Chapter Fifty

1.3K 20 0
                                    

Lilienne's POV
Kinabukasan ay nagluto ako ng breakfast namin ni Joseff. Nagising ako ng maaga atsaka ay nakalimutan pala namin pumunta kahapon sa unit ko dahil umuulan.

At this is it. Maaga akong nagluto at nagbihis dahil may meeting kami ngayon ng aking client. At may inahanda akong presentation buong gabi kong ginawa para magustuhan ng client ng aming kompanya.

Tulog pa ata si Joseff. Well, hihintayin ko parin siya. Nagluto ako ng friend rice, bacon at egg. Hinihintay ko nalang siya sa hapag kainan.

At naririnig ko na ang mabibigat sa yapak patungo rito sa kusina ng kanyang unit. Nang makita ko ito ay agad akong tumayo sa kinauupuan ko at sinalubong siya.

Kinukusot niya ang kanyang dalawang mata gamit ang kanyang kamay. Nakasando ito na puti ngunit manipis kaya halatang halata at kitang kita ko ang ukit na ukit niyang katawan. Malaki ang ngisi nito at dinampian ko naman ng halik ang kanyang noo.

Sa lunch time ay bibili na talaga ako ng pregnancy test. Dahil ilang linggo na kasi akong hindi dinadatnan. Dati naman kasi regular ang menstruation ko ngayon lang talaga ako nagtataka.

Hinatak ko ang palapulsuhan niya para pumunta na kami sa lamesa. Hindi ata ito papasok ngayon panigurado ay pupunta lang ito sa construction site para tignan at tutukan ang ginagawa ng kanyang trabahador.

"Hey! Ang aga mo pala nagising. Ikaw nagluto nito?. Mukhang masarap ako. Panigurado mabubusog ako nito." Pagpupuri nito saakin. Tsaka ay inilapit yung kanyang mukha sa pagkain para amuyin yung nakahain sa ibabaw ng lamesa.Tinampal ko naman braso niya.

"Huy! Baka mamaya ay tuluan mo ng sipon yan ah!" Bulyaw ko sa kanya.
Ang takaw talaga nito.

"Wala akong sipon baby! Ang sarap kasi eh at ang bango!. Takam na takam na talaga ako!. Puwede naba tayong kumain?" Tumango naman ako. At bago siya ay umupo ay hinila muna niya yung upuan para saakin. Umupo naman ako at nagpasalamat saka siya ay umupo.

May plato na nakahain sa aming harapan at pati kutsara at tinidor pati baso at pitsel. Nagsandok siya ng kanin sa akin plato. Hindi matago ang ngiti ko.

At ako na yung naglagay ng ulam sa akin plato. Nakakahiya naman kung pati ulam ay siya parin ang maglalagay. Magkatabi kaming nakaupo at kumakain sa hapag kainan.

" Good Morning! Hindi kaba papasok mamaya?" Tanong ko sa kanya na malambing ang tono ng aking pananalita.

"Good Morning to you too my baby!. Uhh..yup pero mamayang mga alas-nuebe pa akong papasok. Ang start kasi ng pagsisimula ng pagtratrabaho sa site ay alas-nuebe. Mamaya sa lunch ay dadalawin kita sa opisina mo. Kakain tayo sa labas" hinalo ko yung ulam at kanin sa ibabaw ng aking kutsara atsaka ay binuksan ang aking bunganga para isubo.

" P-pwedeng sa office nalang tayo kumain?. Anong oras kaba pupunta?"

"Mga alas-onse imedia. Anong oras ba start ng lunch niyo?"

"Mga alas dose" tipid na sagot ko sa kanya. Tumango naman ito.
At hindi ko na tinantanan yung pagkain sa loob ng plato. Kailangan na kailangan kong magpakabusog dahil hindi puwedeng wala akong enerhiya mamaya.

Ang dami namin napag-usapan at mga topic. Lalong lalo ay yung wedding namin. Gusto niya sa simbahan kami ikasal. Ang gusto ko nga ay sa may beach hindi ba mas maganda roon ganapin ang aming kasal?. Tutal, pupunta naman sina Liza, Kaitlin at si Quera sa aking opisina mamaya ay sasabihin ko na sa kanila ang mga nagaganap sa amin ng aking fiancé.

Excited na excited na akong sabihin sa kanila ang dapat na malaman nila. For sure, ay alam na nila Zeus at Jehoven na engaged na kami ni Joseff. Si Zeus nalang sa kanilang tatlong magkakaibigan ang wala pang lovelife.
Wala naman akong nasasagap na balita sa kanya dahil napaka pribado ng kanyang buhay. At tanging marami lang akong nasasagap na balita ay kay Jehoven.

Engaged na pala ito sa kanyang girlfriend. Akalain mo nga naman na may babae palang kayang ituwid ang baluktot nitong pag-uugali. I wonder if he change. If he has changed a lot. Or maybe he was still that horny guy that i used to know.

Hinintay ko ito sa may pintuan. Dahil hindi pa ito tapos sa pag-aayos sa kanyang sarili. Opinion ko lang hindi na naman niya kailangan mag-ayos o mag-pa-bango sa kanyang sarili dahil mabango na siya. Kahit hindi siya mag-ayos mukha parin itong attractive sa paningin ng mga tao.

"Hey! Let's go!" Pagyayaya nito agad naman akong tumango. Nakasuot ito ng v-neck blue t-shirt at naka-khaki short ito. Nakapamulsa ito at mukha siyang model sa pag-pose niya.

Sabay kami naglakad patungo sa may pintuan. At tumigil muna ako sa paglalakad dahil mag-e-enter siya ng pass code sa kanyang pintuan.

At isinabit ko ang aking casual day bag nakulay brown na leather sa aking braso. I-pinony-tail ko yung aking buhok dahil sobrang haba na ng aking buhok.

At nag-enter na siya ng pass code sa kanyang pintuan pagkatapos niyang mag enter ay kanyang pass code ay awtomatikong bumukas ang pintuan.
Sabay kaming naglakad palabas.

At nakapulupot ang braso niya sa aking baywang. Pakiramdam ko ay naghuhuramentado ang puso ko. At feeling ko ay nanlalambot ang aking tuhod. Mag-e-elevator pa kami para makababa sa ground floor pero sa tingin ko ay sa may car park na kami bababa dahil nandun naka-park ang kanyang kotse.

May mga kasabayan kaming bababa. Siya na ang nagpindot sa may button ng elevator at napag-isipan namin na sa likod nalang kami pu-puwesto dahil walang tao roon.

Nagulat ako ng hinalikan niya yung ulo atsaka ginulo ang aking buhok. Nakuha niya ang aking atensyon kaya naman lumingon ako sa kanya. At nakipagtitigan sa kanya.

"Isa...may makikita sa atin. May mga tao rito! Ano ba" pabulong kong sinabi sa kanya nang hindi pa siya tumitigil sa kakahalik sa aking ulo.

"So...what? It doesn't matter to me anyway" sabi nito saakin inirapan ko lang siya. Feeling ko ay kumukulo ang aking ulo sa galit.

"Alam na ba nila tita at tito na engaged na tayo?" Tanong ko sa kanya nakatingin sa kanyang mata. Umiling ito saakin.

"Pero bukas kung free ka bibisita tayo roon. May Skype si Sunshine doon nalang natin sabihin sa kanila.." anya.

"Wait..i have an idea. Paano kung sabihin natin kay Sunshine tapos ay i-surprise nalang natin si tito at tita na engaged na tayo. Si sunshine..tatlo lang tayo ang makaka-alam..Hindi ba maganda iyon?" pag-bibigay ideya ko sa fiancé kong sobrang gwapo at pinagpala ng tangkad.

" Okay maganda nga iyan na-isip mo. I-te-text ko nalang si Sunshine about this. Panigurado ay manginginig yun sa sobrang saya at kilig!" Ani Joseff sa akin. Oo nga, tama nga siya panigurado ay kikiligin ang future sister-in-law ko or for short, shall i say hipag.

Hindi naman siguro kami naririnig ng mga taong nasa harapan namin dahil nag-iingay rin sila. Habang ito namang fiancé ko ay walang tigil sa kakadaldal ng kung anu-ano. Daig pa niya yung mga babae eh.

Siguro ay mahal itong engagement ring na binili niya. Tsaka sakto lang ito sa aking ring finger hindi maluwag hindi masikip. Sakto lang. Hmm...magkano kaya itong singsing na ito?. Wala na akong time para kausapin siya dahil nagmamadali ako.

Kung may pakpak lang ako ay lilipad na ako patungo sa aking office dahil panigurado ay maaga darating yung client ko. At sana panginoon ay hindi pumalpak yung presentation ko para sa client ko. Naku! Dahil kung palpak sayang yung effort ko sa pag gawa ng slide sa PowerPoint. Sayang ang pagpupuyat ko. Kaya sana worth it lahat ng pagod. Sana maging successfull talaga.

I'M DESTINED TO BE YOURS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon