Chapter 18

1.2K 18 2
                                    

Chapter 18




#RacingHearts



"We're here," Callian said while he's stopping the music. Tumingin ako sa bintana, pero wala kami sa tapat ng bahay namin. Baka hanapin ako ni Mama! Bumaba na kami ng kotse niya at naglakad-lakad.




"Where are we?" I asked, still looking around. Well, this place naman is nice because I felt my problems were temporarily gone.




"Nasa park tayo," he replied. "Tara doon." He grabbed my arm and pulled me towards the bench. We sat down and it feels like home. Hay. Pinikit ko pa ang mga mata ko para ramdam ko ang bawat sandali.




Habang nakapikit ang aking mga mata ay nag iisip na ako kung paano ko sisimulan ang usapan naming dalawa. Kasi ang awkward lang para sa akin dahil sa sinabi niya kanina sa kotse niya. Idinilat ko na ang aking mga mata at nahuli ko siyang nakangiti habang nakatitig sa akin. Tumingin din ako sa kanya at nilabanan ko ang mga titig niya. Kahit kasi nakangiti siya, kitang-kita ko 'yung sakit at lungkot sa mga mata niya.





Biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Hindi ba pwedeng ako na lang? Nariah, ako na lang," he said, I closed my eyes para hindi ko makita ang lahat ng sakit sa mga mata niya nang dahil sa akin. "Magiging masaya ka naman sa piling ko," dagdag niya pa.






Dumilat ako at tumingin sa kawalan. "Callian, we talked about this. Akala ko ba tanggap mo?" I asked, ayokong nakikita siyang nasasaktan. Masyado siyang mabait at deserve niyang masuklian nang pagmamahal, pero hindi iyon sa akin manggagaling. Kasi hindi ko kayang tapatan ang mga ibinibigay niya.




"Hindi. Sa totoo lang hindi ko talaga tanggap na hanggang kaibigan mo lang ako...." he replied, sa paraan ng pananalita niya, mararamdaman mo ang sakit. Kasi sa mga mata niya, nakikita mo lang. Pero 'yung way ng pananalita niya ngayon mismo? Manunuot sa iyo lahat ng sasabihin niya. "...syempre kinailangan kong magsinungaling sa sarili ko, mapasaya ka lang," dagdag niya pa.





"Pero, Callian, may mahal na kasi akong iba, e," I said.





Sh*t! Ayoko pa namang magbitiw ng mga salitang mas lalong makakapanakit sa kanya. Kasi ako, bilang kaibigan niya, ayokong nasasaktan siya.




"Alam ko. Si Andrei diba?" he said, then he looked away. Sh*t talaga. Ano bang sasabihin ko para hindi siya masaktan?!



Yumuko ako at pinaglaruan ang aking mga kuko. Mas mabuti siguro kung mananahimik na lang ako at pakinggan lahat ng hinanakit niya sa akin.




"Mahal mo na ba talaga siya?" he asked. Callian naman! Bakit ba ang hilig mong saktan ang sarili mo?




I shrugged. Paninindigan ko ang gusto ko, gusto kong hindi siya nasasaktan kaya ititikom ko ang bibig ko.





He took a deep breath. "Nariah, sagutin mo naman, please? Kausapin mo ako nang maayos ngayon, don't worry, kaya ko naman ang sarili ko," he said, nahalata niyang nag-aalangan akong sumagot sa kanya kasi alam ko namang masasaktan siya. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman 'yun, at hindi rin ako tanga para dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya. Pero kung gusto niya talaga, wala na akong magagawa. He really need this. He needs to hear all of this para matauhan siya.




"Oo, Callian. Mahal ko na si Andrei," I answered.






"Sigurado ka ba dyan sa nararamdaman mo? O napipilitan ka lang na sabihin ang mga 'yan para maitaboy mo ako?"





(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon