Chapter 15

1.2K 17 0
                                    

Chapter 15



#RacingHearts





Paguwi ko sa bahay, kumain muna ako saglit bago ako pumunta sa kwarto nina Mama at Papa para manood ng movie. Naiayos ko na rin pala iyong mga pinamili namin ni Manong Ron kanina sa Savemore.





Inabot na ako ng gabi sa kakanood ng iba't ibang movies habang kumakain dito sa kwarto nina Mama at Papa. Iniisip ko nga na kung puro ganito lang ang gagawin ko ngayong bakasyon ay baka tumaba ako ng sobra. Kaya naisip kong sasama na lang ako sa shop namin bukas. At saka, hindi ako naturuan ni Papa'ng mag-bake nung nasa Palawan kami. Ang sabi niya kasi mas maganda daw kung sa shop niya ako tuturuan.






TUESDAY. MARTES.





"THANK YOU po, Ma'am! Come again!" Ang saya palang maging cashier dito sa shop! Ang sayang mag-entertain ng mga customers lalo na kung i-e-entertain ka rin nila pabalik.






"Anak, if you're already tired nandito naman si Jassie para makapagpahinga ka. You know that I didn't want you to be tired," Papa said. Naturuan niya na akong mag-bake ng cake at sobrang happy ako dahil doon!






"No, thanks, Papa. Kaya ko pa naman po at saka sobra po akong nag-e-enjoy sa position ko today dito sa shop." I smiled at him.






Iyong leche flan ay parang si Papa, sobrang sweet niya tapos napakaalaga sa anak. Napakaswerte ko dahil meron akong tatay na katulad niya. Iyong leche flan huwag niyong intindihin iyon, nag-c-crave lang ako doon ngayon.





"Aalis muna ako, Nariah. May meeting ako with a big client. Kailangang ako ang umasikaso nun." Hinalikan niya ako matapos niyang sabihin iyon sa akin.






Umalis na si Papa kaya naman inayos ko ang nasa paligid ko para hindi masira ang araw ko. Pagkatapos ay nakipagkwentuhan lamang ako sa mga employees na nandito at nag-s-summer job. Tuloy-tuloy lang ang pagpasok at paglabas ng mga customers dito sa shop namin kaya nakakapagod pero masaya ang peg ko today. Hanggang sa pumasok sa entrada nitong shop ang mga taong magpapasira sa makulay kong araw ngayon.







"Good morning, Ma'am and Sir! Welcome to Beda's Bakeshop!" bati nung isang staff namin sa customers na bagong dating.







Bumaling ako kay Jassie na nasa tabi ko. "Jassie, punta lang ako sa office ni Papa."






"Sige, Nariah." Kaya naman siya na ang pumalit sa pwesto ko.







Naglakad na ako papunta sa maliit na office ni Papa na nakapwesto dito sa likod ng kitchen dito sa shop. Umupo ako sa swivel chair ni Papa at ipinaikot ikot iyon. Medyo gumanda naman ang mood ko nang huminto ako sa pagpapaikot nitong swivel chair. Sino ba kasi ang babaeng iyon? Bago lang ang mukha niya para sa akin. Ngayong araw ang pangalawang beses kong pagkakakita sa kanya.






Hindi kaya. . . . .







Andrei's flirting with her?







Naipitik ko ang aking daliri. Oo! Oo, Nariah! Posible nga iyong naisip ko!







Nag iba tuloy ang pakiramdam ko kay Andrei. Iyong "kadiri" feeling na naman. E kasi naman iba ibang babae ang makikita mong kasama niya araw-araw. Nung malapit na ngang matapos ang school year tapos kilala ko na siya, ang dami kong nakikitang babaeng kasama niya at ng barkada niya pero hindi ko na lamang pinapansin. Pero ngayon, minsan kasama ko si Andrei ng solo lang. Hindi kaya isinama niya na rin ako sa listahan niya ng mga babaeng pampalipas oras lang?







(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon