Chapter 3

2.1K 33 3
                                    

Chapter 3

#RacingHearts



Nakakainis lang na pagkatapos niyang tanungin akong mag date sasabihin niya sa akin na hindi siya sigurado sa nararamdaman niya para sa akin! At ayaw niya raw akong paasahin! E anong tawag sa ginagawa niya? Experiment kung effective iyong pagpapakilig niya?



Kahit na matagal ko na siyang crush, nainis pa rin talaga ako sa sinabi niya tungkol sa feelings niya para sa akin. Kahit na alam ko nung una pa lang na malabo niya akong magustuhan, umasa pa rin ako. Kasalanan ko ba lahat? Na kung hindi naman ako umasa hindi naman talaga ako masasaktan, e. Pero, mahal ko kasi, e.



Pero 'wag naman sana iyong nagbigay na siya ng motibo o hint sa akin na umasa na meron talaga tapos sasabihin niya bigla na hindi pa siya sure. Pero kahit naman magtampo o magalit ako sa kanya, ako pa rin talaga ang talo, e. Hindi ko kasi kayang magtampo sa kanya ng sobrang tagal. Lalo na't hindi naman niya ako sinusuyo. Bakit nga naman niya ako susuyuin? E hindi niya naman ako girlfriend. Gaya na lang ngayon, nakalabas na ako ng kotse niya't lahat hindi niya pa rin ako hinabol para makapag-sorry man lang.



Masama bang mangarap na ikaw naman ang habulin nung taong matagal mo nang hinahabol? Masama bang—



Nahinto ang pagdadrama ko sa isip ko at pati na rin sa pagtakbo dahil may nabangga ako. At dahil sa lakas ng pagkakabangga ko sa kanya, nawalan ako ng balance at napaupo sa sahig.



"Aray, ang sakit," sabi ko na parang maiiyak na dahil sobrang sakit ng balakang ko.



"Oh, Nariah, ikaw pala iyan," sabi ng isang lalaki.



Tumingala ako para makita kung sino ba iyong nabangga ko. Si Andrei lang pala.



Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano? Hindi mo man lang ba ako tutulungang makatayo? Papanoorin mo na lang ako dyan?"



Ngumisi siya at tinulungan akong tumayo. "Easy, lady, ang sungit mo naman!"



Aba! Pero nakakawala talaga ng mood si Randolf, e. Kaya nasungitan ko tuloy si Andrei. Kasalanan niya rin kasi! Natumba na nga ako, hindi pa ako tinulungan!



Nung nakatayo na ako, pinagpag ko muna iyong uniform ko saka nilagpasan siya. Bago pa man ako makalayo, pinigilan niya na ako.



"Hindi ka ba magpapasalamat, ha?" tanong niyang parang nang aasar.



Ngumiwi ako sa kanya. "Salamat, ah." Tinalikuran ko na kaagad siya pagkatapos nun.



"Tss, sungit," bulong ni Andrei.



Natigilan naman ako kasi narinig ko siyang bumubulong.



Humarap ako sa kanya at sinigawan siya. "Anong ibinubulung-bulong mo dyan, ha?"



Tumawa siya at umiling. "Wala, sige tumakbo ka na ulit."



Inirapan ko na lang siya dahil sa sobrang inis. Sira na yata ang araw ko.



Habang tumatakbo ako, nakita ko sila Rein na papasok na sa canteen. Ang mga baliw hindi man lang ako hinintay!



Kaya mula sa kinatatayuan ko, itinakbo ko iyon papunta sa canteen. Ang init pa naman! Kaya nang makarating ako sa canteen, hingal na hingal ako habang paupo sa bakanteng upuan sa table nila Rein.



"Oh, akala ko ba inihatid ka na ni Randolf sa bahay niyo?" tanong ni Jane habang kumakain siya ng junk food.



"Oo nga! Bakit nandito ka pa rin?" sabat ni Rein.



(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon