Chapter 44
#RacingHearts
The next morning, dumaan muna kami ni Andrei sa drive thru para sa aming breakfast. Sasamahan ako ni Andrei pauwi sa bahay pero aalis din kami kaagad at pupunta sa bahay nila. Andrea texted him kasi last night na she'll bake cookies for me since wala talaga siyang time para sa mga gala.
"Nandoon si Tita Cecilia, 'di ba?" I asked habang nagda-drive na siya pabalik sa bahay nila. I'm worried.
"Nah. She's always out for something I didn't know," he replied with a shrug. Okay. Wala naman pala si Tita Cecilia so hindi ako makakatanggap ng unwelcome treatment today.
Pagkatapos mag-park ni Andrei ay sabay kaming naglakad papasok sa loob. He held my hand bago pa man kami tuluyang makapasok.
"So the both of you slept in one room last night, huh." We both halted when we heard Tita Cecilia's voice. But Andrei was quick to recover. Kitang kita ko kung paano mabilis na kumunot ang noo niya.
Nakatayo na ngayon sa harap namin si Tita Cecilia habang nasa likod niya ay si Andrea na may gustong sabihin sa kanyang kapatid. Sa kanya pala kasi nakakunot ang noo ni Andrei. Oo nga pala. Alam ni Andrea kung nasaan kami kagabi. Nagkausap silang dalawa kasi nag-worry siya for us. Pero paano naman nalaman ni Tita Cecilia na magkasama kami ni Andrei kagabi?
"She confiscated my phone!" Andrea mouthed. Ibinaling na ni Andrei ang tingin niya sa Mama niya.
"What do you want?" Andrei asked, he's cold.
Halatang nagulat si Tita Cecilia sa tanong ni Andrei sa kanya. Kahit ako rin nagulat sa inasta ng anak niya.
"Andrei," I whispered. Kahit naman iba ang pakikitungo sa akin ni Tita Cecilia, ayoko naman na binabastos siya nang ganito ni Andrei.
Napahawak sa dibdib si Tita Cecilia. "I can't believe this! You're disrespecting me now because of that girl?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Bakit ka ba ganyan, Ma?" Hindi pinansin ni Andrei ang sinabi ni Tita Cecilia.
Umayos sa kanyang pagkakatayo si Tita Cecilia habang masamang nakatingin kay Andrei. "Bakit ba hindi ka marunong sumunod? Si Hannah ang babaeng gusto ko para sa iyo!"
"Mom..." tawag sa kanya ni Andrea saka hinawakan ang kanyang braso.
"Malinaw kong sinabi sa iyo na si Hannah ang gusto ko para sa iyo tapos ngayon magdadala ka ng ibang babae ito sa bahay?" sigaw ni Tita Cecilia. Bumilis ang paghinga niya dahil sa kanyang pagsigaw.
Sa akin naman ngayon bumaling ang paningin niya. Bigla akong nakaramdam ng takot sa kanya nang magtama ang paningin naming dalawa.
"Sinasabi mong ang babaeng ito ang girlfriend mo? Really? Last time I check, nag-break kayong dalawa at hindi naman kayo nagkakausap palagi." Sa akin lang siya nakatingin habang sinasabi iyon. Medyo nanginginig na iyong tuhod ko sa takot. Ewan ko. Hindi naman ganito sa akin si Tita Cecilia dati.
"Kamakailan lang naman nakauwi dito sa Pilipinas ang anak ko tapos ngayon ay boyfriend mo na siya? Ang bilis naman yata, hija? Hindi naman talaga halatang binalikan mo si Andrei dahil may sariling negosyo na siya," Tita Cecilia continued.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa mga huling sinabi niya. Hindi totoo iyon! Hindi ko binalikan si Andrei dahil lang sa may negosyo na siya. Kung tutuusin, wala akong pakialam kung gaano pa karami iyong pera ni Andrei!
"Mom! You're being too much! Nariah's not that kind of girl. She never been like that!" sagot ni Andrei nang manatili akong tahimik.
Grabe, hindi ako makapaniwala. Bakit naging ganito na? Hindi ko akalaing magiging ganito ang tingin sa akin ni Tita Cecilia.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...