Chapter 8

1.5K 49 8
                                    

Chapter 8



#RacingHearts



"Kung may makita kang mas maganda kesa sa akin, ipagpapalit mo ba ako?" I asked him.



"Of course not! You're my only one," he answered then kissed me on my forehead.



Ang swerte ko talaga dahil boyfriend ko itong si Randolf! Kuntento na ako sa kanya kasi alam kong hindi niya ako ipapagpalit.



"Talaga? I love you."



"I love you—"



Nagising ako dahil sa isang malakas na hampas sa akin. Naputol iyong maganda kong panaginip na hanggang panaginip lang kasi malabo iyong mangyari sa totoong buhay.



Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko sila Jane na galit na nakapalibot sa akin.



"WAAAAHHHH!!!!" sigaw ko saka tinakpan ang aking mga mata.



Umarte akong takot na takot sa mga hitsura nila. Kahit na natatawa ako sa mga hitsura nila, kailangan kong gawin ito.




Hinampas nila ako ng unan, sunod-sunod at malalakas na hampas ang ibinigay nila sa akin.



"I hate you, Nariah!!!!!" sobrang lakas na sigaw ni Jane.



Hinampas na naman nila ako, iyong hampas nila sa akin iyong tipong masisira na ang mga unan dahil sa lakas.




Hinarang ko ang aking mga braso sa aking mukha para proteksiyonan ito habang bumabangon ako kasi hindi pa rin sila natitigil sa paghampas sa akin.



Tumayo ako at buti naman nahinto na sila sa paghampas sa akin.



"Why, Nariah? Why?" Rein asked na parang maiiyak na dahil sa ginawa ko sa mukha niya.



I shrugged. "That's what you get," I said then smiled at her. I walked towards the comfort room to do my morning ritual.



I just washed my face with soap and then I brushed my teeth. Lumabas na ako ng c.r. at naglakad papunta sa pinto para lumabas na ng guest room, nakatingin lamang sila sa akin habang naglalakad ako.



Nung hawak ko na ang doorknob at nakatalikod sa kanila, sabay-sabay nila akong hinagisan ng unan sa aking likod.



"YOU'RE ANNOYING! ARGH!" Jane shouted before I closed the guestroom's door.




Bumaba na ako sa hagdan at dumiretso sa dining area. Pagdating ko doon, naabutan ko si Manang na naghahanda ng mga plato, kutsara, tinidor, at mga baso para sa amin.



"Oh, ikaw pa lang ba ang gising sa inyo?" Manang asked.



"Hindi po, nandoon pa po sila sa kwarto at naghihilamos pa," I answered.





Siguro aabutin sila ng isang oras sa pagtatanggal ng mga nilagay ko sa mga mukha nila. Ganun dapat kapag gaganti, sagarin mo para maasar sila sa iyo.



"Hija uminom ka muna ng tsokolate habang hinihintay mo sila Jane," Manang said.



"Salamat po," sagot ko at ngumiti sa kanya.



Uminom na lang ako ng tsokolate habang naghihintay. Tumunog ang aking cellphone hudyat na may nag text sa akin. Kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong sa lamesa at binasa sa screen kung sino ang nag text.



(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon