Chapter 7

1.6K 24 4
                                    

Chapter 7



#RacingHearts




Isang araw na simula nung tuluyan akong umiwas kay Randolf. Isang araw na. Ay mali, isang araw pa lang pero grabe na ang ginawa kong pagtitiis.



Sabi nga, wag masyadong ma-attach para sa dulo hindi ka mapa-ouch. Buti na lang nandyan ang mga kaibigan ko para matulungan ako sa ginagawa kong ito.




At saka mas mapapadali na rin akong maka-move on kay Randolf kasi isang araw na lang, bakasyon na! Huwebes ngayon at sa tingin ko wala na talagang gagawin. Pumasok na lang kami para sa attendance.



Nandito kami ngayon sa room, nagkukwentuhan, nagtatawanan at kung anu-ano pa.



"Uy ikaw, Nariah, ah! Nagiging close na pala kayo ni Andrei, ha!" panunukso sa akin ni Jane.




"Ha? Hindi, ah!" sagot ko.





"Sus! E may nakakita nga raw sa inyong dalawa nung martes na magkasamang lumabas ng school!"




Huh? Anong pinagsasabi nito?




"Magde-deny pa, e!" panunukso rin sa akin ni Rein.




Inisip ko kung ano ba iyong sinasabi nila....



Ah! Baka iyon yung sinama niya ako sa isang ice cream parlor! Ang dami ko kasing iniisip ngayon, e, kaya hindi ako makasabay sa pang-aasar nila sa akin.





"Ano naman kung may nakakita sa amin? Sinama niya lang naman ako sa isang ice cream parlor, ah!" sagot ko sa kanila.






"Naks! Nagddate na pala kayo, ah!" panunukso na naman ni Jane.




"Date? Anong date? Hindi, ah! Sinama niya lang ako roon para mabawasan iyong bigat na nararamdaman ko nung araw na iyon!" sabi ko saka inirapan siya.





"Okay! Fine!" sigaw niya at inirapan din ako.




"Saan kayo magba-bakasyon?" tanong ni Therese.





Lately, itong si Therese hindi na siya masyadong nakiki-join kila Jane sa tuwing nagpapacute sila sa mga gwapong lalaki.



Siguro mahal niya na si Paulo at nag-let go na rin siya doon sa dati niyang crush kasi hindi siya pinapansin nito.




Malapit nang magkaroon ng lovelife itong si Therese! Sana lang hindi siya saktan ni Paulo gaya nang ginawa sa akin ni Randolf.




"Pupunta kami sa Cebu sabi ni Mama," sagot ni Rachel sa tanong ni Therese sa amin.



Kami naman, pupunta kami sa Palawan. Doon ang napagdesiyonan nila Papa at Mama na puntahan. Ako naman sobrang excited na kasi alam kong maganda roon! At siguro talagang mageenjoy ako!





Nagwwave si Rein sa mukha ko at sinisigawan na rin ako.



"Uy! Ano ba? Tulala ka na naman! Tinatanong ka ni Jane, oh!" nakakabinging sigaw ni Rein.





"Sorry naman! Ikaw, grabe ka talaga!" sigaw ko rin sa kanya.




"Wag nga kayong magsigawan! Magkakatabi lang naman kayo!" sita sa amin ni Therese.




Nag-peace sign na lang sa kanya si Rein saka bumaling sa akin at inirapan ako.




"Saan ka nga magba-bakasyon, Nariah?" Jane asked.




(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon