Chapter 2
#RacingHearts
Hanggang ngayon kinukulit pa rin ako nila Rachel, Jane, at Therese kung close ko na ba raw ang lalaking iyon. At kung saan, kailan, paano kami nagkakilala. Masyado silang maraming tanong sa akin tungkol doon kaya medyo naiinis ako kasi wala silang tigil sa pagtatanong. Nandito kami ngayon sa covered court ng school kasi meron daw announcement. Nagtanong ako kay Rein kung tungkol saan iyon pero nagkibit-balikat lang siya sa akin.
Nahagip ng paningin ko ang mga lalaking nagtatawanan- si Randolf at ang mga kaibigan niya. Ang lalakas tumawa nung mga kaibigan niya pati na rin siya. Hindi pa naman maguumpisa kaya hindi sila pinapagalitan. Naalala ko tuloy iyong nangyari kagabi.
"What's bothering you?" Rein asked me nung mapansin niyang nawala ako sa mood bigla.
"It's a person," I honestly answered.
"Okay, who's bothering you?" Rein repeated the question.
"Randolf," I simply answered.
"What? Why?" She really wants to get the answer.
I took a deep breath hoping for her to notice that I really don't want to talk about him this time. And then she gets that I am avoiding the topic.
Sila Rachel naman walang tigil sa pagtitig doon sa lalaking nagbigay sa akin ng sandwich kanina. Sino ba kasi iyon? Dalawang beses na kaming nagmeet at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.
Sabagay, hindi naman kasi maganda para sa akin iyong unang pagkikita namin. Tapos kanina naman, pagkatapos niyang ibigay sa akin iyong sandwich umalis kaagad siya kasama ang mga kaibigan niya kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataong itanong kung ano ang pangalan niya.
Binaling ko na lang ang atensyon ko sa stage na kasalukuyang maraming teachers and student officers dahil nandoon ang principal para sa announcement.
"Good afternoon, students!" The principal greeted us.
We stood up and greeted her back.
"Be sitted," iminuwestra niya rin na umupo na kami. "So, next week is the last week of this school year," sabi niya habang iginagala ang paningin sa mga students.
Kaya nga marami akong ginagawa pagdating ko sa bahay kasi completion of requirements na lang this week until next week. Tapos na kaming magtest kaya iyong mga projects naman ang inaasikaso namin ngayon.
"So, complete all the requirements that is needed for you to pass this year. Good luck! You may now go, pwedeng hindi muna kayo pumasok sa mga class ninyo ngayong hapon para makagawa kayo ng requirements."
Naghiyawan at nagpalakpakan naman ang ibang mga estudyante dahil sa sinabi ng principal. Free cut nga naman ngayon. Mabuti na lang natapos ko na ang mga projects namin.
"Girls, tambay muna tayo dito. Tapos na ba kayo sa mga projects natin?" tanong ni Jane sa amin.
"Oo naman!" sabay-sabay naming sagot sa kanya.
"Good. Kaya ngayon, tumambay muna tayo dito tapos ikaw naman, Nariah, magkwento ka sa amin kung paano pinagtagpo ng tadhana ang mga landas ninyo ni Andrei!" kinikilig pang sambit ni Jane.
"Hoy ikaw, Jane, bakit parang mas kinikilig ka pa kesa sa amin ni Therese?" pang aasar ni Rachel.
"Oo nga! Control your feelings nga! Hindi naman ikaw iyong binigyan ng sandwich, e!" sigaw ni Therese kay Jane.
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
General FictionNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...