Chapter 6

1.7K 21 5
                                    

Chapter 6



#RacingHearts



Nakaupo ako ngayon sa bench ng school, lunch na kasi namin. Naisip kong wag munang sumabay kila Jane ngayon kasi gusto ko munang mapag-isa.



Dito ko napiling mag lunch para naman nakikita ko ang mga puno habang kumakain ako. Pampawala ng bad vibes.



Habang nakatingin ako sa mga puno, nahagip ng paningin ko si Randolf na naglalakad. Naglalakad siya palapit sa akin? Oh my gosh! Sisirain na naman niya ang araw ko!


Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko, iyong iba magulo kong nailagay sa bag ko dahil sa pagmamadali. Pero okay lang ito, basta makaiwas ako sa kanya.



Pero bago pa man ako makaalis, nandito na sa harap ko si Randolf.



"Aalis ka na agad?" tanong niya.



"O-Oo, e. Pupuntahan ko na sila Jane, baka hinahanap na ako," nauutal na sagot ko.



"Ah, pero pwede bang dito ka muna? Gusto sana kitang makausap," sabi niya.



Ano bang sasabihin nito? Panibagong mga salita na naman na makakapagpasakit ng damdamin ko?



"Ah, wala akong oras, e. Nagmamadali na talaga ako."



"Kahit saglit lang? Sige na," pakiusap niya.



Shit! Ganito ang ayaw ko, e. Ang hirap niyang tanggihan kapag ganyan siya!



"Sige, five minutes."



He sighed. "Salamat. Gusto ko lang sanang mag sorry sa iyo," sabi niya.



"Para saan?" sagot ko.




Bakit siya nagso-sorry? Kasi sinaktan niya ako? Ganoon ba?




"Dahil sa nalaman mo kahapon. Alam kong nagulat ka, pero hayaan mo akong mag explain," sagot niya.




Hindi na ako nagulat dahil nahuli kitang kausap ang kaibigan mo na siya ang topic. Kaso hindi ko iyon sasabihin sa iyo.





Hindi ako sumagot at bumuntong hininga na lang ako. Naghahanda sa kung ano man ang sasabihin niya.



"I didn't mean to hurt you, Nariah. Matagal ko nang nililigawan si Curlie, 7 months na ngayon. Pero kung nagtataka ka kung bakit ako biglang naging sweet sa iyo nung nakaraan, dare kasi iyon sa akin ng mga kaibigan ko. I lost a bet and that was my punishment. Ang maging sweet sa iyo," he said.




Tuluyan nang nabasag ang puso ko. Akala ko ang pinakamasakit na mararanasan ko ay ang makita ang mahal kong masaya kasama ang iba, pero hindi pala. Dahil mas masakit pa itong sinabi niya sa akin ngayon lang, na dare lang sa kanya ng mga kaibigan niya ang maging sweet sa akin. Ibig sabihin, hindi niya talaga gusto ang ginawa niya? Malamang, meron na siyang Curlie, e. Sana hindi na lang niya sinunod iyong dare na iyon.



"Niyaya kitang mag date para maging mas convincing ang pagiging sweet ko sa iyo, pero nung umayaw ka natuwa pa ako nun. Kasi nga baka makita tayo ni Curlie kung sakaling natuloy iyon."




Sana pala pumayag na lang ako doon! Edi sana kahit na masasaktan ako sa huli, naging masaya ako ng saglit.



Hindi na ako makapagsalita. Hindi ko na kaya. At hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba kung sakaling may panibagong sakit na naman ang dumating.



(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon