Chapter 23
#RacingHearts
Ilang araw na akong hindi makagalaw ng maayos sa school dahil sa mga babaeng pinagtsi-tsismisan ako. Hindi naman kasi ako sanay sa ganoon.
Si Hannah naman ay hindi ko pa rin nakikita. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa issue na kinakalat niya dahil pinagpi-piyestahan na talaga ako ng mga babae dito sa school.
"Nariah, okay ka lang?" Rein asked.
Napangiwi ako sa tanong niya. "Kinda..." I answered. "Nasaan ba sila Jane?"
Pagkatapos kong magtanong kay Rein ay dumating sila Rachel, Jane at Therese nang nagtatawanan. Galing na naman sila sa canteen kasi ang dami na namang pagkain ni Therese.
Patuloy pa rin sila sa pagtatawanan, kami naman ni Rein ay hindi makasabay sa pinagtatawanan nila dahil hindi naman sila nagku-kwento.
"Buti pa kayo ang saya-saya ninyo," I pointed out.
Nakakainggit kasi 'yung kasiyahan nila. Kung tumawa kasi sila parang ang saya-saya lang ng buhay. 'Yung parang walang problemang naghihintay sa kanila pagkatapos nilang tumawa.
Niyakap naman ako ng mahigpit ni Rachel. "Matatapos din 'yan, girl," she said.
"Hang out kaya tayo, girls!" Jane suggested, then she sat down the bench.
Agad namang silang pumayag sa gusto ni Jane. But I don't think it's a good idea for me to hang out. "I... I can't go with you, girls," I said. "I'm sorry."
"Aww. Sama ka na, girl! Para naman makalimutan mo nga problema mo temporarily!" Therese said.
"Ayoko talaga—"
"Come on, Nariah!" Jane said, cutting me off. "You need this! Sama ka na, please?"
"I am just not in the mood to hang out."
Hanggang sa nagpaalamanan na kami sa isa't isa ay pinipilit pa rin nila akong sumama. Pero no lang ako ng no, I just need some time to rest for myself.
Pagdating ko sa bahay ay nakasalubong ko si Manang na naglalakad palabas ng bahay at napansin kong mayroon siyang dala-dalang dustpan na may nakalagay na bubog.
"Ah... Manang, bakit po nagkaroon ng bubog?" I asked, while pointing in the dustpan.
"Nabasag kasi, Nariah." Itinapon na ni Manang ang mga bubog sa trash can at nagsimulang maglakad, kaya naman sumunod at sumabay ako sa kanya.
"Ganoon po ba?"
She nodded. "Oo, ano? Kamusta naman ang eskwela? Mataas ba ang grades mo?" she asked.
"Opo, Manang, ganoon pa rin naman po," I answered.
"Naku, ang tali-talino mo talagang bata ka. Sigurado akong maganda ang kinabukas—"
Naputol ang kanyang pagsasalita nang may narinig kaming nabasag mula sa itaas. Malapit na kami ni Manang sa kusina nang may marinig kaming nabasag.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
General FictionNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...