawa kong mata ang malagkit na paninitig niya sa aking boyfriend. Tumingin naman saakin si Joseff at natigilan ako sa pagcococentrate na pag-aralan ang titig nung kahera sa baby loves ko.

"Hey! Gutom ka na ba" hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay. Binagsak ko naman ang tingin ko.

"Hey...is there something bugging the hell out of you baby? I can help you only if you just tell me..." Dadampian na sana niya ng halik ang aking noo nang sabihin nung kahera na puwede nang kunin yung in-order namin.

Bumaba si Joseff sa kotse para kunin iyon.

"Thanks for ordering to our fast-food chain. Sa mauulit" Pagkasabi noon nung kahera saamin ay tinalikuran na siya ni Joseff.

Kitang-kita ko ang bigo sa kanyang mata nung kahera. So? Uh! Nagpapa-impress siya sa baby loves ko?. Kaya pala.

At pagkatapos ay pumasok na si Joseff sa kotse. Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko rin. Kusang loob kong kinuha sa kanya ang plastic na may laman na burger. Inalalayan niya akong i-alis sa kanya yung softdrinks. Nilagay ko naman ang plastic na may lamang tatlong burger atsaka tatlong french fries sa aking hita.

At nilagay ko yung softdrinks sa ibabaw ng glove compartment glove box. At ramdam na ramdam ko ang init na nararamdaman ko sa aking hita. Para akong napapaso.

"Hey..." humarap sa akin si Joseff atsaka ay nilingon ko naman ito.

"Bakit mo nilagay sa hita mo yung plastic na may lamang burger at french fries. For sure, maiinitan ka..." pag- aalala nito saakin. Kukunin na sana niya yun sa hita ko nang nagmatigas ako.

"No...it's okay. Okay lang, malayo naman ito sa bituka" sabi ko sa kanya para hindi na magalala pa.

"Kumain kana malayo layo pa pupuntahan natin" tumango nalang ako bilang tugon at nagulat ako ng hawakan niya ang aking kanang kamay tapos ay idinikit at hinaplos haplos niya ito sa kanyang pisngi.

"Hey..kumain kana...galawin mo na yung pagkain. Para sayo talaga yan.."
at pagkatapos ay hinalikan niya ang kamay ko. Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya.

At binaling ko nalang ang atensyon ko sa burger kinain ko yung dalawang burger tsaka isang fries lang yung nakain ko habang nasa byahe kami.

Tinirhan ko siya kasi baka nagugutom.
Nakatingin ako sa labas ng bintana. At pinagmamasdan ang mga estrakturang nadadaanan namin.

He turn on the radio.
At ang kanta sa radyo ay Chasing Cars kinanta ng Snow Patrol. Hindi ko tuloy mapigilan mapakanta.

Ewan ko ba kung naririnig niya akong kumakanta pero alam kong naririnig niya ako kahit naka turn on yung radio.

" If i lay here......
If i just lay here....
Would you lie with me...
And just forget the world?" I whispered underneath my breath.

Natigilan lang ako ng nahagip ng mata ko ang malaking gate na color black at and gold. At nang makita ang kotse ni Joseff ng security guard ay agad niyang binuksan ang matayog na dalawang gate.

Binuksan naman ni Joseff ang bintana ng driver's seat at kumaway sa security guard. Kumaway naman ang security guard pabalik na may halong malapad na ngiti.

Tinagilid ko ang aking ulo para makita ko rin yung guard. Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko rin at kumaway.

"Magandang tanghali sir Joseff" pagbati ng security guard sa kay Joseff.

"Magandang tanghali rin Manong" pagbati pabalik ni Joseff sa kay security guard.

"Sino po yang kasama niyo? Girlfriend nyo po?" Tanong ng security guard kay Joseff.

Tiningnan naman ako ni joseff.

"Girlfriend ko si Lily" inintroduced pa niya ako sa security guard.

"Magandang tanghali Ma'am. Naku! Napaka-swerte niyo po dahil nakilala niyo po si sir Joseff dahil napaka-loyal po yan. Never ko yan nakitang umuwi dito na may kasamang babae..."

"Magandang tanghali rin po sainyo!" pagbati ko pabalik sa security guard na may kasamang ngiti.

"Ahh sige...manong, we have to go...Ipapakilala ko na kasi siya kina Mom and Dad tsaka doon sa napaka-kulit kong kapatid..."

"Ah! Sir, hindi po ba nasabi sainyo ni Ma'am Suzita na bumisita raw po rito ang inyong lola at lolo...Saglitan lang po sila rito..."

"Ahh..ganun ba salamat po sa pag-iinform mauuna na po kami manong" sabi ni Joseff atsaka ay nagpaalam ito sa security guard ganun rin ako kumaway ako sa kanilang security guard.

Atsaka ay sinarado na ang bintana ng driver's seat. And the engine has been started.

Sheez! Kinakabahan ako paano kung ayaw ako ng mga magulang niya?.

Pakiramdam ko ay tumatagaktak yung pawis sa aking leeg at sentido kahit na nakabukas naman ang air-con ng kotse.

Ang laki ng garden nila. At panigurado ay Magarbo ang kanilang mansyon. Ang suwerte talaga niya sa magulang niya dahil hindi siya naghihirap. Ang suwerte niya dahil mayaman ang kanyang nanay at tatay. Ang suwerte niya dahil lahat ng gusto niya nasusunod.

Ang suwerte talaga niya. Ang tanging kulang nalang sa kanya ay mag-asawa. Tama ka siya tumatanda na kaming dalawa. Pero hindi naman halatang 27 years old na siya kasi mukha naman siyang gwapo at kung tumanda man siya ay guwapo parin.

Kahit naman siguro na tumanda siya ay makisig parin ang kanyang pangangatawan gaya ni Adonis. Sana nga ma-maintain parin niya ang makisig na pangangatawan kahit na uugod ugod na siya.

Gosh!. Why i can't stop thinking of him?. Super duper inlove na talaga ako sa kanya at lalo pang nainlove.

Hay nako! Joseff Martinus Vilda ibang klase ang dating mo saakin. Feeling ko ay gusto ko nanaman matikman ka. Hay nakuu...

I'M DESTINED TO BE YOURS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon