Chapter 5
#RacingHearts
Tutal wala namang teacher at wala na rin kaming ginagawa, napagdesisyonan naming lumabas ng school para mamasyal sa mall.
Una naming pinuntahang boutique ay yung mga may cosmetics. Lip and Cheek tint lang naman ang binili ko roon, sila Jane lang naman ang maraming binili sa boutique na iyon.
Pangalawa naming pinuntahan ay ang bookstore. Mahilig kasing magbasa ng mga novels si Rein kaya nagpasama siya sa amin doon.
Pangatlo, nagyaya sila Jane na manood ng sine. Maganda raw kasi ang palabas kaya go na kami.
Pagkatapos naming manood ng movie, hindi na namin alam kung saan pupunta kaya nandito kami sa gitna ng mall para pag usapan kung saan ang susunod na pupuntahan.
Habang nag uusap pa sila, bigla akong nakaramdam ng gutom. Kaya naisipan kong ayain sila para kumain.
"Sige, kain na lang muna tayo. Nagugutom na rin ako, e," sabi ni Rein.
Kaya napunta kami sa isang Korean restaurant dahil dito gustong kumain nila Jane. Sila na rin ang pumili ng kakainin namin kasi sila naman ang mas nakakaalam ng mga masasarap na pagkain dito, e.
Nakapwesto ang table namin sa malapit sa glass door. Kaya nakikita kami nung mga tao sa labas. Habang naghihintay sa mga orders namin, tumingin muna ako sa labas ng restaurant.
Ang dami kong nakikitang mga students, wala na rin kasing ginagawa sa school kaya nandito sila para gumala kagaya namin. Hanggang sa may nakita akong mga estudyante na pamilyar sa akin. Si Randolf at ang mga kaibigan niya naglalakad papunta sa katapat ng restaurant kung nasaan kami ngayon. Pero... Bakit meron siyang kasamang babae? At akbay-akbay niya pa ang babaeng iyon, ah.
Nanikip bigla ang dibdib ko dahil sa nakita ko. Hindi ko alam kung may karapatan ba akong masaktan kasi alam ko naman na walang namamagitan sa amin para makaramdam ako ng ganito. Pero siyempre crush ko iyon, e! Matagal ko siyang minahal! Tapos ngayon makikita kong may kasama siyang babae at hindi ako iyon?
"Wait, sila Randolf ba iyong pumasok doon?" tanong ni Jane habang itinuturo ang katapat naming restaurant.
"Oo," sagot ni Rein. "Siya iyong babaeng sinasabi ko na nakita kong kasama ni Randolf kahapon," bulong sa akin ni Rein dahil magkatabi kami sa upuan.
Tama nga si Rein. Maganda nga iyong babae. Sobrang ganda, kaya siya nagustuhan ni Randolf.
"But, kung si Randolf iyan, bakit may akbay siyang girl?" tanong ni Therese na bumaling sa akin.
"Hindi ko alam," sagot kong parang maiiyak na.
"Ayos ka lang ba, Nariah?" nag aalalang tanong ni Rachel.
I nodded. "Oo naman! Bakit naman hindi?" masiglang sagot ko kahit na sa loob-loob ko, para na akong pinapatay sa sakit.
Buti na lang at dumating na iyong waiter dala ang mga inorder naming pagkain dahilan para mawala sa akin ang atensyon nila.
Kung kanina nagugutom ako, ngayon nawalan na ako ng gana. At napansin naman agad nila iyon.
"Girl, kumain ka nga! Hayaan mo na iyong si Randolf! Hindi siya kawalan!" sabi ni Jane.
Madali lang na sabihin ang mga salitang iyon para kay Jane kasi hindi naman siya ang nasa kalagayan ko. Malaking kawalan para sa akin si Randolf kasi sa kanya na halos umikot ang love life ko ngayong high school ako. Umaasa ako na bago man lang ako umalis ng high school, maranasan kong maging girlfriend niya. Pero nasira ang pangarap ko. Dahil siguro sa hindi ako ganoon kaganda para sa kanya.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
General FictionNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...