Chapter 33
#RacingHearts
Senior high school was good. I have many friends. I met a lot of people. And I am enjoying what I am doing. Iyon naman ang mahalaga, 'di ba?
I just finished an exam and wala na akong class after. Tahimik lang akong naglalakad nang lapitan ako ni Callian.
"Hi," he greeted.
"Hi." I smiled.
"Tapos na class mo?"
I nodded and smiled. Tumango lang din siya at sumabay sa akin sa paglalakad.
"Your birthday's near."
"Yeah..."
"Are you excited?"
"Of course!"
I am turning eighteen this November 16. Under the stars ang theme ng aking debut. Iyon ang pinili kong theme dahil favorite ko ang tumambay sa tabing-dagat lalo na kapag gabi. Star gazing near the sea is my favorite.
"Who will be your escort?" asked Callian.
I shrugged. "Hindi ko pa alam. But I think, ikaw ang kukunin ni Mama."
Kahit na si Andrei ang pinaka-gusto kong maging escort, I can't do anything. Andrei already left. He already has a life in Hong Kong.
Callian combed his hair using his fingers and then he winked at me.
I cringed. "Tumigil ka nga."
"Hindi mo ba talaga ako crush?"
Napailing na lang ako. Tuwang tuwa kasi siya masyado kapag nalalaman niyang may nagkakagusto sa kanya rito sa school. Nagtataka nga raw siya kung bakit hindi ako nagkakagusto sa kanya. Kaya nga palagi niyang itinatanong sa akin 'yan!
"Hindi ka ba nagsasawang marinig ang sagot ko?"
"Magkakagusto ka rin sa akin!" He laughed.
"Asa."
"Sure, babe. Aasa talaga ako."
Inakbayan niya pa talaga ako kaya hinampas ko ng malakas iyong braso niya. Pero nasaktan lang ako sa ginawa ko. Aba may muscles na yata itong baliw na 'to, ah!
"I often go to gym, that's why," he said and winked at me again!
I just rolled my eyes and continued walking. I need to send invitations for my best friends. Jane will hate me kung hindi ko sila personally ma-invite. Though ang sabi naman nila Rein ay okay lang daw kahit hindi personal na ma-invite dahil sa busy sched, itutuloy ko pa rin. Maarte pa naman si Jane.
I thanked Callian for driving me home but hindi naman siya tumagal sa bahay dahil mayroon pa raw siyang gagawin.
"Ma, I'm going to Jane's house. I'll send them invitations," I said.
"Okay," sagot ni Mama habang pinapatulog si George.
I went down the stairs at hinanap si Manong Ron para magpahatid sa bahay ni Jane.
"I missed you!" bungad sa akin ni Rein pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay.
"I missed you too!"
We hugged each other tight. Pagkatapos ay doon kami sa garden dumiretso para tumambay.
I gave them their invitation cards bago ko pa makalimutan. Baka kasi sa dami ng chika nila ay mawala sa isip ko.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
General FictionNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...