Chapter 20

1.2K 21 2
                                    

Chapter 20



#RacingHearts




Mabuti na lang at hindi na nila ako masyadong tinutukso kay Andrei. Hirap naman kasi nung 'yung taong gustong-gusto mong iwasan e lapit naman nang lapit sa iyo.






"Nariah!" Andrei shouted, narinig 'yun nila Jane kaya binigyan nila ako ng makahulugang ngiti. Sumabay si Andrei sa amin sa paglalakad. "Hi, girls!" he greeted us, so they gave him a smile. Ako naman ay nakatingin lang sa daang tinatahak namin.







"Uy, Andrei, join ka ba sa amin ngayon?" Jane asked, siguradong may paandar na naman 'yang babaeng 'yan.






"Oo...sana. Kung ayos lang sa inyo," he said while scratching his nape. And I found it sexy as fuck!






Nariah, tigilan mo 'yang feelings mo!





Jane smiled widely. "Sure! Ikaw pa ba? Dapat isinama mo na rin sila Chris," she said at bumungisngis.






"A-Ah, next time isasama ko sila," Andrei replied.






Tumingin siya sa akin at ngumiti so I gave him a glance. "You're so silent," he noticed.







I just shrugged my shoulders. "A-Ah, Jane, CR muna kami ni Rein. Sunod din kami sa canteen," paalam ko kila Jane. Si Rein naman ay binigyan ako ng nagtatakang tingin. Hinawakan ko na lang ang pulso niya saka siya hinila palayo kila Andrei.








Hindi kami pumunta sa CR, dahilan ko lang 'yun para makalayo kay Andrei. Hindi ko gustong kasama si Andrei, parang na-su-suffocate ako kapag nandyan siya at sobrang lapit pa sa akin.







Sa room ko dinala si Rein, wala namang tao dito kasi nasa baba silang lahat. Nawalan na rin ako ng ganang kumain. Si Rein naman ay talak na nang talak kasi nagugutom na raw siya ng sobra tapos wala pa raw siyang dalang pagkain.






"Bakit ba kasi tayo humiwalay sa kanila, Nariah?!" galit na sigaw niya.







Galit lang siya kasi gutom na siya, kaya naman lumapit ako sa bag ko at kinuha ang Waffle Deluxe na tanging pagkain ko sa bag. Binigyan ko siya ng dalawang piraso para matahimik siya, kumuha naman ako ng isa para sa sarili ko.







Tahimik lang siyang kumakain sa tabi ko kaya hindi na ako nag-alangan na mag-kwento sa kanya. Ngayon na siguro ang tamang oras para sabihin ko 'yung problema ko sa love.






"Rein..."







"Hmm?" Kumakain pa rin kasi siya hanggang ngayon. Paano ko ba sisimulan ang pagkwento?






Sasabihin ko ba agad na gusto ko si Andrei? Ang hirap!






"May crush ako," I said. Sana naman 'wag maging OA ang reaction niya.





"Tapos?"






I took a deep breath and convinced myself na kaya ko 'to! "Nahulog na yata ako sa kanya," I continued. "Kaso ayoko nang masaktan ulit." I sighed.







Tinapos niya muna ang kinakain niya bago siya nag-focus sa akin. "Anong gagawin ko?" she asked, natawa naman ako saglit. Alam mo 'yung feeling na hindi mo alam kung saan ka magsi-simulang mag-kwento tapos ganyan 'yung itatanong niya? Pinagaan niya lang 'yung vibe kasi halata namang problemado ako.







(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon