Lilienne's POV
Lumuhod sa harapan ko si Joseff at may dinukot sa bulsa ng kanyang pantalon. Ang bilis bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi ako makahinga. Parang iiyak ako.Kulay pula ang ring box. Dahan dahan niyang binuksan yung ring box na nakatingin sa aking mga mata. Umagos na ang aking luha na nang galing sa aking mata. At tinakpan ko yung aking bibig gamit ang kamay ko.
"Roshanna Lilienne Zapata...Will you marry me?" Tumulo ang luha sa kanyang pisngi. At dahan dahan akong tumango.
"Y-yes" at nang sabihin ko iyon ay dali daling sinuot niya ang singsing na may bato sa gitna na kulay silver at ipinasok na ito sa ring finger ng aking kanang kamay.
At pagkatapos ay dali dali rin siyang tumayo at yinakap ako. Nakakahiya dahil basang basa na yung t-shirt niya na kulay gray dahil sa kakaiyak ko.
"Finally! Sobrang saya ko nang mag-yes ka sa pagpropropose ko sayo! Finally! Maangkin na kita! Maitatali na kita!" Wika niya habang nasa gitna kami ng pagyayakapan.
"Tears of joy! Whoah!" Malakas na bulyaw nito. At hinahagod niya ang aking likod gamit ang kanyang kamay.
"Matagal mo na akong na-angkin! Pati nga kabirhenan ko ay na-angkin mo na!" Pagbibiro ko sa gitna ng aming mahigpit na pagyayakapan sa isa't isa.
" We are meant for each other, Maaaring natagalan lang, Maaaring marami muna tayong kailangan pagdaanan para ipaglaban ang ating pag-iibigan. Maaaring kailangan muna natin masaktan pero sa huli tayo parin. Kahit anong gawin ng tadhana sa ating para tayo ay ipaglayo sa atin paring pumapanig si Bathala. I love you the most my Lilienne. Without you i am nothing...i am not who i am now!. Because you are there...i can feel that i have a worth....You gave my life direction...You gave my life colorful...."
wala pa nga kami sa altar ng simbahan ay nagsasabi na siya ng kanyang vow."Joseff, baka ay maubusan kana ng sasabihin sa ating kasal ah! Tama naman yan! Sapat na saakin sa sabihin mo na mahal mo ako! Mahal na mahal na mahal rin kita!" Wika ko pabalik.
Maaga akong nag-leave sa trabaho ko upang mag-celebrate kami ni Joseff. Nasabihan ko naman ang aking sekretarya na maaga akong makakauwi.
Hindi kami makakauwi sa amin at hindi rin kami makakabisita sa mansyon ng mga Vilda dahil walang tigil sa pag-agos at pag-kidlat ng ulan. It's raining cat and dogs.
Napagplanuhan namin ni Joseff na tawagin nalang sina Mommy and Daddy sa pamamagitan ng Video Call sa Skype.
Naka-indian sit ako sa kama at ganun rin si Joseff na katabi ko at nakapulupot ang kabilang braso ni Joseff sa aking balikat.
Habang ay hinihintay namin ang pag-sagot nina Mommy at Daddy. At wala pang limang segundo ay sinagot na nila. Nakaupo sina Mommy at Daddy sa couch ng living room at magkatabi sila. Maligaya at malaki ang ngiti nilang dalawa saamin.
"Hi Mommy!" Maligaya kong pagbati sa aking ina at winave ko pa yung kamay ko na may halong saya at sobrang excited ko na sabihin sa kanila ni Dad.
"Hello anak! Oh bakit napatawag kayong dalawa may gusto ba kayong sabihin saamin ng Dad mo?" ani Mommy na makahulugan ang ngiti.
Nagkatinginan kami ni Joseff at naka ngising-aso ito. Pagkatapos ng pagtititigan namin ay bibaling ko na ang aking paningin sa screen ng aking laptop.
"Uhh...Actually Mommy, may gusto po kaming sabihin sainyo ni Dad"
Itinaas ko ang aking kanan kamay at ipinakita sa kanya ang singsing sa may ring finger ng aking kanang kamay.
Tinakpan niya ng dalawang kamay niya ang kanyang bibig at gulat na gulat. Pakiramdam ko ay luluha rin siya sa sobrang tuwa. Habang si Dad naman masaya rin ngunit hindi katulad ni Mommy na maluha luha na.
"So..you are engaged now..Bakit hindi kayo pumunta rito para naman makita ko ng personal yung singsing! Mukhang expensive ang ring Joseff ah! Gustong-gusto ko kayang makitang dalawa! As in right now" ani Mommy na sobrang tuwa. Tumulo na ang luha niya. Pinakalma naman ito ni Dad sa pamamagitan ng paghagod ng likod ni Mommy.
"Sa kasawiang palad, Gusto man naming makapunta riyan ay hindi kami makapunta dahil malakas po ang ulan at kumikidlat po. H'wag po kayong mag-alala bukas na bukas ay bibisita po kami diyan" ani Joseff sa kay Mom para paliwanagan kung bakit hindi kami nakabisita sa bahay namin.
"Ganun ba, Oo nga mabuti nalang ay hindi kayo tumuloy kasi kung tumuloy kayo ay paniguradong malalagay kayo sa kumplikadong sitwasyon..." ani Mom saamin ni Joseff.
"So, when is the wedding,then. Kailangan na namin magka-apo. Matanda na kami at dumadami narin ang aming puting buhok" pag-singit naman ni Dad sa usapan.
"Malapit na po...dont you all worry" ani Joseff.
"Anak! Huy ikaw! Joseff ingatan mo ang anak namin ah!. Mahal na mahal ko iyan!. At lagot ka saakin Joseff kapag sinaktan mo ang aking anak!. Mayayari ka saakin!. Ang tanging hangad ko lang sayo ay alagaan mo ang anak ko. Huwag na huwag mo siyang sasaktan at papaiyakin. Dahil sa oras a ginawa mo iyon sa aking anak ay babawiin ko siya sayo. And lastly, Huwag na huwag mong ipagpapalit ang aking anak sa ibang mga babae!. Kapag nangangati ka ay sa aking anak ka dapat at siya lang ang magkakamot!. Naiintindihan mo ba? Joseff? Copy?" ani ni Mom na sobrang over-reaction.
Natawa naman si Dad sa kabilang linya at maging kami rin ni Joseff.
"Yes po..Naiintindihan ko po. Siya lang po talaga. At hinding hindi ko po siya ipagpapalit dahil para sa akin she's beyond perfection. Walang sinuman ang makakapantay kung gaano niya ako pinapasaya sa bawat araw na magkasama kami. Pinapangako ko po sainyong anak na hinding hindi ko siya sasaktan kahit na mag away kami. Hinding hindi ko po siya pagbubuhatan ng kamay. Pangako" tinaas pa ni Joseff ang kanyang kanang kamay na parang nag Panatang Makabayan.
Napangiti naman ako sa mga matamis na pangako niya at sinabi saakin Mommy at Daddy.
Sobrang saya ko. Nanghihimasok na naman yung mga butterflies sa loob ng aking tiyan. Walang sawa sila sa kasasayaw. At sobrang bilis ang pag pintig ng aking puso. Mas mabilis pa ang puso ko sa pag pintig kaysa sa pag ikot ng mundo.
Sobrang saya ko dahil engaged na ako. Na fiancé ko na ang isang sikat na Engineer sa buong taguig at sa metro manila na si Joseff Martinus Vilda. Sobrang successful niya dahil marami ang pumapasok na pera sa income niya. Sobrang saya ko dahil hindi ako makapaniwala na magkakaroon ako ng Fiancé na masipag, wais, gentleman, at maaruga.
Ipinapangako ko kay Bathala at kay Tadhana na hindi ako magmamahal ng ibang lalaki kung hindi ay si Joseff Martinus Vilda lang ang aking mamahalin hanggang sa kumulubot ang aking katawan..hanggang sa mamatay man ako.
Siya lang at wala nang iba. Ipinapangako ko rin sa kanya na hinding hindi ko papabayaan ang aming anak. At tuturuan ko sila ng Good Manners and Right Conduct habang sila ay lumalaki. Hindi ako magsasawa na magluto para ipaghain si Joseff at ang mga anak namin.
Mamahalin ko ng tunay at buong buo ang aming anak gaya ng pagmamahal ko kay Joseff Martinus Vilda na ngayon ay Fiancé ko na. Sobrang suwerte ko dahil may Joseff Martinus Vilda ako na nagsisikap at makisig na pangangatawan gaya ni Adonis at Machete.
I love you more and most Joseff Martinus Vilda.
![](https://img.wattpad.com/cover/135865816-288-k496491.jpg)
BINABASA MO ANG
I'M DESTINED TO BE YOURS [COMPLETED]
Ficción GeneralSi Lilienne at Joseff Martinus ay magkapatid. Mas matanda si Joseff kay Lilienne ng isang taon. Noong mga bata pa sila lagi silang naglalaro. At bata palang sila napagtanto na ni Joseff sa kanyang sarili na mahal niya si Lilienne hindi bilang kapati...