Epilogue
#RacingHearts
So, Andrei will be spending holidays with us since his whole family was in Hong Kong as of the moment. Buti nga hindi nagalit si Tita Cecilia nung hindi sumama sa kanila si Andrei, e. Ang sabi naman ni Andrei ay okay lang iyon kasi matagal tagal din siyang tumira sa Hong Kong.
And that also means na sa bahay siya natutulog. Sa bahay na talaga muna siya pinatulog nila Mama kasi mag-isa lang siya doon sa bahay nila since wala rin doon ang mga katulong nila kasi nga holidays. Kaya more than a week kong nakikita ang pagmumukha ni Andrei.
"You planned this noh? Para one week straight mo akong makikita?" I asked.
He laughed. "Of course not! Ikaw ha!" He pinched my nose. Hinampas ko naman siya kasi ang sakit nun!
"Nariah, can I give you a task? Wala kasi sila Manang dahil may pinagawa ako..." Mama appeared out of nowhere.
"Yeah, Ma. Sure," I replied as I stood up. "Ano po ba iyon?" I asked.
"Can you buy all of these on supermarket? Ingredients para sa handa natin for tonight..." Mama smiled. Media Noche naman kasi mamayang gabi.
"Sige po, Mama."
"Kailangan iyan before 10 ha. Sige, ingat kayo," she said before she went to their room.
It's already eight in the evening so may two hours pa kami para bumili. At saka bukas pa naman yata ang mga supermarket ngayon.
Ako iyong may hawak ng listahan at tagalagay sa cart tapos si Andrei naman iyong nagtutulak.
"This feels nice noh," he said habang hinahanap namin kung nasaan ang table napkin.
"What?"
"This. You. Me. Us. Buying stuffs together. It just feels nice," he said with a smile on his face.
Lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinasabi niya. Minsan talaga ang babaw ng happiness nito. Nang matapos na kami sa pag-iikot ay nagpunta na kami sa cashier para makapagbayad. Dumaan naman muna kaming dalawa sa isang coffee shop kasi pareho na kaming nauuhaw.
Sakto lang naman kami sa oras na ibinigay ni Mama dahil 10 o'clock talaga kami nakauwi. Biglang naging busy sa bahay dahil sa preparation sa new year.
"Nariah..." Mama called me.
"Mama... I'm sorry I didn't heard you knock," I replied as I removed the earphones in my ear.
"No. It's okay." She smiled before she sat down in my bed. "Wear your best dress tonight, okay?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit po?"
She shook her head. "Just wear it." She smiled at me before she left. Iyon lang pala ang dahilan kung bakit siya pumunta dito sa kwarto ko.
Tumayo ako at tumingin sa closet ko para hanapin iyong best dress ko. It took me fifteen minutes to pick a best dress. It was a white dress na never ko pa yatang naisuot.
Kumain muna kami bago naghintay sa bagong taon. Sobrang saya ng gabi naming lahat! Sumalo rin sa amin sa pagkain sila Manang kaya naman naging sobrang saya. May photo takings pang naganap bago kami pumunta sa rooftop para sa countdown.
"How did this... happened?" I asked. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko sa nakikita ko.
Nandito rin kasi sa rooftop iyong pamilya ni Andrei at saka iyong pamilya ko. Kumpleto silang lahat dito. Paanong... Nahuli kasi akong pumunta dito sa rooftop dahil kinuha ko pa iyong phone ko sa kwarto ko tapos ito na iyong nadatnan ko.
"Mom decided na dito kami mag-celebrate ng New Year..." Andrea said with a shrug. I looked at Tita Cecilia and she was smiling at me! Oh my gosh!
Naglakad siya palapit sa akin saka ako niyakap. "I'm sorry sa mga kasalanan ko sa iyo," she whispered against my ear. Nangilid tuloy iyong mga luha ko kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit.
"Happy holidays!" she greeted me after she broke the hug.
"Happy holidays, Tita!" I greeted her back.
Nagsimula silang sindihan iyong mga fireworks kaya sobrang makulay sa langit ngayon. Konting oras na lang talaga ang binibilang, bagong taon na.
"5... 4... 3... 2... 1! Happy new year!" sigaw naming lahat. Sobrang ingay na sa buong paligid dahil sa iba't ibang klaseng paputok at mga torotot.
Nagyakapan kaming lahat habang binabati ang isa't isa. Iba talaga ang saya kapag magkakasama kaming lahat.
"Happy new year, Nariah! I love you!" Andrei greeted me. I turned to him and hugged him tight.
"Happy new year, Andrei! I love you!" I replied habang nakayakap pa rin sa kanya.
Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at saka dahan-dahang lumuhod sa harapan ko. Oh... Oh my gosh?!
Naitakip ko ang dalawang palad ko sa bibig ko dahil sa gulat. Is this really happening?! Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at nakita ko silang lahat na nakangiti sa akin. Pati sila Mama at George ay nakangiti sa akin.
Oh my gosh!
"Nariah..." Andrei said as he put the small box out of his pocket. "When the first time I saw you walking by our classroom, I was immediately caught up by your beautiful face. And then I saw you again... sitting in one of the benches in our school field. I was just few meters away from you that time because we were having activities in our PE class so I was also in the field but you didn't see me. While I was staring at you from afar, I really want to tell you how beautiful you were from where I'm standing but I couldn't. Alam ko kasi na gusto mo si Randolf nun..." Andrei shrugged. Iyong mga luha ko... Grabe wala silang tigil sa pagtulo. Nakakaiyak iyong mga sinasabi ni Andrei kasi!
"I'm so in love with your smiles. I'm so in love with how you laugh. And I really love you for being you. It's true that you can fall in love with someone over and over again. I didn't realize that until we are together officially. I'm sorry if I had to leave you before. I promise that I won't leave you anymore. Promise!"
"Ang tagal mo naman, Andrei!" Manang shouted at the back. Na-interrupt iyong speech ni Andrei dahil sa sigaw na iyon ni Manang. Tumawa naman silang lahat na nanonood pati na si Andrei.
"Ito na po, Manang!" Andrei replied habang natatawa pa rin.
Pinunasan ko naman muna iyong mga luha sa mata ko. Grabe na kasi talaga iyong iyak ko, e!
"Nariah Jewel Beda, my beautiful girlfriend, are you willing to wear my surname and be my wife?" Andrei asked pagkatapos niyang buksan ang box.
Nagpunas ulit ako ng mga luha bago sumagot. "Of course! Yes!" I answered. Isinuot niya na ang singsing sa daliri ko saka siya tumayo para yakapin ako.
"I love you so much!" I whispered against his ear while we're hugging each other.
"I love you more!" He planted soft kisses on the top of my head.
Naghiyawan naman ang lahat ng nanonood sa amin. Lahat sila ay sumisigaw ng congratulations para sa aming dalawa ni Andrei.
Tinitigan ko ang singsing na nakasuot na sa daliri ko. Napakaganda nito. Sobrang gandang salubong nito sa bagong taon!
"Sobrang mahal kita, Nariah..." Andrei whispered against my ear at nagpaulan na naman ng mga halik sa ulo ko.
I am so ready to turn the next pages of my life. I am so ready to proceed on the next chapters of my life with my family and of course, with Andrei.
"You already made my year, Andrei. I love you so much..." I replied as we looked up to the sky to watch for the colorful fireworks.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
General FictionNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...