Chapter 21
#RacingHearts
Ang tagal naman! I've been waiting here for an hour! Ang sabi kasi nung kasambahay nila Andrei ay hintayin ko raw siyang makababa, ibinilin daw kasi ako ni Andrei sa kanila. Jusko! Ano ba kasing kailangan nun at ang tagal-tagal niyang bumaba dito? Inip na inip na ako!
Napunta ako dito kasi dinala ko 'yung cake na in-order niya. Tapos ang gusto niya e ako ang mag-deliver, ang dami talagang arte nun! Nang sa wakas ay nagpakita na rin ang baliw, ay tahimik lamang ako sa inuupuan kong sofa.
Nasa hagdan pa lang siya ay nakatingin na siya sa akin at nakangiti. I didn't smiled back at him. Pagkatapos niya akong paghintayin ng isa't kalahating oras!
"Hey, good morning!" he greeted.
Nakatingin lang ako sa kanya, still not saying anything. Ang bango niya, ha! 'Yung tipong hindi na makayanan ng ilong ko ang tapang ng pabango niya kasi mukhang ibinuhos niya sa katawan niya 'yung pabango. Kaya ba siya natagalan kasi naligo pa siya at nag-ayos ng sarili niya?
Pinanliitan ko siya ng mata. "Para kang bakla," I said.
He creased his forehead, nagtataka kung bakit ko siya sinabihan ng parang bakla out of the blue. "What?" natatawa niyang tanong.
"Para kang bakla! Ang tagal mong maligo!" I shouted to him.
Hindi ba niya naisip na may sarili din akong buhay at may gagawin din ako?! 'Yung imbes na nakaalis na dapat ako sa bahay na ito kanina pa, e nandito pa rin ako at kausap siya.
He laughed. "Edi sana umakyat ka doon at pinaliguan mo ako!" sabi niya na nakaturo sa taas kung saan nakapwesto ang kwarto niya.
Napa-face palm na lang talaga ako sa kabaliwan niya! Napatingin din ako sa paligid namin dahil baka may nakarinig nung sinabi niya at pagkamalan pa akong girlfriend nitong si Andrei!
"Bakit mo ba ako pinag—" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang biglang may isang magandang babae ang pumasok sa main door at tinawag si Andrei.
"Andrei! I missed you!" the lady said, she's maybe the mother of Andrei? Biglang naging busy lahat ng kasambahay nila Andrei, lahat may ginagawa, palakad-lakad. Kaya naman nataranta ako dahil 'di ko alam kung ano pang ginagawa ko rito. Kaya habang nalilibang pa si Andrei at ang mommy niya sa pag-uusap ay tumayo na ako. Naglakad ako papunta sa pintuan ng bahay nila at hindi na inabala pa si Andrei. But his mom noticed me out.
"Who are you?" his mom asked, kaya naman nahinto ako sa paglalakad.
Kahit kinakabahan ay humarap pa rin ako sa mommy ni Andrei. I smiled at her though my lips were trembling. "A-Ako po 'yung nag-deliver ng cake," I politely said.
Bigla namang lumiwanag ang mukha ng mommy ni Andrei. "Okay," his mom answered.
"Nariah, you can join us for lunch," Andrei said.
Jusko! Meet the family na ba ang peg ko ngayon? 'Yung mom niya pa naman ay mukhang kakainin ako ng buhay. Her brow was arched so high na para bang aabot na ito sa langit. God! What if she'd think that I am Andrei's girlfriend? I am not even prepared to pretend!
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
قصص عامةNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...