Chapter 14
#RacingHearts <= Use this hashtag for easier stalking!
"NARIAH?!" Naglakad siya palapit sa akin. "God! I miss you!" he said and then he hugged me.
His hug lasts for a minute. Hala. Grabe naman itong si Callian! E magkasama pa nga kami kahapon, e! OA naman iyong reaction niya ngayon.
"Ehem." Kunwaring matindi ang ubo ni Andrei dahil ang lakas nun at ang tagal.
Bumaling ako sa kanya. "Didn't know that you have cough." Pinagtaasan ko siya ng kilay matapos kong sabihin iyon.
Mukhang nagpapapansin lang siya sa akin kasi nahinto nga naman kami dito sa gitna ng second floor dahil kinakausap ako ni Callian.
"Yeah, hindi mo lang napansin na meron," Andrei answered.
"Tsk," Callian said. I looked at him this time. "Ano nga palang ginagawa niyo rito?" he asked.
"Ah, mag—" Hindi ko na natuloy ang isasagot ko kay Callian nang sumingit na naman si Andrei.
"Pakialam mo ba?" Bumaling na naman ako kay Andrei at nakita ko siyang sa iba naman nakatingin at hindi kay Callian.
Para siyang baliw na umuungot sa gilid naming dalawa ni Callian. Para siyang bata na binabara ang plastik niyang kaaway. Naku, Andrei! Isang ganyan mo pa...naku!
"Mag—" Hindi ko na naman naituloy dahil na naman kay Andrei.
"Magd-date kami, bakit? Kung wala namang kwenta ang mga sasabihin mo kay Nariah ay aalis na kami!" Hinawakan niya ang aking pulso at umastang aalis na kaagad kami nang ganon-ganon na lamang.
Ngunit bago pa man kami makalagpas kay Callian ay hinarangan niya na si Andrei. "Bro, we're still talking! Can't you see? Sumisingit ka palagi sa usapan naming dalawa ni Nariah, e! Hindi siya nakakasagot ng maayos sa mga tanong ko because of you! Don't be rude."
"Well, sorry, because we need to go now. We have some important things to do, so, get off! Plus, don't call me "bro" because you're not my friend," masungit na sagot ni Andrei kay Callian at hinila na naman ako pero nakaharang pa rin si Callian.
"Oh, but we still have to talk about something important. Hindi ba makakapaghintay iyang gagawin ninyo?"
Andrei smirked at Callian. Hala. Hindi pa ba sila titigil? Kung titignan ang mga hitsura nila mukha na silang magsusuntukan, e!
"Sorry, but, we need to go." Hinila ako ni Andrei papunta sa ibang direksyon upang makawala na kay Callian.
Hala. Grabe naman itong si Andrei! Ipinagpipilitan niya talaga kay Callian na meron kaming gagawin na importante kahit wala naman. Nakakabastos iyon para kay Callian! Ite-text ko na nga lang siya.
Kinuha ko ang aking cellphone mula sa handy bag na dala ko. Magso-sorry ako kay Callian para sa inasta ni Andrei kanina. Meron akong number niya dahil binigay niya ito sa akin noong nasa Palawan kami kahit na hindi ko naman hinihingi sa kanya.
To: Callian
Callian! I'm so sorry for what happened earlier. Huwag kang mag alala, ako na ang bahala kay Andrei. Sorry ulit!
Message sent! 12:45pm.
"Hey!" Tumingin ako sa kanya. Mukhang kanina niya pa ako kinakausap at kanina pa ako hindi sumasagot dahil nga tinext ko si Callian.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
General FictionNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...