Chapter 10
#RacingHearts
Pagbalik namin sa hotel ay naabutan namin si Papa na nakikipag-usap kasama sila Tito Boghartt at ang iba pa sa isang restaurant dito. Nakisali sa kanila sila Mama, Tita Giselle, at Tito Ramuel na kasama sina Denisse at Mick. Samantala, nagpaalam naman ako kay Mama kung pwede bang mauna na ako sa suite dahil napagod talaga ako sa ginawa namin kanina lang at pumayag naman siya.
Sina Denisse at Mick lang pala ang maiiwan kasama nila habang kami naman nila Ate Francia at ang iba pa ay kasalukuyang tinatahak ang landas papunta sa elevator.
Binasag ni Ate Francia ang katahimikan. "Movie marathon tayo mamayang 1 pm? Ano sa tingin niyo?"
Maganda ang idea na naisip niya kaya ang lahat ay sumang-ayon. "Sa suite niyo ba tayo mamaya, Ate?" I asked Ate Francia.
She nodded. "Yup," she answered at inakbayan ako.
Nang tumunog na ang elevator hudyat na nasa tamang floor na kami, lumabas na kami at nagpaalamanan na sa isa't isa.
"Mamaya, guys, ah!" pagpapaalala ni Ate Francia.
"Sige, Ate!" sagot ko.
Maglalakad na sana ako papunta sa aming suite nang may lalaking humarang sa dadaanan ko. "Sabay na tayong pumunta sa suite nila mamaya," pag anyaya sa akin ni Callian.
Tiningnan ko siya sa mata saka ako nag iwas ng tingin. Hindi ko kayang matagalan na tignan ang mga mata niya dahil naiilang ako.
"S—Sige," tanging iyon na lamang ang naisagot ko sa kanya kahit na ayaw ko siyang makasabay.
"Hintayin kita mamayang 1, abangan kita sa tapat ng pinto namin," he said then he winked at me.
"Okay," I awkwardly said.
Matapos ang pag-uusap na iyon ay dumiretso na ako sa suite. Tumuloy ako sa aking kwarto saka naghanda ng damit dahil maliligo ako.
Pagkatapos kong maligo, naglagay ako ng lotion at kung ano-ano pa sa aking katawan. Nagpatuyo ako ng buhok saka ako humiga sa kama. Saka ko lang naramdaman ang sobra sobrang pagod nang makahiga ako. Nagmuni muni lamang ako ng saglit at hindi ko namalayang nakatulog ako dahil sa kapaguran.
NAALIMPUNGATAN ako at nagising nang bandang twelve thirty na ng hapon. Nakaramdam agad ako ng gutom kaya dali-dali akong tumayo sa kama at inayos saglit ang sarili saka lumabas ng aking kwarto. Pagkalabas ko ay nadatnan ko sina Mama at Papa na masayang nanonood ng isang movie. Naramdaman ni Mama ang aking presensya kaya nilingon niya ako mula sa pagkakaupo niya sa sofa.
"Oh, anak, kumain na kami ng Papa mo kanina pa. Hindi na kita ginising dahil mahimbing ang tulog mo't mukhang napagod ka," Mama said.
"Kumain ka na, anak, at may gagawin daw kayo kila Francia mamaya," Papa said.
Nagulat naman ako dahil alam niya ang tungkol doon. "Sino pong nagsabi sa inyo?"
"Dumaan kasi kaninang alas dose iyong isang anak na lalaki ni Ramuel dito, Callian yata ang pangalan nung lalaking iyon. Tinatanong niya kung nasaan ka raw, ang sabi ko naman ay natutulog ka kaya sinabi niyang babalik na lang daw siya dito mamaya para sunduin ka dahil may gagawin nga raw kayo kila Francia," Papa answered.
Umupo ako sa isang upuan sa aming dining area na katapat lamang ng sala kung saan nakalagay ang mga sofa at ang TV. "Ah, sige po."
"Ano ba naman iyong batang iyon? Ang lapit lapit lang ng suite nila Francia mula dito, e, susunduin ka pa niya. Kailangan ba sabay kayo ng batang iyon?" tanong ni Papa.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
General FictionNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...