Chapter 1

5.7K 54 3
                                    

Chapter 1

#RacingHearts



"Ang ingay naman. Ano bang meron?" tanong ko kay Rein habang nakatingin sa librong binabasa ko.



Nandito kasi kami ngayon sa field at nakaupo sa isa sa mga benches na narito. Uwian na rin kasi pero pinilit ko muna si Rein na tumambay dito. Marami pa rin namang estudyanteng nandito.



"Dumating kasi si heartthrob e," sagot ni Rein.



"Ha? Sino?" tanong ko saka nag-angat ng tingin. Nagulat pa ako dahil sa lalaking nakatayo sa harap ko.



"Can I join you?" ani Randolf na mayroong ngiti sa mukha. Ang gwapo niya talaga kahit kailan! Ang sarap titigan maghapon iyong mukha niya.



"Nariah?" tawag sa akin ni Randolf. Nakalimutan kong hindi ko pa pala sinasagot iyong tanong niya.



"Y-Yes, have a seat," I replied. Pinagpag ko pa iyong bakanteng uupuan niya.



Nakakahiya naman kay Randolf, baka kung anong isipin niya kasi kanina ko pa siya tinititigan.



Tumingin na lang ako sa mga taong naglalakad sa harap namin para umuwi na. Iyong iba naman napapatingin sa amin, siguro nagtataka sila kasi kasama namin si Randolf ngayon. Sikat kasi talaga si Randolf sa school, ganoon naman yata talaga kapag gwapo.



"Ah, Randolf, bakit ka nga pala nandito?" tanong ni Rein kay Randolf.



Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin dahil sa tanong niya kay Randolf. Para kasing ayaw niya na nandito iyong tao e!



"I just want to ask Nariah if we can go out on a date," ani Randolf na bumaling pa sa akin ng nakangiti. Nagulat naman ako sa sinabi niya.



"Date? You're asking me to come with you?" I asked.



Parang nabigla naman siya sa naitanong ko, kahit ako rin naman nabigla sa sarili kong tanong. Bakit ko nga ba naitanong iyon? Hindi pa ba halata?



"Yes. May problema ba?" Napaisip naman ako sa tanong niyang iyon.



May problema nga ba? Wala naman diba? Matagal na akong may gusto sa kaniya at kailan lang niya ako napansin tapos ngayon tinatanong niya ako sa isang date pero bakit parang may pumipigil sa akin na tanggapin iyong alok niya? Anong nangyari bigla?



"Ah! Wala! Wala naman," sagot ko na ngumiti pa ng pilit.



Anong nangyayari sa akin? Dati gustong-gusto kong mapansin niya ako tapos ngayon siya na ang nagyaya sa akin pero parang hindi pa ako handa. Iyong tipong may gusto ako sa kanya pero ayoko munang magmadali. Iyong gusto ko crush ko muna siya, dahan-dahan lang. Saka na iyong mga ganyan kaseryoso.



"Randolf, una na muna kami ni Nariah kasi mukhang hindi maganda ang pakiramdam niya e. Okay lang?" tanong ni Rein kay Randolf nung mapansin niyang bigla akong tumahimik. Salamat naman at nandito ang kaibigan ko.



"Oo, sige okay lang. Mauna na rin pala ako, kung papayag ka nang sumama sa akin kausapin mo lang ako, Nariah. Magpagaling ka rin," ani Randolf na tumayo na at nauna pang umalis sa amin.



Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Paano ba naman kasi bigla na lang akong natulala at nautal-utal kanina nung tinanong niya ako.



Tumayo na ako para umuwi na rin, gusto ko nang magpahinga. Napagod ako masyado ngayong araw na ito. Pero hinila ako ni Rein paupo sa bench. Mang iintriga lang naman siya.



(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon