Chapter 45
#RacingHearts
"Ma..." I called her. Nandito ako sa kwarto niya kasi na-miss ko siya. Sobrang dami na kasing ginagawa sa work kaya kahit nagkikita naman kami ni Mama araw-araw e hindi naman kami nakakapag-usap. "Sa tingin mo, si Andrei na iyong lalaki na para sa akin?" I asked.
Her forehead was slightly creased. "Why? Are you still doubting it?" she asked. Natigilan naman ako sa tanong niya.
"H-Hindi naman po, Ma. Pero kung hindi naman pala siya ang para sa akin, saka lang ba siya aalis kapag naibigay ko na ang lahat?"
Kasi ayoko nang mabuo para lang mawasak ulit. Natatakot akong mahalin ulit si Andrei nang sobra-sobra kasi baka bigla na naman siyang umalis. Baka may gawin na naman ang tadhana para paghiwalayin kaming dalawa. Baka hindi ko na kayanin. Baka tuluyan na talaga akong lumubog.
She nodded her head, trying to understand my thoughts. "But what if he's the one?"
Natahimik ulit ako. Paano nga kung siya na talaga? I know that it's really unfair in his part kasi ang dami ko pa ring uncertainties. But what should I do? Nagkakaganito ako because of love. Love can make you doubt the love. And it sucks.
"Sweetie, you didn't know how your eyes sparkle with love whenever you are with him. You didn't know how lovely your smiles are whenever he's telling you his nonsense stories." Mama smiled at me as she was running her fingers against my hair. "Alam ko iyon dahil napapanood ko kayong dalawa minsan."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko ng mahigpit si Mama. "So don't you ever tell me that it isn't love because it is." She kissed the top of my head kaya naiyak na talaga ako. Love ko talaga 'to si Mama!
"Mag-ready ka na, mamaya na iyong Christmas reunion ng family ni Andrei 'di ba?"
I nodded first before I stood up. "Punta na po ako sa kwarto ko. Thanks sa time, Ma!" I said with a smile.
"That is what mothers should do," she replied with a shrug.
Umalis na ako sa kwarto ni Mama at dumiretso sa kwarto ko. I took time to prepare. I want to be presentable and likeable at the same time. I want his whole family to like me. Sawa na ako sa mga kontra sa love life namin ni Andrei.
As I was styling my hair, my phone rang because of a call. I answered the call and put it on loudspeaker para maituloy ko ang ginagawa ko.
"Nariah..." Andrei said in the line.
"Yeah?"
"I miss you," he replied.
"Hala ang arte mo! Two days lang naman tayong hindi nagkita!" We decided kasi na ngayong Saturday na lang ulit magkita para naman makapag-focus kami pareho sa mga business na pinapatakbo namin. Baka kasi imbes na magustuhan na ako ni Tita Cecilia e mainis na naman siya sa akin kasi distraction ako kay Andrei. Ayoko naman ng ganoon. Syempre work muna bago ang love.
He laughed. "Punta na ako diyan ngayon."
I creased my forehead. I looked at the wall clock and I saw that it's just 3:45 in the afternoon! Five pa kaya iyong reunion!
"Aga pa ah," I said.
I heard him sigh in the other line. Ano problema nito? "Miss na kaya kita. Punta na kasi ako diyan ngayon... please?"
I rolled my eyes though hindi naman niya iyon makikita. "Fine. Tatapusin ko na lang itong makeup ko."
"Okay, okay. I'll be right there!" he said before he ended the call. Napailing na lang ako sa kakulitan ng lalaking iyon!
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
General FictionNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...