Chapter 13
#RacingHearts
"Nariah, ayos na ba ang lahat?" Papa asked.
Pinasadahan ko ng tingin ang aking kwarto. "Opo, Papa."
This is the saddest part of having a vacation in a beautiful place. Ang umalis sa magandang lugar na ito dahil tapos na ang pagba-bakasyon ninyo. Saklap diba?
Sa basement na kami nagkikita kitang lahat. Parang ayoko pang umalis, mami-miss ko talaga rito. Sasabihin ko na lang kay Mama na bumalik kami rito sa susunod.
Sumakay kami sa bangka na maghahatid sa amin sa sentro. Nasa talyer kasi ang mga sasakyan namin dahil pinatingnan nila Papa sa mekaniko para raw hindi magkaproblema sa biyahe pauwi.
Tumabi sa akin si Callian sa bangka. "Ngayon pa lang nami-miss na kita." He started the conversation.
"Para namang hindi tayo magkikita sa Manila." I laughed.
"Paano nga kung hindi?" he asked timidly.
I laughed again. Para naman siyang bata kung magsalita! "'Wag kang mag alala, sa amin naman kayo bumibili ng sweets diba? Kapag nag-order kayo, ako mismo ang magde-deliver nun sa bahay ninyo."
Nagkaroon ng saya ang mga mata niya. Kitang kita ko iyon dahil sa akin lamang siya nakatingin. "Talaga?"
"Oo nga!" I answered. "Hala, aba!" sigaw ko saka siya binatukan.
Sa sobrang tuwa niya ay napayakap siya sa akin. Dumadamoves lang yata ito, e!
Hinimas niya ang parte ng kanyang ulo na binatukan ko. "'Kala mo naman talaga," bulong niya.
Binatukan ko ulit siya. "'Kala mo naman talaga-'kala mo naman talaga ka dyan!" sigaw ko sa kanya dahil this time narinig ko na ang kanyang binulong.
"Tse!" he shouted. Inirapan ko na lang siya at bumaling sa ibang banda.
Sakto namang pagbaling ko sa aking kaliwa ay napatingin ako kay Rose. Ngumiti ako sa kanya kahit na medyo awkward ang pagkakalingon ko sa kanya.
Hala? Tama ba iyong nakita ko?
Si Rose? Inirapan ako?
Pero... hindi ako sigurado kung ginawa niya nga iyon kasi ang bilis nung pangyayari, e! Paano kung namalik-mata lang ako? Pero hindi, e! Nung pagbaling ko sa banda nila at nung nginitian ko siya ay masama na ang tingin niya sa akin. Kaya posible ngang inirapan niya ako. Pero ang tanong. . . .
Bakit?
Anong nagawa ko sa kanya?
"Hoy, Nariah!" Callian shouted.
"W-What?"
"Hindi ka naman nakikinig, e." He pouted.
"Ano nga iyon?" I asked.
"Tinatanong kita kung mami-miss mo ba ako!" he answered.
"O-Oo naman!"
Ganoon na lamang ang isinagot ko sa kanya. May bumabagabag kasi talaga sa loob ko, e. Hindi ko maiwasang mag isip kung ano ba ang nagawa kong mali. Ayoko lang kasi nung may taong galit sa akin.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
قصص عامةNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...