Chapter Twenty-Seven

898 23 0
                                    

Joseff's POV
Sa totoo talaga inistalk ko talaga si lily. Nag cocomputer ako sa loob ng aking kuwarto. Nababagot kasi ako sa nay living room.

Ayaw ko namang makaabala sa kay lily sa kuwarto niyo baka may busy sa kagagawa ng assignments o kung ano man iyong pinagkakaabalahan niya ngayon.

Nanonood ako ng paborito kong anime yung SlamDunk. napanood ko na ito nung bata pa ako. Lahat ng episodes ng SlamDunk napanood ko na noong bata palang ako. Nirereplay ko lang kasi ang ganda kasi kaya nga naging paborito ko eh.

Napatalon ako at nawala ako sa pagcoconcentrate sa pinapanood ko ng tumunog yung cellphone ko. Sino nanaman yung tumatawag?.

Tamad akong tumayo para kunin ang cellphone ko na nasa ibabaw ng sidetable na katabi ng aking kama.
Si Mrs.Vilda nanaman yung tumatawag...ano bang pakay niya saakin?.

Sinagot ko ito at nilagay sa may tainga ko banda.

"Hello! Joseff, Goodeve..sorry sa abala..kumain kana ba? Anong ginagawa mo ngayon?.."

"Nanonood po ng anime..opo tapos na po akong kumain kayo po ba? Ano pong kailangan niyo saakin? Kukunin niyo po ba number ni mommy?. I will give you my mommy's number if you want and if you are interested?" Diniretso ko na siya..ano ba kasi ang pakay nitong Mrs. Vilda na ito saakin?. Bakit hindi nalang niya ako itanong na gusto niya makuha ang number ni mommy nang sa ganoon ay may komunikasyon sila..

"Sige gusto kong makuha ang number ng mommy mo..i-text mo nalang ako. Sorry talaga sa abala joseff ahh.."

"Hindi naman po.okay lang po yun...sige po itetext ko po sainyo yung number ni mommy"

at hindi na ako nag goodnight at pinutol ko na. Ano ba yan! Hindi ko na tuloy nasubaybayan yung pinapanood ko. Nagfacebook nalang ako at nakuha ng atensyon ko ang post nung isa sa mga kabarkada ni troy.

Nagbar pala sila hmmm...bakit kaya wala si troy sa mga photos na inupload ng mga kaibigan niya?. Last time i check lagi itong kasama sa mga pictures na inaupload ng mga kabarkada lagi nga itong nasa gitna at siya yung bida.

Manang mana talaga yung mga kaibigan ni troy sa kanya. Sa palagay ko ay mga stripper ito nagpakuha lang sila ng litrato upang ipagmayabang sa iba na habulin sila ng chicks.

Kahit nakipaghiwalay ako kay Eliana close parin kami. Tsaka nung recess at lunch nga sabay siya kumain saamin nila Zeus at yung isa ko pang dakilang kaibigan.

Well...hindi ko pa nasasabi kila Zeus at Jehoven na break na kami ni Elian siguro pag sinabi ko iyon ay naku! Papagalitan nanaman ako noon!.

Nakaboxer lang ako at hindi ako nagsando. Naiinitan kasi ako kahit na air-conditioner yung aking kuwarto. Humiga na ako sa kama dahil pakiramdam ko ay babagsak na yung aking mata nang may kumatok sa aking silid.

Pinagbuksan ko iyon at nakita ko si lily na sobrang saya at tuwa. Anong mayroon dito? Sila nanaman ba ni troy? Okay na ba sila?.

Nanlalambot ang aking tuhod at naninigas ako sa aking kinatatayuan ng yakapin niya ako. Tumatalon talon pa nga ito habang yinayakap ako.

"Ano bang mayroon? Bakit ang saya saya mo ngayon?" Kuryoso kong tanong kay Lilienne.

"OMG!!!! Tsaka ko nalang sasabihin kapag nasa loob na tayo ng iyong kuwarto! Good news kuya!" at tinanggal niya na yung braso niyang nakapulupot saakin at hindi nahiyang umupo sa paahan ng aking kama.

Isinarado ko ang pinto ng aking silid at pinagkrus ko ang aking braso. Nakasandal ako sa likod ng pintuan habang pinagmamasdan yung mukha niya. Sobrang saya nito at namumula ang kanyang pisngi.

Ano bang nangyari nanaman dito? Ang jolly niya ngayong gabi..

"Why are you so jolly tonight? Tell me what the fuck is happening to you?"

I'M DESTINED TO BE YOURS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon