Chapter 37
#RacingHearts
Fuck that girl! Mabuti na lang ay nakapagtimpi ako kanina kaya umalis na lang ako doon.
"What took you so long?" asked Jane upon seeing me.
"Nahirapan lang akong hanapin kayo. Why are we here ba? This bar is so packed..." I answered habang inililibot ang paningin sa buong paligid.
Naupo ako sa vacant seat na para sa akin. I need to calm down myself. Hindi dapat masira ang gabing ito nang dahil sa baliw na babaeng iyon.
"Birthday party ito ni Marco Bautista! Invited lahat ng seniors..." Jane shrugged.
Kaya pala. Sikat na sikat sa school iyong si Paul Marco Bautista. Lalo na sa college seniors na nangangarap ng boyfriend. Paano ba naman kasi, ang gwapo!
"Tara na kasi sa dancefloor!" Therese yelled at Jane.
"Later na nga kasi!" Jane yelled back.
"Ano bang pinagkaiba nung ngayon sa mamaya?!"
"Nakakainis pa 'yung mga tao na nasa dancefloor ngayon..." replied Jane.
Tumingin si Therese sa dancefloor bago siya natahimik. Mabuti na lang. Ang kulit nilang dalawa, grabe!
Uminom na lang ako sa baso ko at hinayaan sila. Walang iced tea na isini-serve ngayon kaya napilitan akong mag-liquor.
Siguro nga 'yung sistema ko na lang ang nag-adjust para sa akin. Medyo nasanay na kasi ako sa lasa ng mga ito.
At saka, kailangan ko ito para mawala na 'yung inis ko kay Hannah. Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari, e. Muntik nang mamaga 'yung magkabilang pisngi ko sa sampal niya! Bigat kasi ng kamay, e!
"Rein..." I called.
Hindi ko naman kailangang lakasan ang boses ko dahil magkatabi kami sa upuan.
"Why?"
"Randolf's here..."
She let out a small smile. "Of course... Kailan ba naging absent sa parties iyon?"
They will not hear our conversation naman because the music right now is so loud. Dagdagan mo pa ng ingay ng mga boses ng mga tao.
"But he and his friends are coming near us!"
Wala man lang ginawa si Rein. They are civil with each other, ha.
"Hi!" sabay-sabay na bati nila Randolf nang makarating sila sa lamesa namin.
"Hello!" we—the girls—replied.
Tumango sila bago sila nakipag-high five kina Kuya Aleus.
Why are they here? Of course nandito si Paulo sa amin because of Therese so they decided to join us.
Kaya ayun, naging sobrang ingay dito sa table namin dahil sa kanila. Ang lakas naman kasi nilang tumawa! Akala mo sila lang ang tao dito.
Siniko ko si Rein. Bored naman siyang lumingon sa akin.
"Hindi ba alam ni Kuya Aleus?" I asked.
Mukhang close na close kasi silang dalawa, e. Hindi ba iyon awkward?
"Alam na niya iyon. Matagal na." Rein smiled.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
Ficción GeneralNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...