Chapter 4

1.9K 27 0
                                    

Chapter 4


#RacingHearts



Kinabukasan...




Weekend na pero wala akong masyadong ginagawa kaya sinabi ko kay Mama na ako na lang akong magluluto ng lunch namin ngayong Sunday. May talent ako sa pagluluto kasi tinuruan ako ni Papa na magluto simula pa nung bata ako. Baker si Papa pero marunong din naman siyang magluto ng mga putaheng may mga gulay. Meron kaming tindahan ng mga sweets sa Bulacan, si Papa mismo ang humahawak ng negosyong iyon.



Maraming suki si Papa na mayayaman. Sa tuwing may occasion na nagaganap, kay Papa agad sila nagpapagawa ng mga sweets. Tinuruan din ako ni Papa na mag bake, para raw kapag nagutom ako dito sa bahay alam ko kung paano gumawa ng makakain.



Kahapon naman, Sabado, nagpunta ako sa bookstore para bumili ng mga brush pens. Marunong din akong mag calligraphy. Bumili ako ng mga bagong brush pens kasi naiwala ko iyong mga luma kong ganoon. Hindi ko alam kung saan ko nailagay.



Nung matapos akong magluto, inayos ko na ang mga plato, kutsara, tinidor sa lamesa para makakain na kami.



"Papa! Mama! Kakain na po!" sigaw ko dahil nasa itaas silang dalawa.



"Sige, anak! Hintayin mo kami!" sigaw ni Mama mula sa itaas.



Umupo na lang ako kung saan ako nakapwesto sa tuwing kakain kami at hinintay silang makababa.



Nang makababa na sila, umupo na sila sa mga upuan nila saka kami nagdasal bago kumain.



Habang kumakain kami, biglang nagsalita si Papa.



"Nariah, how's school?" Papa asked.



"It's fine," I answered. "Last week na po namin this week."



"Ah, ganoon ba? Edi magba bakasyon na naman. Saan mo gustong mag bakasyon?"



"Kahit saan po basta may beach!" excited kong sagot.



"Magsscuba diving ka ba, anak?" tanong ni Mama.



"Opo, Mama," sagot ko.



"Sige, sasama ako, ha. Gusto kong masubukan iyang ginagawa mo."



Nanlaki ang mga mata ko. "Gusto niyo pong sumama na mamulot ng basura?" tanong ko.



Dati kasi kapag nagbabakasyon kami tapos kapag pupunta kami sa beach ayaw ni Mama'ng sumama sa akin sa ilalim ng dagat para mamulot ng mga basura roon. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya pero nakakabigla rin kasi ang malaman na gusto niyang subukan iyon ngayon.



Gusto kong magpulot ng mga basura sa mga dagat para makatulong din ako sa kalikasan. Ang ganda-ganda ng dagat tapos tinatapunan lang ng mga basura ng karamihan sa mga tao. Kaya kapag tuwing bakasyon, ganoon ang ginagawa ko.



"Oo nga. Bakit parang biglang-bigla ka naman?" tanong ni Mama.



"Wala naman po," nahihiya kong sagot.



Bumaling ako kay Papa saka nagtanong. "Ikaw, Papa, hindi mo po ba susubukan?"



Umiling si Papa. "Hindi, anak, e. Mas gusto kong humiga sa buhangin at magpahinga muna. Ang dami kasing ginagawa ngayon sa trabaho, e," sagot ni Papa.



Nalungkot naman ako dahil sa sagot pero agad na napansin iyon ni Papa.



"Huwag kang mag alala, anak. Tuturuan na lang kitang magbake ng cake," sabi ni Papa at kinindatan ako.



(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon