Chapter 22
#RacingHearts
"Andrei!"
He walked fast.
"Andrei Luis!"
He walked faster.
"Andrei Luis Prietto!"
Aba! Tibay ng apog! Bingi na yata 'yang si Andrei! Ang sarap tanggalan ng mga tenga, e. Nang sa wakas ay naabutan ko si Andrei ay pinigilan ko siyang maglakad at pinilit na iniharap sa akin.
"What?" tanong niya habang tinatanggal ang earphones na nakalagay sa mga tenga niya.
Alam kong walang tugtog 'yan kanina pa kasi kung meron 'yan edi dapat hindi niya binibilisan ang paglakad niya para matakasan ako.
"Bakit ka ba ganyan, ha?!" sigaw ko sa kanya.
Hindi ko kinakaya 'yung ugali niya! Nung panahong 'di ko pa alam kung may chance ba ako, todo siyang magbigay ng motibo. Tapos nung nakaraan, umamin siya sa akin na mahal niya ako, pero ngayon anong ginagawa niya? Halata namang umiiwas siya sa akin, e!
"Anong bakit ganito ako? Ano bang problema mo?" kalmado niyang sagot.
Andrei, sarap mong bigwasan! "Problema ko? Ikaw! Kasi nakaka-frustrate ka! Sinabi mo na mahal mo ako pero bakit ka umiiwas ngayon?" dire-diretsong tanong ko sa kanya.
Blanko lang siyang tumingin sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Wala siyang isinagot at nagpatuloy siya sa paglalakad.
Nakaka-bwisit talaga 'tong si Andrei! Sa sobrang inis ko ay tinanggal ko ang aking isang sapatos at ibinato sa kanya. Kaso hindi siya ang natamaan, kundi si...
"What is your problem?!" galit na sigaw sa akin ni Hannah.
Siya kasi ang tinamaan nung sapatos ko. Hindi naman talaga para sa kanya 'yun, e! Epal kasi kaya siya ang natamaan!
"Ano bang problema mo?!" sigaw na naman ni Hannah.
Bruhang 'to! Nakaka-intindi naman ako ng English, tinagalog pa 'yung sinabi niya kanina! "Hindi ko naman sinasadya..."
Nanginginig na sa galit si Hannah, 'yung mga kilay niya konting-konti na lang magiging isang linya na lang.
"Hindi mo sinasadya?! Ano bigla na lang natanggal 'yung sapatos mo sa paa mo tapos lumipad at tumama sa mismong mukha ko, ha?!"
"Hindi naman talaga dapat sa'yo tatama 'yon, e! E kaso epal ka kaya sa'yo tumama!" sigaw ko rin sa kanya.
Para kaming bata na dalawa, nag-aaway nang dahil lang sa sapatos. Si Andrei naman ay mukhang naririndi na sa sigawan naming dalawa ni Hannah kaya sumingit na siya.
"Nariah, just leave us alone, please."
What the fuck?! Ako 'yung may gustong-gustong kumausap sa kanya kanina pa tapos dumating lang 'yang haliparot na Hannah na 'yan tapos ako pa 'yung mapapa-alis?! What the fucking fuck?!
"Can't you hear him? Leave. Us. Alone. You. Bitch!!!" sigaw na naman ni Hannah.
I can't fucking believe this! Bakit pa nga ba ako nagsasayang ng oras para kulitin ang isang taong ayaw naman akong kausapin? Bakit nga ba? Kung hindi lang ako nakapag-timpi ay baka napakain ko na sa Hannah'ng 'yan ang dalawang sapatos ko!
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...