Chapter 40

1K 20 0
                                    

Chapter 40

#RacingHearts

Gosh! Parang binibiyak 'yung ulo ko sa sobrang sakit! Dahan-dahan akong tumayo sa kama ko habang hinihilot ang aking sentido. Ang dami ko nga palang ininom kagabi!

Mabilis akong pumunta sa banyo at isinuka lahat ng nilalaman ng tiyan ko. I'm a fucking mess. Naisipan kong maligo na upang mas gumaan ang pakiramdam ko. Lumabas naman ako sa kwarto nang maayos ko na ang sarili ko.

Dumiretso ako sa kusina dahil kumakalam na ang tiyan ko sa gutom. Nakita ko naman doon sa table si George na mag-isang kumakain ng cereals niya.

"Ate, you're so thin," biglang sinabi ni George nang makitang tinapay lang ang kinakain ko.

"Really?" I asked, I even looked at my body to check kung totoo ba.

He nodded. "You should eat rice." He even pointed at my bread.

"Okay. Thanks for the concern, bro," I replied as I reached for his hair to tousle it.

Mukhang na-badtrip naman siya sa ginawa ko kaya agad ko ring tinigilan. Ang sungit talaga ng batang ito!

After the breakfast, hindi ko alam kung ano bang gagawin ko sa araw na ito. So I just settled in watching movie series in my room. Tambay kasi muna ako dito sa bahay dahil hindi ko pa plano ang mag-work kaagad. Maybe, I'd be free for a year. Resting muna.

Paglabas ko ng kwarto, I saw George marching to his room. Salubong na naman ang kilay ng masungit na bata.

Nagpunta ako sa kusina to get more foods. Nakita ko si Manang kaya kinausap ko siya habang nagpe-prepare ako ng food.

"Manang, anong nangyari kay George?" I asked.

"Ah. Nainis lang kasi mamayang gabi pa ang dating ni Mariel..."

Natawa ako. "Ang mommy's boy naman!"

Manang smiled. "Magkasundo kasi palagi."

When afternoon came, I decided to bike around the village with George. Sobrang bored na kasi ako sa bahay. Para na rin mawala na ang inis ng masungit kong kapatid.

"Why were you absent?" George asked his friend na dito rin nakatira sa village namin.

"I was sick," sagot nung bata.

George nodded. "Are you okay now?" he asked, worried. But his friend nodded her head.

"I'll see you in school." The kid smiled at my brother. Nakita ko naman kung paano namula ang mga pisngi ng kapatid ko. Aba! Humaharot na ah!

Nagpaalamanan na silang dalawa sa isa't isa bago pumasok sa loob ng bahay iyong batang babae. Huminto kasi kaming dalawa ni George nang makita niya na nasa labas iyon.

Nang lumapit si George sa bike niya ay hindi ko napigilan ang sarili kong sundutin ang tagiliran niya.

"Hey!" badtrip na sita niya sa akin dahil sinusundot sundot ko siya.

"Crush mo 'yun?" I asked while smiling widely.

Hindi siya sumagot. Pagalit siyang sumakay sa bike niya at isinuot ang kanyang helmet.

"Answer me! Iyon ba 'yung crush mo?" pangungulit ko pa rin.

Still, hindi niya ako sinagot. Ang nice-talking talaga nitong kapatid ko na 'to!

(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon