Chapter 28
#RacingHearts
Days have quickly passed by and our examination is really near! To the point na ang dami nang aligagang students sa field, ang daming tumatakbo papunta sa lib kaya ramdam na ramdam na talaga ang stress ng bawat students. Pati na rin kami ay halos tumira na sa library dahil sa dami nang oras na ginugugol namin sa pagre-review. Hindi namin kasi dapat balewalain na lang itong exam na ito kasi magtatapos na kami ng junior high.
"Gab," Joshua silently called Gab na katabi ni Andrei at seryoso sa pagbabasa. "Gab!" Unti-unti nang lumalakas ang boses ni Joshua kaya nairita si Andrei.
"Can't you just focus on what you are reading? Napakaingay mo," Andrei said then turned his eyesight back to his book.
"I'm hungry! Hindi naman pwedeng itong libro ang kainin ko." Hinimas pa ni Joshua ang kanyang tiyan pero walang nakinig sa kanya, lahat ay tutok sa binabasa.
After five minutes of quietly reading, napatingin kami sa isa't isa nang biglang tumunog nang malakas ang tiyan ni Joshua—sign na nagugutom na talaga siya. "Oops, sorry!" Joshua said.
Napakamot naman sa ulo si Chris. "Sige na nga, tara na, gutom na rin ako." He stood up his chair so walang kaming nagawa—lalo na si Andrei—kundi ang sumunod sa kanila dahil baka nga iyong libro na ang kainin ni Joshua sa sobrang gutom!
We decided to eat in a samgyupsal place sa Mall dahil doon gustong kumain nang napaka-arte, palaging gutom, at makulit na si Joshua. Though, naiinis na talaga si Andrei kasi bakit pa raw kami sa malayo kakain kung pwede namang doon na lang malapit sa school. Hay, these crazy boys! Hindi mo maintindihan ang mga mood, e.
As we are having our merienda, Andrei's still in a bad mood. Siguro he has his time of the month? Kidding! Ang sungit niya kasi masyado kaya kahit ako medyo nasusungitan niya.
"Nakaka-stress talaga sa tuwing malapit na ang examinations!" sambit ni Rachel habang hinihilot ang kanyang sentido.
Great. She just mentioned it. Nahahawa na tuloy ako sa stress niya!
Ang lahat ay nabigla nang tumayo si Andrei at nagpaalam sa aming lahat. "May iche-check lang ako sa kotse," he said before he left.
So, napatingin naman sila sa akin nang may bahid ng pagtataka sa kanilang mga mata. They all gave me the you-should-follow-him look. Gagawin ko naman talaga iyon! Nag-hang lang ako saglit.
While I was on my way in the mall's parking lot, I am thinking of something to do for him. Like, having a date with him. Kaso baka hindi siya pumayag. Nadatnan ko si Andrei na nakatayo sa gilid ng pinto ng driver's seat. Hinihilot niya ang kanyang sentido habang naka-kunot nang sobra ang kanyang noo. I stayed in my place and watched him. Huminto siya sa paghilot ng sentido saka tumalikod.
I walked silently towards him. Tahimik din akong sumandal sa sasakyan. "Need an ears to listen to you?"
Dahil sa gulat ay mabilis na napaharap sa akin si Andrei. Akala ko susungitan niya ako. He continued to stare at me kaya medyo nailang ako. Baka kasi hindi niya ako gustong kasama ngayon. "Yes, please..."
Tinignan ko siya sa mga mata niya. Ipinaparamdam kong nandito lang ako at handa akong makinig sa mga problema niya. But, he just stared back at me. He's not saying anything, so instead of pilitin siyang mag-open, lumapit na lang ako sa kanya at saka siya niyakap. Ng mahigpit. Mas kailangan niya kasi iyon.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
General FictionNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...