Chapter 16
#RacingHearts
"I-I don't know." I grabbed Rein's arm and pulled them away from Andrei.
"Here! Alis muna ako, aasikasuhin ko lang iyong ibang bisita." Jane quickly left us so we sat down and let ourselves enjoy the night. Our place is nice because Andrei is out of Rein and Therese's eye sight.
Kasama namin sa table ang ilang cousins ni Jane na medyo close na namin. And they are talking so loud. Pare-pareho talaga silang magpi-pinsan. It's really nice to join them kasi puro lang sila tawa. And, mukha silang may pinopormahan na babae kasi nagtutulakan na sila habang nagtatawanan.
"Hey, girl! Why are you silent?" Therese asked, she was so energetic tonight. Nakarating pa siya sa ibang dako because of her other friends.
"Nothing," I lied, actually, I am uncomfortable because of Andrei's presence here. I think Jane's really wanted to get Chris's attention so she invited Andrei's company here.
She arched her eyebrows. "Weh?" Tignan mo 'to, magtatanong tapos hindi maniniwala. Kaya minsan mas magandang manahimik ka na lang kapag may itinatanong sa iyo, e.
Si Rein naman maya't maya ang pagkuha ng pagkain. Meron namang pagkain na sini-serve sa bawat table pero kuha pa rin siya nang kuha. Tapos puro mga matatamis na pagkain pa iyong kinukuha niya, tataba talaga ito.
"You know what? I am still curious of who the heck is the girl earlier," Therese creased her forehead.
"Sinong babae?" I asked, I looked at Rein and she's happy with her foods right now. She's like a kid who's contented with what she has.
"The girl na kasama ni Andrei! I don't like her." Uminom muna ako ng tubig sa aking baso bago ko siya sagutin.
"So what naman kung hindi mo siya gusto? As if she cares about you." Uminom ulit ako ng tubig then I crossed my arms. Ganito talaga kami ka-straightforward sa isa't isa and sanay na kami sa ganoon.
Therese rolled her eyes. "Duh, syempre ikaw ang gusto ko para kay Andrei. So, appreciate me, please?" She laughed, well, silang tatlo nina Jane at Rachel ay magaling sa shipping. Minsan pina-pares nila kaming dalawa ni Rein sa mga lalaking kilala nila, without them knowing syempre.
"I think kailangan mo na ng lalaki sa buhay mo, para kasing minsan ka na lang ngumiti at madalas kang nakabusangot since pinaasa ka ni Randolf," Rein said while her mouth is full. Argh, this girl! Kapag trip niya talagang lumamon nakakalimutan niya na don't talk if your mouth is full. Because, duh, her speeches and whatnots can wait!
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "You think so?" I laughed. "Nagsalita ang babaeng may boyfriend." Nagpangalumbaba ako and pinagalitan ako ni Therese na bawal daw iyon sa hapagkainan. Alam ko naman iyon! Nakalimutan ko lang.
The music stopped so that caught the visitors' attention, and I saw Jane's mom while she's pushing a cart where the big and tall cake is standing. Wow! The cake is so beautiful! It perfectly suits Jane.
So we started to sing "happy birthday" for Jane. Si Jane naman iyak lang nang iyak, wala na siyang pakialam kung mabura ang makeup niya. Napatingin tuloy ako sa box na hawak ko. Hindi ko ito inilagay doon sa table na in-assign para lagyan ng mga gifts, gusto ko kasing personally ibigay ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
قصص عامةNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...