Chapter 12

1.3K 22 7
                                    

Chapter 12



#RacingHearts



Itong si Callian ang sarap tuktukan sa ulo, e! May nalalaman pa siyang ganon-ganon!



"Ano ba iyan? Nakakagulat iyong mga tanong mo ngayon, ha!" I shouted.



"'Kala mo naman talaga maganda," he whispered.



"Anong ibinubulong bulong mo dyan?"



"Wala, ah! May narinig ka ba?" Nag iwas pa siya ng tingin.



"Oo! Meron!" sigaw ko.



"Narinig mo naman pala, e! Bakit nagtatanong ka pa?"



"Magtatanong ba ako kung naintindihan ko iyong binulong mo?"



N

A

K

A

K

A

I

N

I

S



Bakit ba ganyan sila? May sasabihin tapos pag narinig mo nga pero hindi mo naman naintindihan hindi na nila sasabihin? Na. Ka. Ka. Inis.




"Hoy!! Kakain na raw! Bakit di pa kayo bumaba?" nakakagulat na sigaw ni Gogz.



"Ito na! Ito na!" naiinis na sagot ni Callian saka siya tumayo at pumasok sa kanilang suite.



"Aba..." bulong ni Gogz.



Tumayo na ako dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Paniguradong sabay-sabay na naman kaming kakain nito. Kasabay ko sina Gogz at Callian sa pagpunta sa resto kung saan kami kakain.



Habang kumakain, nagkkwentuhan ang mga matatanda. Una nilang pinag-usapan ay ang tungkol sa mga business nila. Nakikisama sa usapan ng mga matatanda sila Gogz, Callian, Ate Francia, at Ate Francheska kasi sila ang madalas nilang kausapin.



Ako naman ay tahimik lamang na kumakain dito sa mahabang lamesa. Nasa gitna ako nina Mama at Papa at sila Callian naman ay nasa kanan namin. Nang matapos kaming mananghalian ay nag-swimming lamang kami hanggang sa sumapit ang gabi.




THURSDAY. HUWEBES.





Ang sarap-sarap talaga sa pakiramdam kapag lumalangoy ako. Kasama ko sina Ate Francia at Ate Francheska pero sila ay nagssurf. Kaming tatlo lamang ang nandito sa tubig at ang iba ay nandoon at nakaupo sa buhangin, naggigitara na naman kasi si Gogz kaya naroon sila Rocky.



"Ate Cheska!" tawag ko kay Ate Francheska.



Huminto muna siya sa pag-surf para kausapin ako. "Yes?"



"Doon muna ako, Ate," paalam ko habang nakaturo sa pwesto nila Rocky.



"Sige, susunod kami ni Ate," sagot nito saka ipinagpatuloy ang ginagawa.



Nang nakaahon na ako, naririnig ko ang tinig nila na masayang kumakanta. Umupo ako sa tabi ni Roxy saka ipinahinga ang aking katawan.



Ang ganda pala nung boses ni Gogz, lalo na kapag sinabayan ni Rose. Si Rocky naman panggulo lang sa kanila, e. Ang kanilang kinakanta ay ang kantang Perfect ni Ed Sheeran, si Gogz ang naunang kumanta.



(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon