Chapter 25
#RacingHearts
"Nariah!"
Hmm.
"Nariah, hija."
Hmm.
Napabalikwas ako ng bangon nang may marinig akong malakas na tunog. Si Manang pala iyon, hinagis ang kawali sa sahig. "Manang... Gusto ko pa pong matulog..." Babalik na sana ako sa pagtulog nang marinig ko na naman ang malakas na tunog na gawa ni Manang. Ang sakit-sakit sa tainga.
"Nariah, may naghihintay sa iyo sa baba kaya bumangon ka na dyan."
"Hmm..."
"Bumaba ka na hija..." Iyon na lamang at narinig kong lumabas si Manang sa aking kwarto.
Just... five more minutes...
"NARIAH!!!!"
Idinilat ko ang aking mga mata at nakita si Manang na galit sa akin. Anong oras na ba? Tumingin ako sa alarm clock at nakita kong 10 am na! Shit! Anong nangyari sa five more minutes mo, Nariah?
"Umuwi na 'yong naghihintay sa iyo kanina! Ikaw bata ka, anong oras ka ba natulog kagabi at ang hirap mong gisingin ngayon?" Manang questioned.
"Wala naman po, Manang. Sino po ba 'yung nagpunta dito kanina?" tanong ko habang kinukusot ang aking mga mata.
"Andrei raw ang pangalan niya."
Para akong nanigas nang marinig ko ang pangalan niya. Hala... Baka galit na 'yun sa akin.
"Babalik na lamang daw siya sa susunod, ikaw naman kasi hindi mo binaba," dugtong ni Manang.
"Sinabi niya po ba kung kailan?"
Umiling si Manang. "Uyy, iyon siguro ang manliligaw mo, ano?" panunukso niya sa akin.
Naramdaman kong nag-init ang aking pisngi. "H-Hindi po, Manang, ah!" I answered, sounded defensive.
"Naku, naalala ko tuloy ang kabataan ko..." Tumingala pa si Manang na parang inaalala ang kanyang kabataan habang nakatingin sa kisame. "Tara na nga at kumain ka na."
Tumayo na ako at sumunod sa kanya pababa ng aming bahay. Pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Andrei na prenteng nakaupo sa aming sofa. Akala ko ba umuwi na siya?! Nang makita niya ako ay sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Oh fuck, wala pa akong ligo! Tapos titig na titig pa sa akin itong si Andrei!
Tumawa si Andrei out of the blue. "Buti gising ka na."
Bakit ba ngiting-ngiti siya ngayon? Mas lalo tuloy akong naiilang. "Bakit ka nandito?"
Nabigla siya sa naitanong ko. "Sungit mo naman." Aba't! Nag-pout siya!
"Bakit ba todo ang pagpapa-cute mo, ha?"
Mabuti na lang nauna na si Manang sa kusina kundi baka lumubog ako dito sa kinatatayuan ko.
"Wala, miss lang kita," sagot niya.
"Aga-aga, e," sabi ko saka siya inirapan.
Iyong puso ko tila tumatalon sa tuwa at saya. Dahil kasama ko iyong taong dahilan kung bakit ako ngumingiti at masaya. But at the same time, siya rin ang dahilan kung bakit ako umiiyak at malungkot dati.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
General FictionNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...