Chapter Fourty- Seven

935 27 0
                                    

Lilienne's POV
Hindi na kami nakauwi kagabi. Hindi na kami pinayagan ng mag-asawang Vilda dahil delikado raw dahil madilim na.

Kaya maaga kaming nagising ni Joseff at naghanda. Mabuti nalang pinahiram ako ng damit ni Sunshine. Mabuti nga ay magkapareho lang kami ng size.

Yung purse lang kasi yung nadala ko. Maaga rin kaming umalis pero bago yun ay nagpaalam kami.

Napagpasyahan ko na sa back seat nalang ako maupo dahil hindi ko kayang makipag-sabayan sa air-con dahil nahihilo ako.

Mabuti nalang ay mayroon siyang Vapo Rub. Tinulungan niya pa ako sa pagpahid ng Vapo Rub sa aking sentido bago siya nag-drive ang sweet niya talaga.

Tapos mabuti nalang noong chineck niya yung trunk ng kotse niya ay may blanket noon na maiksi ngunit makapal ang tela na kulay pula. Hindi naman ako nag atubiling kunin iyon sa kanya at magpasalamat.

Sabi niya nga ay humiga nalang ako para hindi mahilo tapos sabi niya kapag raw nagugutom ako ay magsabi ako sa kanya para pumunta kaming Drive Thru.

How sweet my baby loves is, Super sweet. Tama nga si Sunshine at sina Mr and Mrs. Vilda suwerte raw ako kay Joseff.

Dahil bukod sa guwapo gentleman, tsaka nai-spot-an ko nga siya sa may kusina na tinutulungan si Manang na iligpit yung mga pinagkainan sa mahabang lamesa. Hindi matanggal ang ngiti ko noon.

Sobrang matulungin siya sa kapwa. Hindi niya kailangan ng kapalit. Isa iyon sa mga katangian na nakakapagpa-turn on sa mga kababaihang kagaya ko.

Tapos ay nung maisipan kong maglibot sa kanilang garden ay nakita yung isang katulong nila na nagdidilig ng halaman. Matanda na ito at nung makausap ko ay ilang taon na raw siya rito.

Mababait raw ang mga Vilda, at lalong lalo na si Mr. Vilda ang daddy ni Joseff na kapag raw kinakapos si Manang Olivia ay binibigyan raw ito ng pera. Kaya lalo silang yumayaman at sumisikat sa sosyalidad dahil mabubuti ang mga puso nila at malinis.

Hindi gaya nung ibang mayayaman na maaarte akala nila ay madadala nila sa pagkamatay nila ang kanilang mga salapi. Hindi ganoon ang mga Vilda. Sobrang bait nila.

May yumuyogyog ng balikat ko dahan dahan ko naman dinilat ang aking mata. At agad nahagip ng aking mata si Joseff na nakangiti saakin.

Napabalikwas naman ako nang higa at umupo. Kinusot ko ang aking mata at pinasadahan ko ng aking mga daliri ang aking buhok.

"Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanya.

"We are outside of your house...." sabi niya.

"Let's go!" Pagyayaya ko sa kanya at kinuha ko na yung purse ko isinabit ko iyon sa aking balikat atsaka ay tinupi ng maayos ang kumot na pinahiram niya saakin.

"Tara" at tumango ako hinayaan ko lang nakalagay yung kumot sa may upuan ng back seat at lumabas na ako.

Lumabas rin siya nang lumabas ako.
At hinintay ko muna siya. Sabay kaming naglakad patungo sa aming gate.

At nagulat ako nang puluputin nanaman niya ang kanyang braso sa aking baywang. Nang tiningnan ko ito ay sinuklian lang ako ng ngising - aso samantalang ako ay namimilog ang aking mata.

Pinidot niya ang door bell nang isang beses.

Kinakabahan ako. Paano ito?. Paano ito kung tutol sa amin si Mommy at Daddy?. Sana hindi please. Sana huwag silang tumutol. Nasa tamang edad na ako.

At si Mommy yung bumukas ng gate. Nagulat siya sa amin. Nakatinginan naman kami ni Joseff. At kinalas niya ang kanyang braso na nakapulupot sa aking baywang.

"Hi Mom" pag bati ko kay Mom na may kasamang malaking ngiti na abot na sa aking tainga.

"Hi anak" pag bati niya pabalik sa akin atsaka ay tumingin kay Joseff.

"I missed you so much" yinakap ni Mommy si Joseff at yinakap naman niya si Mommy pabalik. We hug for a second at pagkatapos ay kumalas rin sila sa pagkakayakap nila.

Sobrang saya ni Mommy nang laking gulat na bumisita si Joseff.

"Tara pasok..." yaya ni mom at nauna na si Mom pumasok tapos ay pinauna akong pinapasok ni Joseff sa may gate na nakabukas.

At sinundan namin si Mommy. Inilock naman ni Joseff ang likod ng gate. Atsaka ay minuwestra saamin ni Mommy ang couch para maupo muna sa may couch dahil pagod kami sa byahe.

Nang makita kami ni Dad ay lumaki ang ngisi nito. Tumayo si Joseff at sinalubong ng yakap si Dad. Pagkatapos ay umupo rin.

"Oh my boy! Ngayon lang kita nakita! Parang yata lalo kang gumwapo...Tell me? Kaya ba nagpapapogi ka dahil ay para ligawan ang anak ko?" Tiningnan naman ako ni Dad na may maligayang ngiti.

At si Mommy naman ay nasa kitchen muna para hatiran kami ng cookies na binake niya kanina.

Wait what did just say on the last phrase?. How did he know?.

What the fuck! Sino ang nagsabi?. At mukha namang hindi tututol si Dad saamin. Akala niya ay nililigawan ako ni Joseff. Hindi niya alam na may relasyon kami?.

Eh si Mom kaya? Payag ba siya saaming relasyon ni joseff?.

"Nope, Hindi ko po nililigawan ang anak niyo" nabigo ako. At binagsak ko ang mata ko sa aking pantalon.

"Kung ganoon ano?" Kuryosong tanong ni Dad kay Joseff. Ni hindi niya pala akong kayang panagutan. Ni hindi niya pala kaya akong ipakilala bilang girlfriend sa harapan ng magulang ko?.

"Dahil girlfriend ko na po siya..." Tumingala ako at namilog ang mga mata ko. Tiningnan naman ako ni dad na may halong ngiti habang naka-krus ang kanyang braso.

"Well kami ni Lucine...matatanda na kami kailangan na namin magka-apo. Well, sino paba ako para tumutol?. Yes! Payag ako sainyong relasyon! Basta Joseff, huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko. Maliwanag?" ani Dad sa aking baby loves.

"Pangako hinding hindi ko pa sasaktan ang anak niyo. Ipinapangako ko po na hanggang sa umugod-ugod na ako hanggang sa magkulubot na ang aking balat siya lang ang mamahalin ko. Ipinapangako ko po sainyo na hindi ko po pababayaan ang anak niya sa halip ay aalagaan ko pa siya. Ipinapangako ko po sainyo na kaya kong buhayin si Lilienne sa abot ng makakaya ko" nagbabandang tumulo ang luha ko sa sinabi ni Joseff kay dad.

Feeling ko ay na-touch rin si Dad sa sinabi ni Joseff sa kanya. Bigla naman sumingit si Mom sa usupan at alam na alam niya ang pinaguusapan namin.

"Basta Joseff, ha huwag na huwag mong pababayaan ang anak ko. Mabuti na nga lang dahil hindi kayo magkapatid. Naku! Kailan mo niyo ba balak mag pakasal ha? Excited narin kami. For sure, magiging closed na balae kami ni Suzita.." sabi ni Mom.

" Malapit na po..." tipid na sabi ni Joseff atsaka ay inilahad saamin ni Mom ang plato na may laman na cookies agad ko naman itong nilantakan at maging ang baby loves ko ay sinabayan narin ako sa pagkain ng cookies.

Binigyan muna kami ni Mom and Dad ng quality time. Tapos nang bago sila umalis ay gusto rin nilang mag-annul para ikasal na sila sa may simbahan. Gusto na nga raw nilang magpakasal kaso sumingit kami. Pero mauna na raw muna kaming magpakasal ni Joseff bago silang magpakasal. Susunod nalang daw silang magpapakasal.

Hay salamat sa panginoon dahil tanggap kami ng aming magulang. God! Sana po talaga forever na kami ni Joseff!. Sana siya na yung 'The One' na hinihintay ko. Sana siya na.

I love you Joseff, ikaw lang at wala ng iba.

I'M DESTINED TO BE YOURS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon